Untitled Part 1

3 0 0
                                    



Nakakatakot isipin na ang life span ng tao ay napakaliit lamang. Kahit sabihin natin na sapat na ito pero sa loob natin hindi talaga.

Ang dami pa natin gustong gawin pero hindi natin magawa dahil maraming impossible kahit sabihin natin kung gusto natin maabot natin konting tyaga at sipag lang

pero kahit sabhin kong tama man o mali ito wala pa rin sense dahil tatanda tayo. 


Siguro sa mga matalino, mayaman,at maganda madali lang sa kanila yung success. 


Yung mga taong may mamanahin yung simula bata palang may pera na sila siguro pero kahit naman makuha natin ang gusto natin di pa rin 

natin maiiwasan ang kamatayan. Alam kong may iba na sinasabing natatakot silang mamatay, may iba naman ay hindi, yung iba ay ready na sila. 

pero Ako? masasabi kong takot or mas magandang sabihin na manghihinayang ako. 


Yung feeling na mamatay ka na di ka satisfied sa mga bagay at pangyayari nung buhay at masigla kapa. 

yung tatamad tamad kapa dati tapos maiisip mo na sana lumabas nalang ako ng bahay.

yung feeling na di mo man lang naranasan maka apak ng Yelo o makapunta sa paris o kung saan man na bansa dahil wala kang sapat na pera.


Ang hirap. Nakakatakot ang reality. 


kaya kahit ano naman ang estado natin sa buhay kung hindi tayo masaya parang tayo yung example sa sinasabi nilang Living Dead.


Minsan nga tinatanong ko para saan ba tayo nabubuhay? Yung tipong sana Maaga palang alam ko na kung ano yung pakay ko dito.

Pero siguro kaya hindi sinabi satin ni God kung ano ang pakay natin kasi gusto nya mag enjoy tayo habang unti unti natin itong matutuklasan. 


Naniniwala ba kayo sa Magic? childish po ba? hehe. Ako naniniwala. At si God po yung magic na yun. 

Yung magic nya na kahit anong masamang mangyari satin di nya tayo papabayaan na sa huli nagiging maayos tayo.

yung magic nya na pag nag pray tayo gumagaan yung mabigat na nararamdaman natin. 


~~


Sa totoo lang hindi ko alam kong ano nga ba ang goal ko sa buhay, Nakakapagod na rin kasi yung tipong gusto mong yumaman pero wala ng chance kasi di ka 

pa nga nakakatapos mag aral. tapos wala pang kasiguraduhan kong makakatapos ka dahil hindi nyo naman afford yung tuition fee. Si mama nga hirap na hirap na mag laba

 araw araw sa iba't ibang bahay para lang may maipakain saamin. pero si papa walang ginawa kundi mag alaga ng manok at makitsismisan sa mga barkada nya 

imbes sya yung nag hahanap ng trabaho. naawa na ako kay mama. may isa pa akong kapatid na elementary at graduating na ako ngayon. 


Ayoko ko man isipin pero pinag pepray ko talaga kay God na makatapos ako, para naman ako naman ang mag tatrabaho para kay mama at tutulungan ko ang kapatid ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In  One Roof of DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon