Dream Guy

6 1 0
                                    

I want to write a story with this kind of idea sana kaso I can't think of a plot that's good enough so ganito nalang siya. Hahaha. Madami kasi akong naiisip na ideas pero nahihirapan akong isulat siya. Magulo ako, I know. So I hope you take the time to read this one-shot and feel free to criticize.


~SapphireBlueGelyn

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx


Madilim sa mundo ko. Walang kulay. Nung una itong lumiwanag, mukha niya ang nakita ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang lumitaw ang mukha niya sa harapan ko. Nagkakulay ang buong paligid. Tila ba isang kandila na biglang nasindihan.


"Hello. Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin. Hindi ako agad nakasagot dahil natulala ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin ng sobrang tamis at kuminang ang kanyang mga mata.


Nakikita ko ang sarili ko na naglalakad sa dalampasigan habang hawak ko ang kanyang kamay. Nililipad ng hangin ang kanyang buhok na mas lalong nagpaganda sa kanya. Titingin ako sa kanya at titingin din siya sa akin. Ngingiti siya bago lumapit sa akin at hahalikan ako sa pisngi. Pero bigla niya akong sinampal at doon ako natauhan.


"Sorry ha? Kanina pa kasi kita kinakausap, hindi ka naman nagsasalita," sabi niya at bahagyang yumuko.


Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang baba niya. Inangat ko ang ulo niya para makita ko ang kanyang mga mata. Napangiti ako ng nagtama ang mga paningin namin.


"Ako nga pala si Christian," pagpapakilala ko sa kanya. Inilahad ko ang kamay ko sa kanyang harapan para makipagkamay. Tinanggap naman niya ito at nagpakilala din. Siya pala si Christine.


Nasa ganon kaming posisyon ng biglang tumunog ang tiyan niya. Natawa naman siya sabay bitaw sa kamay ko. Sayang gusto ko pa man din hawakan ang kamay niya ng matagal na panahon.


"Sorry. Hindi pa kasi ako kumakain eh," dahilan niya bago tumawa at yumuko ulit.


"Tara kain tayo. Libre ko," yaya ko sa kanya. Agad naman siyang tumingin sa akin na parang nagtataka.


"Bakit mo 'to ginagawa? Hindi mo pa naman ako kilala," tanong niya sa akin.


"Kilala kita. Ikaw si Christine at alam kong gutom ka na kaya sumama ka na sa akin para makakain na tayo," sabi ko sa kanya bago tumalikod.


Naglalakad na ako papunta sa isang kainan ng naramdaman kong sumasabay na siya sa akin. Napatingin ako sa kanya at nagulat ako ng makita kong nakangiti siya sa akin. Nag iwas agad ako ng tingin.


Habang kumakain kami ay panay ang nakaw ko ng tingin sa kanya. Ang ganda ganda niya kasi talaga. Nagkwekwentuhan lang kami tungkol sa aming buhay at unti-unti ko siyang nakikilala. Unti-unti akong nahuhulog sa kanya.


"Salamat pala sa libreng lunch ha? Gusto pa sana kitang makasama pero kailangan ko ng umalis eh," sabi niya sa akin.


Inaayos na niya ang kanyang mga gamit at mukhang nagmamadali na siya. Napasimangot naman ako dahil aalis na agad siya pero masaya ako at nakasama ko ang isang katulad niya kahit sa sandaling panahon lang. Sana maulit itong muli.


"Makikita pa naman kita Christine, diba?" tanong ko sa kanya. Ngayon palang ay namimiss ko na siya. Gusto ko siyang makita ulit.


"Oo naman. Sige alis na ako. Bye Christian!" sagot niya at tumakbo na siya palabas ng kainan at palayo sa akin. Dumilim nanaman ang paligid pero wala na akong pakialam.


Naglakad ako papunta sa kawalan. Doon ko naalala ang tunay kong katauhan. Bigla kong naalala kung bakit ako nandito sa madilim na lugar na ito.


Ako si Christian. Gwapo. Matangkad. Matalino. At mabait.


Nakatira ako sa utak ni Christine.


Sa panaginip lang ako nabubuhay.


Malungkot sa mundo ko. Lakad. Takbo.


Pero walang napupuntahan.


Nabuo ako dahil sa kagustuhan ni Christine na magkaroon ng lalaking para sa kanya.


Isa akong ilusyon lamang.


Ako daw kunwari ang pinapangarap niya.


Ako daw kunwari ang destiny niya.


Lahat ng tungkol sa akin ay gawa-gawa niya lang.


Lahat ng galaw ko ay minamanipula ni Christine.


Si Christine na kunwari ay liligawan ko.


Si Christine na kunwari ay aalagaan ko.


Si Christine na kunwari ay mamahalin ko.

Dream Guy [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon