Isang linggo na lang ang bubunuin naming ni Brandon na mga araw sa aming On the Job Training, mabuti na lamang at okay ang kumpanya ni Altis at mabait ang mga tiga HR department, kahit hindi pa naman tapos ang training namin sa kanila ay binigyan na nila kami kaagad ng certification at maganda ang ibinigay na review sa amin nung ini-evaluate kami.
"Una yata tayong nakapagpasa ng certi at evaluation result kay dean, swerte talaga natin Andeng." Bulalas ni Brandon habang papalabas na kami ng aming building dito sa loob ng university.
"Oo nga, masaya ako at marami akong natutunan sa kumpanya ni Altis." Malamig kong turan.
"Nananalig ako na masasabit ka bilang Suma Cum Laude". Proud niya pang turan sa akin.
Ngumiti lang ako, pareho naman naming alam na hindi aabot ang mga grades ko sa ganung kataas na recognition, gusto lang talaga akong pasayahin ng kaibigan kong ito.
"Hey. Kanina ka pa walang gana riyan." Brandon is trying to cheer me up.
Ngumiti lang ako ng bahagya at patuloy lang ang paglalakad palabas ng university.
Hindi na muli kaming nagkita ni Altis magmula ng naganap ang nakakatakot na pangyayari noong nakaraan, halos dalawang linggo na rin ang nakakalipas, may lakad ang grupo niya laban sa mga teroristang nagkakalat ng lagim sa ilang probinsya kaya naman na-busy siya na gampanan ang kaniyang sinumpaang tungkulin.
Malimit man niya akong tawagan o i-text ngunit hindi pa rin mapanatag ang aking kalooban, marahil alam ko na nasa gitna siya ngayun ng isang mapanganib na misyon, idagdag pa ang walang matibay na pundasyon na meron ang aming relasyon pagkat walang basbas ang lolo niya sa aming pagmamahalan.
"Uy, natulala ka riyan." Bahagya akong kinalabit ni Brandon.
"Nahanginan na nga siguro ang utak ko." Bulong kong saad sa kaniya.
"Sus, everything will be okay Andeng, tiwala ka lang dapat kay Altis. Bahala ka, pwede ko siyang maagaw sa iyo kapag nag-inarte ka pa riyan!" bantang sita niya.
Matalim ko lang siyang inirapan at muling namuo ang ngiti sa aking labi.
Tama naman siya, mahal ako ni Altis, iyon ang kakapitan ko.
Malapit na kami sa may gate ng university upang makalabas ng may dalawang lalaki ang humarang at tila kanina pa kami hinihintay.
Parehong nakasuot ng itim na formal suit ang dalawa. May mga itsura naman sila at malalaki ang pangangatawan. Hindi naman nakakatakot kung tititigan mo sila pero kung ang awra ang papansinin talaga namang mangangatog ka sa kaba dahil mukhang wala silang sasantuhin kung may magagawa kang pagkakamali.
"Miss. Ma. Andrea Gamueda?" baritonong boses na nagtatanong direkta sa akin.
Dagli akong napalingon kay Brandon, siya naman ay mabilis na nanguyapit sa aking braso.
Alam agad ng aking kaibigan na hindi ako at ease sa presensya ng dalawang ito na nasa aking harapan, medyo kinakabahan na ako baka may masama silang gawin sa akin. Pero nasa loob pa kami ng university, may mga cctv rito na maaaring gamitin laban sa kanila kung gagawan nila kami ng masama.
Muli ay nakita ko na nagtinginan ang dalawa sa isat-isa. Mukhang nahimigan nila ang pagkatakot ko sa kanila. Nakita ko pa ang pagbuntong hininga ng isa sa kanila bago muling sumulyap sa akin.
"Wala kaming masamang gagawin sa iyo Ms. Andrea." Malumanay na ang boses nito.
"May gusto lang pong makipag-usap sa inyo Miss." Ang sabi naman ng isa ng makita ang mga nagtatanong kong mga mata.
BINABASA MO ANG
Men In Uniform (MIU Series 2) Altis Terron Monteclaro
Художественная прозаLangit siya, lupa lamang ako. Sa malayo ko lamang siya pwedeng mahalin. Sa panaginip ko lang siya pwedeng maangkin. At kahit anong gawin ko, hindi kami pwede? Hindi siya magiging akin. Hanggang pangarap ko na lang si Altis.