Chapter 5

308 30 27
                                    



Sinapak ako ni Zhemrel dahil sa gulat, di choss lang!

Natuod lang siya, tapos di makagalaw.

Nastroke ang peg?

"Sorry bebe labs, di ko sinasadya, aksidente lang, pramis!" sabi ko sa kaniya.

Maya-maya ng matauhan dahil sa sinabi ko, inilayo niya ako agad sa kaniya. Namula yung tuktok ng taenga niya habang namimilog yung mga mata na nakatingin sakin.

Shocks! Nahighblood siguro si bebe!

Speechless siya sa nangyari, tapos nagwalk-out bigla sa opposite direction ng dalawang lovebirds kanina.

Inamoy ko nga kung mabaho ba hininga ko, baka kasi yun yung reason ng pagwalk-out niya!

Pero mabango naman, amoy formalin, Charot!

Sinundan ko ng tingin yung papalayong imahe niya. Tapos napahawak sa lips ko.

Napangiti ako. Shemayy!! Naka score ako kay pareng Zhemrel!!

Fastforward tayo, after nung kiss namin ni Zhemrel, ikinasal na kami tapos ngayon divorce na agad, ngee!

One week na yung lumipas simula nung accident kiss. Isang linggo na rin akong na lockdown dito sa mundo nila.

My Gass, dinaig ko pang naquarantine sa pamilya ko.

Hindi pa rin ako nakakauwi sa planet nemic, tumubo na kaya ang buhok ni Clirin?

Mukhang tatanggapin ko na talagang dito na ako maninirahan sa mundo ng nobela.

Sa isang linggo kong stay dito, binago ko yung image ni Luissa.

Nagpakalbo ako.

Charot!

Binago ko lang pag-uugali niya, naging mabait na ako at friendly lalong-lalo na sa mga alipin at mga kawal.

At dahil malandi ako ng slight, nililigawan ko na rin si bebe labs, pero masyadong pakipot si my labss, di pa titinag. As always, serious face pa rin siya na slight na naguguluhan pag nagku-krus ang landas namin.

"Neneng B!!" Tawag ko sa dalagitang alipin. Pinangalan ko siyang neneng B, wala daw kasi siyang pangalan kaya ayan bininyagan ko na.

"Bakit po mahal na prinsesa?" Tanong niya.

"Sipon ka ba?" bigla kong sabi sa kaniya.

"P-po? B-bakit po kamahalan?" Naguguluhan niyang tanong.

"Kasi ang aso ay tumatahol, Boom!"
Napakunot naman yung noo niya sa pick-up line ko tapos parang napapaisip siya ng malalim.

"Charot lang, Neneng B. Makikisuyo lang sana ako na ipagtimpla mo ako ng tsaa." Mabait kong utos at ngumiti. Ngumiti naman siya ng alanganin, na parang nawewerduhan pa rin siya sinabi ko.

"Masusunod po aking kamahalan." Mabait niya ring sabi tapos lumabas na ng kwarto para kumuha ng mga ingredients para sa tsaa.

Naiwan naman akong mag-isa dito sa bongga at malawak na kwarto ni Luissa.

Infairness ah, kina-reer ko na talagang mag buhay prinsesa dito, lahat ng kilos ko may umaalalay sakin na mga servants kahit pagligo at pagbihis. Minsan nga parang gusto ko na ring magpahugas ng pwet pag-tumatae. Choss lang!

Sa mahigit isang linggo kong stay rito, naging tropapips na kami ni Neneng B, hindi na siya takot sakin tulad ng dati, straight na din siya magsalita, hindi na nauutal.

Mabait din tong si Neneng B kaya palagay yung loob ko sa kaniya. Dahil sa sobrang bored ko dito sa mundo nila pinag-uusapan nalang namin life stories niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Saving the Second Male Lead (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon