Naroon na sa upuan si Jade. "Masaya tayo, ah!" ngiting sabi ni Mae.
"Oo nga, hanggang tenga ang ngiti," dagdag pa ni Jade.
Nang tiningnan ko si Jaldy ay naka-seryoso ang mukha niya. Napatawa nalang ako deep inside. Failed ang paninira niya.
"Hindi kasi nagtagumpay ang ka-epalan ng paligid."
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong Mae.
"No need to answer your question. Basta, masaya ako dahil sa nangyari ngayon araw na ito!"
Narinig ko ang pag-alarm ng aking phone. "Mauna na ako sa inyo guys, may lakad pa pala ako."
"Ng mag-isa?"
"Oo."
"Boy ba ulit yan?" Tanong ni Jade.
"Hindi. Its business."
"Galante ka na talaga. Baka, may plano kang magpa-ambon ng blessing," wika ni Mae.
"Well, hintayin niyo nalang." Nagpaalam na ako sa kanila.
Pupunta ako ngayon sa isang sikat na museum sa Pilipinas dahil may i-me-meet akong kliyente.
May bibilhin lang naman akong pinapangarap na painting noon.
Matagal ko ito hinihintay. Naaalala ko, grade six ako nang napanood ko ang painting na ito sa TV.
Pinapangarap ko na magkaroon ng ganitong painting, someday.
At ito na nga, ang someday na yun! Binili ni Vincent sa akin bilang isang regalo para sa aming tatlong taong anibersaryo ng aming relationship.
Sinalubong ako ng isang staff sa museum na ito.
"Ikaw po ba yung nakausap ko kahapon, ma'am? " tanong ni ms. Anne.
"Oo, ako yun."
"Nakahanda na po yung painting niyo po. Sumunod kayo sa akin," sabi niya.
Nakita ko na nakabalot na yung painting. Kinuha ko ang aking phone para kumuha ng litrato.
May lumapit na babae sa akin. Nakasoot siya ng black eye glass.
"Mamahalin. Tiyak ako, binili iyan ng husband ko para sa 'yo. Tama ba ako?" Nang tinanggal niya ang kaniya soot na black eye glass. I saw who is she, that woman, ang deborsyadang si Miranda.
"Grabe, pati ba naman dito. Sinusundan mo ako?" sabi ko sa kaniya.
"Pumasok ka na sa bubay namin, kaya maghanda ka na sa mga mangyayari."
"Mahilig ka talaga manakot! Tabi nga, dadaan na ang mamahaling bagay ko. I forgot to tell you. Three years anniversary namin ng ex husband mo. Binilhan niya ako ngayon araw na ito ng kotse. Very concern kasi siya sa akin. Ayaw niya akong mapagod sa pagko-commute. At ito ring mamahaling painting ay gift niya rin sa akin. Wait lang, natanggap mo na ba ang devorse paper ninyo? Sa pagkakaalam ko, ngayong araw ito darating," parinig ko sa kaniya. Nakita ko ang insulto sa kaniyang mukha.
"Ganiyan ka na ba ka-desperada? Ang lande mo, makati ang katawan mo! Wala ka bang pakialam kung may masisira kang pamilya. Wala kang kuwentang babae. Wala kang puso. Hindi ka napalaki ng tama ng mga magulang mo!" Sigaw niya kay Yorry.
"Hoy, babaeng hukluban. Hindi ko problema ang pangungulubot ng iyong balat kaya nawala ang pagmamahal sayo ng iyong dating asawa. Hindi mo ba naisip, nasayo ang problema. Wala sa akin. Kahit hiwalayan ko pa si Vincent, walang magbabago. Hindi ka niya na mahal kaya maghahanap ulit siya ng mas bata at fresh na tulad ko. Kaya don't blame me!" wala siyang nasagot sa sinabi ko. Naglakad na ako paalis ng museum.
BINABASA MO ANG
Earthly Desire (Rated 18+)
Ficción GeneralPara maging madali ang kaniyang pamumuhay at mabili niya ang kaniyang mga luho, beninta niya ang kaniyang katawan sa kung sino sinong lalake. Kung kani-kanino siya nakikipagtalik. Maraming lalake ang kaniyang tinikman at nakatikim sa kaniyang makini...