"Hindi nalang ako maggi-girlfriend. Ganito nalang ako habambuhay until ma-meet ko yung girl na hindi malibog." Ngumiti ako sa kaniyang sinabi. Ang arte niya.
"Kapag nagbago ako, magugustuhan mo ba ako? Liligawan mo ba ako?"
"Maybe," Sinabi niya habang naglalakad. "Halika na, samahan mo akong gumala!" Sigaw niya.
Pumayag nalang ako sa kaniyang alok na gumala para maiba naman ang panlasa sa mga nangyari ngayong araw na ito.
"Hindi naman sa nagrereklamo ha, ang yaman yaman mo. Dito mo ako dinala? Akala ko naman kung ano yung sinasabi mo, samahan mo akong gumala. Akala ko sa mall tayo gagala o manood ng TV."
"Na-miss ko kasi ang ganitong pagkain."
"I can't believe na kumakain ang gaya mo rito ng ganito?"
"Bakit, tao rin naman ako, ha."
Umupo sila sa gilid ng puno para doon kainin ang kanilang hawak na street foods.
Napabuntong hininga ako. "Matagal na rin nang magkaroon ako ng ganitong moment. Naalala ko yung high school student pa ako. Dito kami madalas pumupunta ng mga kaklase ko, including my two bestfriends." Napatingin ang binata sa kuwento ni Yorry. Pagbalik tanaw ng pagiging high school student niya.
Parang umiba ang kaniyang nararamdaman sa dalaga habang tinitingnan ang mukha nito.
Ibang karakter ang katabi niya ngayon. Hindi yung unang kilala niya kay Yorry, yung Yorry na malibog, yung Yorry na sex lagi ang iniisip.
"Hindi ko pa non pinoproblema ang pera, ang mga mga materyal na bagay. Alam mo, kung pwede lang pumili. Pipiliin ko maging bata nalang habambuhay para kahit anong problema at pagsubok na dumating sa akin, babalewalaen ko lang. Yun naman ang mga bata, diba?" nakinig lang si Jaldy kay Yorry. Unti-unti niya nakilala ang totoong Yorry.
"Nakakapagod ang maging matanda, nakaka-stress. Lahat ng bagay ay pinoproblema mo, kahit maliit na bagay. Alam mo, hindi naman.." Nakita ni Jaldy ang emotion sa mukha ni Yorry, parang iiyak na siya.
"Hindi ko naman mapipigilan at masisisi ang mga tao for judging me dahil totoo naman ang mga sinasabi nila. Malande ako, pokpok ako, makati ako. Kung sino sinong lalake ang pinapatulan ko. Kung kani-kanino ako sumama. Binenta ko na ang katawan ko. Pero, alam mo kung may isang chance na ibibigay sa akin ang tadhana, hindi ko yun sasayangin. Iiwan ko ang ganito kong ginagawa. Magbabagong buhay ako. Sa totoo lang, nasasaktan ako sa mga sinasabi nila sa akin."
"Ano ba uri ng chance, ng sign ang gusto mo? ang hinihintay mo?"
"Hindi ko pa alam." Pinunasan ni Yorry ang ilang mga luha na lumalabas sa mga mata niya.
"Ang drama ko na." Bigla siyang nagulat sa biglaang pagyakap sa kaniya ni Jaldy."
"Lagi mong tandaan. Kung may problema may solusyon din ito. Hindi naman habambubay nandiyan yung problema. Kung nahihirapan ka na, kung nabibigatan ka na. Isipin mo, nadiyan ang mga kaibigan mo para ibuhos sa kanila ang bigat na nararamdaman mo. Huwag mo pigilan ang sarili sa pag-iyak. Homagolgol ka sa pag-iyak. Paraan para gumaan ang iyong pakiramdam."
Niyakap ng mahigpit ni Yorry si Jaldy. Naramdam niya ang init na concern sa kaniya ng binata.
Bibitaw na sana siya sa pagyakap sa dalaga ngunit ayaw siyang pakawalan.
"Sinimulan mo ako."
"Yan ka na naman!"
"Ang bango mo. Nakakalibog ka." lalo niya pang hinigpitan ang pagyakap ang binata.
"Libog mo talaga!"
"Makipag sex ka na sa akin para hindi na kita kulitin."
"Sabi ko naman sayo, ayaw ko sa malibog na babae."
BINABASA MO ANG
Earthly Desire (Rated 18+)
Genel KurguPara maging madali ang kaniyang pamumuhay at mabili niya ang kaniyang mga luho, beninta niya ang kaniyang katawan sa kung sino sinong lalake. Kung kani-kanino siya nakikipagtalik. Maraming lalake ang kaniyang tinikman at nakatikim sa kaniyang makini...