"Kaya nga nakasoot ako ng maganda at mamahaling damit ngayon at hindi ko na kailangan magtrabaho. At papaaralin niya pa ako. Yan ang sinabi ko sa kaniya na tatapusin ko ang huling taon ko sa college. Gusto ko kasi makapagtapos ako ng college."
"Masaya kami sayo, friend. Support kami sayo!" masayang sabi ni Jade.
"Oo nga, wait nga lang. Sino ba yang mayamang lalake mo? Sugar daddy mo ba yan?"
Binatukan niya si May sa sinabi ng dalaga. "Hindi. Kilala mo siya." Tumingin ako kay Jade. "Lalo ka na Jade. Sana wag kang magalit sa akin."
"Bakit naman ako magagalit sayo?"
"Si Jaldy Navar ang aking boyfriend," nagulat nang sinabi ko ang pangalan ng aking boyfriend.
"Really? Oh my God!" Gulat na sambit ni Mae.
"Don't worry naka-move-on na ako sa kaniya. Hindi talaga siya para sa akin. Para sayo siya . At masaya na ako ngayon kapiling si Jev."
"Thank you!" Niyakap ko si Mae.
"Dagdag pa, dalawang linggo makalipas, noon. Pinuntahan niya ako at personal na humingi ng tawad. Kaya okay na kami ngayon sa isa't-isa."
"Sana-all, mayroong magandang love life," sabat ni Mae.
"Alam niyo. Hindi ko inaasahan na maging kami, na magkikita pa kami ulit. Imagine, pitong buwan wala kaming komunikasyon sa isa't isa," kuwento ko sa kanila.
" Ang tawag don ay destiny!" wika ni Mae habang nakangiti.
Pumasok na sa loob si Jaldy at pumunta sa table ng tatlo.
"I'm really sorry babe, dahil natagalan ako. Tumawag ang parents ko. Pinag-usapan namin ang tungkol sa business," Hinalikan niya sa labi ang kaniyang girlfriend.
Hindi itinuloy ni Jaldy ang kaniyang pangarap na maging piloto dahil maagang sinabi ng kaniyang daddy na siya ang magmamana sa company nila. Si Jaldy ang papalit as chairman ng kanilang biggest company.
"Ayos lang!" Umupo sa kaniyang tabi ang kaniyang boyfriend.
Nagbatian sina Jaldy at Jade. Lumapit din ang boyfriend ni Jade at tinabihan siya. Nakita niya kasi nasa table ang ex boyfriend ni Jade.
Tumingin si May kay Jev at Jaldy. Nagsalita si Mae, "Hoy, kayong dalawa nananadya ba kayo, ha?" Pwede bang lumayas kayo dito. Gusto niyong ipamukha sa akin na wala akong boyfriend dito," natawa nalang sila sa pinagsasabi ni Mae.
Tuloy ang kanilang kwentuhan. Umuwi ng sobrang gabi sina Jaldy at Yorry.
Ngayon ang araw ng kasal ni Mae at Jev kaya naman maagang gumising ang dalawa para makapag-ayos ng susuutin at makabyahe ng maaga para maaga silang makarating sa venue.
Nasa loob ng kwarto si Yorry at sinusoot niya ang biniling maganda at mamahaling dress na susuutin niya sa kasal ng kaniyang matalik na kaibigan.
"Baka, magalit ang kaibigan ko kapag nakita niya ang magandang dress ko dahil tinalbogan ko siya sa kaniyang mahalagang araw na ito," pagbibiro ko.
Ako kaya ay kelan ako ikakasal? Kelan ako yayayain ni Jaldy para magpakasal? Siguro patapusin ko muna nag pag-aaral ng huling taon sa college para hindi ako tamarin sa pag-aaral.
Sigurado kapag nagpakasal kami, magkakaron kami ng honeymoon. Nakaka-ano naman kapag pinasoot ko siya ng condom sa honeymoon namin kaya nga dapat pagkatapos nalang ng aking graduation kami magpapakasal.
Humarap ako sa pintuan dahil narinig ko ang pagbukas nito.
Napatulala ako nang makita ko ang aking poging boyfriend soot ang binili naming damit niya.
BINABASA MO ANG
Earthly Desire (Rated 18+)
General FictionPara maging madali ang kaniyang pamumuhay at mabili niya ang kaniyang mga luho, beninta niya ang kaniyang katawan sa kung sino sinong lalake. Kung kani-kanino siya nakikipagtalik. Maraming lalake ang kaniyang tinikman at nakatikim sa kaniyang makini...