Chapter 12 - Changes

470 11 0
                                    

Ryla

Tiktilaok! Sabi ng manok. Hahaha, kailan ba tumilaok ang manok? Hahaha!

Sunday na. Woohoo, saya ko ngayon. "Mukha mo masaya, puso mo malungkot." Nakiki-epal rin tong konsensya ko eh. Hayaan mo na ako maging masaya kahit isang araw lang. Haha.

Kung itatanong niyo, oo, dami kong natanggap na messages na, "Nasaan ka?", "Saan ka pumunta?", at marami pang ganun. Nakatanggap rin ako ng 10 miss calls galing kila Krystal. Buti naman nag-aalala sila sa akin. Nasorpersa nga ako, may isang miss call galing kay Rence?! Sus. Sino ba yun? Haha, well to conclude, famous ako.JOOOKE!

Masaya akong pumunta sa kusina para magbreakfast. I love my food oh well. May nakahanda nang pancakes, yuummmyy, sa lamesa.

"Knock knock" Ha? Sino na naman yun? Hmmm. Mamaya ko na sagutin. I want peace with my food.

Tinuloy ko yung pagkain ko, you know what I mean. Don't wanna be rude to the food. Right?

Tumatawa na ako dito. Paano ba kasi, nag-iingay na kung sino man nasa labas. Hahaha. Sino kaya yun? I'm guessing, Krystal?

"RYLA SEBASTIANO! PAPAPASUKIN MO AKO O GIGIBAIN KO PINTUAN NIYO?!" Yep, si Krystal nga.

Hay nako. Ano na naman gusto niya?

"Naisip mo bang bukas yung pintuan? Pumasok ka na!" Ang aga nga naman. Minsan, tatanga-tanga yan si Krystal eh. Ay hindi pala minsan, palagi.

"Saan ka galing kahapon?! Alam mo banag nag-aalala kaming lahat? Lalo na si Rence!" Sumugod siya sa kusina kung nasaan ako nakaupo. Pagkarinig ko sa pangalan ni Rence, may something ako naramdaman I swear. Nagpoker face ako agad.

Come on Rye, kailangan mong makaisip ng sinungaling.

"Sumakit kasi ulo ko kaya umuwi agad ako." Sabi ko, without looking at her. Hala, sana hindi niya maalala yung sinabi kong mga kadramahan kahapon. *face palm*

"Masakit ulo? Wag kang magkunyarian diyan. Kilala kita Rye, aminin mo man o hindi, alam namin nagseselos ka kaya umuwi ka." Tinaasan niya ako ng boses.

"Oh? Alam niyo naman pala eh. Bakit ka pa nagtanong? Tsaka wag mong bibigkasin yung Rence na yun ha. Wala akong paki kung nag-aalala siya sa akin. At FYI, HINDI ako nagseselos period." Nakaka-frustrating minsan kausap tong si Krystal. Akala mo may pinaglalaban

"Alam nga namin. Pero itong si Rence, makulit. Gustong malaman kung anong nangyari sa'yo. Syempre wala kaming maisip na dahilan. Hindi naman namin pwedeng sabihin yung totoo diba? Wag mo rin balewalain si Rence kasi kahit papano, bestfriend mo pa rin siya."

"...." speechless na ako ngayon. Tama siya. Pero mataas pride ko kaya ayaw kong aminin na mali ako.

"Alam mo kung wala kang sasabihing matino at sesermonan mo ako, umalis ka na. Next time nalang tayo mag-usap kapag nasa katinuan ka." Umakyat na ako sa kwarto ko. Haay, bakit ba kasi Monday bukas? Save me.

And ang bilis ng oras... Time does not agree with me. Monday na agad. Paano ko inaksaya oras ko kahapon? Well, natulog lang ako habang nagmukmok sa kwarto. Not really productive. Ngayon, naghahanda na ako para pumasok. Well buti tumawag sa akin adviser ko kahapon na excused raw ako buong araw ngayon. Bakit? Magte-training raw ako para sa isang contest. Oh well, someone saved me. Ayaw ko munang makasalamuha yung barkada, considering na halos nasa isang classroom lang kami. I can feel na maganda yung kakalabasan ng araw ko ngayon.

Ok. Nasa school na ako. Huminga ako nang malalim. Biglang kinabahan ako kasi nakita ko sila na nakaupo sa study area. Nagpoker face ako at dumeretso ng tingin. Nilagpasan ko sila with full of confidence.

Narinig ko silang tinatawag ako, "Ryla!"

"Ryla huy!

"Uy Sebastiano!"

Hindi ko muna sila pinansin. Thank you at nakaearphones ako para may palusot ako. Malapit na ako sa faculty, kung saan raw kami magkikita ni Ma'am pero biglang nakita ko sila Rence at Princess, naglalandian sa tapat ng faculty. One word, kadiri. Inikot ko nalang mata ko at dumeretso sa faculty.

Humarang si Rence sa tapat ko, "Ryla, saan ka galing nung sabado?" At nakahawak pa siya sa braso ko. Ewan ko ba kung kikiligin ako or what. Pero pinaalala ko sarili ko na, magmove-on ka na Ryla.

I tried to keep my poker face on, "Syempre umuwi."

"Bakit hindi ka man lang nagsabi? Pinag-alala mo ako." And with his words, nakita kong nagroll eyes si Princess. Nagsmirk nalang ako.

"Oh? Nag-aalala ka pala. Thank you nalang pero malaki na ako at kaya kong umuwi mag-isa. Kaya please pakibitawan na ako at may gagawin pa akong mas importante."

Buti naman binitawan niya ako. At agad kumapit si Princess na para bang guguho na ang mundo.

Buti nalang at mabilis ang takbo ng oras. Uwian na agad. For the first time in forever... kaso walang forever. Haha, i know. Ngayon lang ako nag-enjoy magreview ah. Hahahaha.

Pauwi na ako ng bahay. Naglalakad ako pauwi since medyo malapit lang naman school ko.

Habang naglalakad, nakita ko si Rence. Anong ginagawa ni Rence dito? Sa kabilang village bahay niya ah.

May naisip akong dalawang rason, una, baka dito nakatira si Princess. Or pangalawa, tatambay siya kila Kyle. Tsss. Wala kang pake Ryla.

Hindi na akong nag-abalang pansinin sila.

Every minute. Tingin ako ng tingin doon sa bahay na yun. Bakit nandun ba si Rence?! Uuugh. Kapag iniisip ko yun, nafufrustrate lang ako.

Umuwi ka na Rye. Mahal ka nun.

Letseng konsensyang ito. Hahahahaha. Hugotera rin eh.

Naisipan kong lumapit sa bahay. Bakit ang daming kotse? Hay nako. Nang papalapit na ako sa bahay, may naririnig akong tugtugan. Aaah, party ito ni William ba yun? Basta team captain ng basketball team namin.

Napaluwa mga mata ko nang nakita ko yung buong barkada, fresh galing school. Agad akong nagtago sa gilid ng bahay. Hmmm. Seems like invited sila dito. Bakit hindi sila nagsasabi? Kala ko ba walang sikreto? I felt betrayed.

Umuwi na agad ako, patakbo. Gosh, bakit? Homaygad. Ganunan pala? Hahahah, alam kong sasabihan nila ako dapat kaso binibigyan nila ako ng space pero ang kikitid ba ng utak nila? Hinihintay ko lang naman yung sorry nila eh. Mataas pride ko sorry.

Humiga na ako sa higaan. Hindi ako nag-abalang kumain o maligo. Stressed na ako. Gusto ko nalang matulog sa kama ko. Sinuot ko nalang earphones ko, magsasoundtrip lang. Stress reliever. Hinayaan ko nalang tumugtog hanggang makatulog ako.

Diary ng BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon