"Ikaw Kyla, kamusta ang pag-aaal mo?"
"Well, medyo mahirap maging college student. Lahat ay kailangan maipasa mo sa deadline. Kailangan magawa mo ang mga pinapagawa nila. Nakaka-stress!"
"Mag boyfriend ka na kasi para may katulong ka sa mga projects mo, may susuporta sayo at magpapalakas ng loob." Tumingin si Miranda kay Vincent. "Ganun yung ginagawa namin dati ng dad ninyo. Nagtutulungan kami, nagsusuportahan sa isa' isa." Nakita kong ngumiti si Vincent sa kuwento ni Miranda.
Biglang nagsalita si Kyla, "Ang saya niyo. Kaya bakit niyo pa ngayon naisipan maghiwalay? Masaya naman tayo diba?"
Tumingin sa akin si Miranda at nag evil smile. Pang-iinis.
"Kyla, pinag-usapan na natin 'to nang nakaraang araw kaya wag na nating pagtalunan 'to," tumahimik si Kyla sa sinabi ng kaniyang dad.
"May point din naman ang anak natin. Hindi naman ako naging mahigpit sayo. Pinapabayaan kita sa mga ginagawa mo, mga gusto mong gawin. Inaalagaan kita ng maayos pati ang mga anak natin. Kung may pagkukulang pa ako, Vincent, just tell me. Pupunuin ko iyon. Huwag na tayong humantong sa ganitong paghihiwalayan," paawang pagsasalita ni Miranda.
Epal talaga 'tong babae na 'to. Kahit anong gawin niya ay hindi na babalik pa sa kaniya ang kaniyang husband!
Pinipigilan ko magsalita ng mga bad words dahil nandiyan si Vincent. I don't want na masira ang magandang image ko sa kaniya.
"Pati ba naman ikaw," sabi niya kay Miranda.
"Naaawa lang naman ako sa mga anak natin. Ayaw ko pagdaanan nila ang pagkakaroon ng broken family."
"Mga anak. Sana, maintindihan niyo ang daddy."
Narinig namin ang sigaw ng yaya, nandiyan na yung pangalawang anak ni Vincent.
Nakatalikod ako sa daanan kaya hindi ko nakita. Tsaka, ayaw ko rin lumingon dahil masisira ang aking damit. Pero pamilyar ang kaniyang boses.
Nagulat ako sa aking nakita. Pareho kaming nagulat. Hindi namin inahasahan ito.
Si Jaldy ang pangalawang anak ni Vincent. Nang araw na ikinuwento ni Vincent ang tungkol sa kaniyang mga anak. Nickname lang ang kaniyang binanggit sa mga pangalan nila kaya hindi ko nalaman na anak niya pala si Jaldy.
"Jaldy, there you are! Umupo ka na," sabi ni Vincent sa kaniyang anak.
"Opo dad!"
"Pwede na natin simulan ang personal na pag-uusapan natin. First, I want to introduce to all of you my new wife." Hindi pinatapos ni Jaldy ang pagbanggit sana ng pangalan ni Yorry.
"Yorry Lipata," seryoso ang kaniyang mukha ng banggitin ang aking pangalan.
Bakit sa lahat ay si Jaldy pa. Bakit siya? Hindi tuloy ako makapagsalita ng maayos.
Kinalma ko ang aking sarili. Hindi dapat ako mapaghihinaan ng loob.
Tumingin sila kay Jaldy at tinanong ni Vincent sa kaniya kung magkakilala kaming dalawa.
"Oo, same school kami at same year level!"
"Good. Kilala mo na siya!" nakangiting sabi ni Vincent.
"Anong good doon dad? Pumatol kayo sa college student! Sa isang studyante?!" taas na boses ni Kyla.
"Oo nga dad. Ano na lamang sasabihin ng mga tao pati na ang mga tao mo sa kompanya," sabat ni Edu.
Hanggang ngayon ay seryoso ang mukha ni Jaldy at nakatingin pa talaga siya sa akin. Kanina pa siya nakatingin sa akin. Sana naman, hindi mapansin ni Vincent.
BINABASA MO ANG
Earthly Desire (Rated 18+)
General FictionPara maging madali ang kaniyang pamumuhay at mabili niya ang kaniyang mga luho, beninta niya ang kaniyang katawan sa kung sino sinong lalake. Kung kani-kanino siya nakikipagtalik. Maraming lalake ang kaniyang tinikman at nakatikim sa kaniyang makini...