Jastine's POV
"Ang Dry ng Lips mo Deb , Gusto mo basain natin ?" Sabi ni Joaquin.
Aga-aga naghahasik na naman to ng kalandian , Namula naman si Debbie . Tss . Malandi talaga .
Pagtapos nyang landiin si Debbie pumunta naman sya sa isa kong classmate , si Trisha .
"Trish ..... Mukhang Blooming ka ngayon ah" Pagkasabi na pagkasabi nya nun hinawi nya yung buhok ni Trisha sa likod ng tenga nya at kinindatan yun. Tsk ang landi talaga .
Sino ba namang hindi kikiligin sa kanya eh gwapo at matalino kaya yan . sa tuwing dumadaan yan tsamba namang tumutugtog yung 'Nasayo na ang lahat' .
Ang nagiisang hindi tinablan ng kalandian nya is ako , oo ako . kasi sa tuwing lalapit pa lang sya sakin binabara ko na sya . Nung una nya akong nilandi (Eww what a term) Wag kang epal Author sapukin kita dyan eh . , Yun na nga . Pinayagan ko pa sya nun kaso yung sinabi nya sakin na nagpakilig sakin eh sinabi nya din sa iba . kaya uminit ang ulo ko sa kanya .
"Jastine namiss mo ba ako?" Tanong nya sakin .
"Hindi!" Sarcastic kong sagot kanya .
"Bakit naman Hindi , ? Namiss kaya kita" sabay kindat .
"Nako tigilan mo ako , Lahat sila nilalandi mo na !" Inikot ko mata ko at saktong nagring ang lunch bell .
Lumabas ako ng room at bumili ng pagkain , pagkabalik ko sa room aba hindi ata naglalandi ngayon si Joaquin , Naka dukduk lang sya sa desk nya . bakit kaya ? Hindi kaya na-offend sya sa sinabi ko kanina ?
After class pumunta ako sa music room para kumanta . kaso may nakita akong tao na parang natutulog dun sa instruments . ginising ko sya . Pag taas ng ulo nya nagulat ako .
"Joaquin! Bakit dito ka natulog ? Tsaka bakit hindi ka ata nagaaya ng girls ngayon ?" Nagulat ata sya kaya nasigawan nya ako .
"BAKIT BA HA ??!! PAKIALAM MO BA ??!!" Naiiyak ako , first time ko lang na marinig galing sa kanya ang pagsigaw na ganito.
"A-ah S-sorry . M-mainit p-pala a-ang u-ulo m-mo , s-sorry *huk*" iyak ko sabay labas . Mali ata ako ng timing ng punta dito makauwi na lang ako . Pinunasan ko na yung luha ko kasi baka makita pa ako nila Clawd at Clyde na umiiyak , pangasar pa naman yung dalawang lalaking yun . bago ako makalabas may pumigil sakin . sya ata yun .
"Sorry" sabi nya , Nag fake smile lang ako .
"U-uuwi na ako" tinanggal ko ng marahas yung kamay ko .
Fast forward .
Pumasok ako ng nakasimangot . una may binasted ako , pangalawa hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko , pangatlo nainis ako sa sinabi ni mama na baka may gusto na daw ako kay Joaquin . Naku naman .
Pagpasok ko sa classroom nandun na si Joaquin . aba ang aga ata nito .
"Uhmm..... Sorry kasi nasigawan kita kahapon" paghingi nya ng sorry sakin . tumango lang ako . mahirap makipagusap kay Joaquin , yung puso ko kasi in love na ata sa kanya .
"Okay lang , Mali din naman ako eh" sinagot ko sa kanya ng hindi tumitingin sa kanya . Pesteng luha to , ayaw makisama .
Lumuhod sya sa harap ko at pinunasan yung mga tumutulo kong luha . Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit pero niyakap ko sya .
"Sorry na , wag ka ng umiyak , Nadala lang ako ng takot" Nagtaka ako .
"Takot saan?" Ngumiti sya .
"Takot na mawala ka sa buhay ko , takot na magkagusto ka sa iba at iwan mo na lang ako" - Joaquin
"M-mahal mo ako ?" Tanong ko . Hindi sya sumagot sa halip ay hinalikan nya ako at niyakap . Hinalikan ko din sya at niyakap pabalik .
"Oo matagal na , Hindi mo lang siguro nararamdaman" Naiiyak na naman ako .
"Ikaw ang hindi nakakaramdam ! Mahal kita matagal na din kaya pag may nilalandi kang iba naiinis ako , gusto ko ako lang" sabi ko .
"Sige simula ngayon ikaw nalang ang lalandiin ko" we smiled and kiss him . we kiss passionately .