Hindi ko masyado makita dahil may dumadaan na mga sasakyan kaya naglakad ako papunta roon.
Nakita kong pinagkaka-isahan ng mga limang lalake si CJ. "Binubully ba siya?"
Kilala ko yung mga lalake na yun, ah! Batchmate ko ang mga loko na yun.
Lumapit ako sa kanila para awatin ang mga bully na yun sa pambubully. Nakita kong may pasa si CJ.
Pumagitna ako sa kanila. Nasa likod ko si CJ. Nagulat din siya sa paglitaw ko.
"Anong ginagawa mo rito, Yorry?" pagtatakang pagtatanong ni Roel.
"Ano rin ng ginagaw niyo sa kaibigan ko?"
"Ah, kaibigan mo pala ang gagong yan!"
"Ikaw ang gago!" Sabat ni CJ.
Pinigilan ko sila dahil aakma ng magsusuntokan.
Hindi ako namomoblema kung magsuntukan ang dalawang ito dahil nakikita ko naman na kaya niya si Roel pero talo siya kapag siya ay pinagtulungan ng limang lalake.
"Wait nga lang, ano bang nangyayari rito? Ano ba ang reason kung bakit niyo pinagkakaisahan si CJ?"
"Yang kaibigan mo ay inagaw ang girlfriend ng kapatid ko," wika ni Roel.
Mabilis na sumagot si CJ, "Yan ba ang sinabi ng kapatid mo? Sinunguling siya! Hindi niya girlfriend ang babaeng iyon at ang babae na yun ang lumapit at kumakausap sa akin!"
"Ikaw ang sinungaling!" sagot ni Roel.
Inawat ko na naman sila dahil aakma silang magsusuntukan.
"Ano ba! Bakit ba gustong gusto niyo ng gulo?!"
Tumingin ako kay CJ. "Wag ka ng magtanong pa. Akin na ang phone mo." Binigay niya sa akin ang kaniyang phone.
"May number ka ba sa babae na yun?" Tanong ko kay CJ.
"Wala, eh."
"Pero friend kayo sa facebook?"
"Oo."
"Okay, magvideo call tayo sa kaniya para malaman natin ang katotohanan."
Mabilis sinagot ng babae. Ako ang kumausap sa kaniya.
"Sino po ito? Bakit niyo hawak ang phone ni CJ?"
"I'm his ate." sinabi kong ate para wala na siyang tanong pa.
"May nangyaring kaguluhan dito kaya I need your cooperation. Itatanong ko lang kung kilala mo si Zandro, yung classmate mo?
"Opo."
"Anong relasyon mo sa kaniya? Boyfriend mo ba siya?"
"Hindi. Ayaw ko sa lalakeng yun, hambog yun, eh!" Tumingin ako kay Roel. "See!"
"Kay CJ, anong relasyon mo sa kaniya?"
"Wala naman. Sa tingin ko, wala siyang gusto sa akin kaya ako yung lumalapit sa kaniya para magpapapansin!"
"Thank you sa cooperation mo!" Pinatay ko na ang phone at binigay ko kay CJ.
Tumingin ako kay Roel, "Anong masasabi mo roon? Ha?" hindi nagsalita si Roel.
"Tara na guys!" sabi niya sa kaniyang mga kasamahan.
Tumingin ako kay CJ at bigla niya ako na niyakap ng mahigpit. Narinig ko ang sabi niya, "Thank you!" ako naman ay napangiti sa pagpapasalamat at pagyakap niya sa akin.
Pinilit niya akong ilibre kahit sinabi ko sa kaniya na wag na.
Naglalakad kami habang kumakain ng fishball.
BINABASA MO ANG
Earthly Desire (Rated 18+)
General FictionPara maging madali ang kaniyang pamumuhay at mabili niya ang kaniyang mga luho, beninta niya ang kaniyang katawan sa kung sino sinong lalake. Kung kani-kanino siya nakikipagtalik. Maraming lalake ang kaniyang tinikman at nakatikim sa kaniyang makini...