13

175 1 0
                                    

"Yun ba ang reason? Balewalaen mo nalang ang mga sinabi niya." Pagmamakaawa ng boses niya.

"Hindi lang don." Humarap ako kay Vincent. "Sa kaniyang mga sinabi at yung dalawang anak mo. Napagtanto ko na, mali ang ginagawa ko. May ipatatapat ako sayo, Vincent." Ilang segundo bago bumuka ulit ang aking bibig. "Nagsinungaling ako sayo. I'm not a good woman that you think."

Napayuko ako nang inamin ko sa kaniya ang totoo, "Marami ng nakatikim ng aking katawan. Marami ng lalakeng aking nakasiping!"

"Kung past mo yan ay tatanggapin ko!" 

" Kasalukuyan kung ginagawa ko yun. Since vacation para mag first year college ako. Kahit naging tayo na ay pinagpatuloy ko ang malaswa kong ginagawa ko. Meron pa akong ipagtatapat sayo, pinatulan kita dahil sa pera mo." Nakita ko ang pag-iba ng reaksiyon ng mukha ni Vincent.

"Kung sinasabi mo yan para mapapayag akong hiwalayan ka. Please, stop! stop!"

"Ito yung totoo. Marami kayong pinatulan kong mayaman para masuportahan ang luho ko!

Pero sinabi ko sa aking sarili, kapag naging asawa na kita ay ihihinto ko na yun. Oo hininto ko na yun, pati pagsama sa iba't ibang lalake."

"Okay, papatawarin kita dahil tinigil mo na yun. Hindi na ako galit sayo. Pwede na tayo magsimula ulit." pagmamakaawa ni Vincent.

"No, kailangan ka ng pamilya mo. Sila ang balikan mo, Vincent."

Niyakap niya ako. "Please, don't do this to me! I really love you!"

"Minahal din naman kita, Vincent. Isipin nalang natin na, isa itong magandang panaginip. Panaginip na kailangan nating gumising at tanggapin ang katotohanan, it just a dream."

Sa katunayan, bago pumasok sa building si Yorry at tinawagan niya si Miranda dahil may gusto siyang iparinig. Narinig niya ang reason kung bakit nawala ang pagmamahal ni Vincent sa kaniya.

"Alam ko, mahal mo pa si Miranda. May natitirang pagmamahal diyan sa puso mo, nalaman ko nang binalikan ninyo ang inyong old memories.

Vincent, alam kong mahal mo pa siya, may natitirang pagmamahal diyan sa puso mo. Kapag tuluyang nawala ang marriage ninyo, mababalewala ang panliligaw mo sa kaniya. Balikan mo ang reason kung bakit mo siya minahal noon. Kung bakit mo siya niligawan. Ngayon ka pa ba susuko, sa pagmamahal mo sa kaniya? Ang layo nang narating ng inyong pagmamahalan. Ang layo na!"

Napayuko siya sa aking sinabi. Malungkot ang kaniyang mukha. Nalilito siya.

Nilagay ko ang aking kamay sa kaniyang balikat at ngumiti. 

"Itama natin ang mga maling ating nagawa sa ating buhay. Salamat sa lahat!" Masaya kong sabi sa kaniya. 

Nilagay ko sa small table ang susi ng kotse at susi ng condominium. Pati ang binigay niyang ATM.

Naglakad ako papunta sa pintuan. Lumabas ako sa building na masaya.

Tinigil ko ang mga ginagawa kong kalibogan, mga pagsasama at pagtatalik sa mga lalake. Tinigilan ko rin ang mga sugar daddy ko.

Gusto ko ng bagong buhay. Gusto ng maayos na buhay. Binenta ko yung mga nabili kong mamahaling gamit sa mababang presyo at yun ang aking ginamit para makapagrenta ng saktong laki ng apartment.

Hindi ko na rin pinagpatuloy ang aking pag-aaral. Wala akong pang tuition at kailangan kong makipag siping sa ilang subject teacher ko para pumasa.

Sa katunayan, pinaalam ko sa kanila na magbabagong buhay na ako. Lahat silang mga lalakeng nabigyan ko ng service pati mga sugar daddy ko.

Tumingin ako sa malaking salamin. Nakita ko ang normal kong mukha. Wala na yung makapal kong kilay, makapal na lipstick at makapal na make up!

Karaniwang damit nalang aking soot, karaniwang palda at karaniwang sandal.

Earthly Desire  (Rated 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon