1st Chapter: Sisters

79 4 0
                                    


- Chaelin Jeya Mendez -

"Jeya! Gising na!" Pambubulabog ng ate ko.

Tss. Bat kailangan niya kayang sumigaw? Ano bang meron? Tsaka kanina pa kaya ako gising dito. Ayaw ko lang lumabas dito sa kwarto dahil wala naman akong gagawin at baka masira lang ang araw ko.

"Labas." Seryosong sabi ko sakanya.

Yan pa? Matatakot yan kahit mas matanda sakin yan ng ilang taon. Hahahahahahaha!

"Eh pero..."

"Lalabas o lalabas? Get out of my sight." Kalmadong saad ko.

"Ah s-sige...pero kung gusto mo nang kumain may nakahanda diyan sa baba o paluto ka nalang kay man-"

"Tingin mo hindi ko alam? Labas na nga!" Pagputol ko sa sinabi niya kaya agad na siyang lumabas at sinara ang pinto. Andaming dakdak eh! Nakakairita kaya yung ganun.

Magpapakilala muna ako. ako si Chaelin Jeya Mendez. Kahit kailan hindi nakaranas ng perfect life or perfect family. Kung tatanungin niyo kung mayaman kami? Hindi ko alam. Medyo siguro? Pero hindi naman sobra at hindi na mahalaga yun.

Wala akong kapatid-- ay meron nga pala!

Pero hindi ko feel yun at wala akong balak maramdaman yun dahil anak siya ng kabit.

Kabit lang naman yung tatay niya eh. At yung tatay ko? Patay na. Pero kahit naman nung nabubuhay pa siya, may kabit na yung nanay ko. Nauna yung tatay ko kaysa dun sa kabit na yun pero ang galing no? Mas naunang maanakan si mama nung punyetang kabit na yun. Kaya panganay yung nagmamagaling kong kapatid na si Jia.

Mas mayaman yung kabit ni mama kaysa kay papa. Pero tingin ko naman, nagmamahalan sila ni mama ng totoo.

May relasyon parin kasi si mama at yung tatay ni Jia hanggang ngayon. Pero buti nalang at hindi sila nagsasama sa iisang bubong. Yung katulong lang ata namin dito ang nakakasundo ko eh. Bakit? Dahil magkakasama kami ni Jia at mama dito sa bahay.

That's why...My fucking life is a big mess.

-

Bumaba na ako at dumiretso sa dining room dahil nakaramdam na ako ng gutom. Natural! Tao rin ako na nakakaramdam ng gutom! Haha. Pero depende narin yun.

"Oh Jeya? Bakit ngayon ka palang kakain?" Tanong sakin ni Mama. As if naman may pakielam yan. Trip lang niyan magtanong.

"Natutulog pa po kasi ako kanina eh." Sagot ko at tumango nalang siya. tumungo narin siya sa sala.

Nakita ko dun si ate Jia na nginitian ako pero inirapan ko nalang siya. Panira kasi ng araw yung ngiti niya eh! Yuck!

Tumungo na ako sa dining room. Kumuha na ako ng pagkain at nagsimula ng kumain sa lamesa. Mas okay pa kaya yung ganto. Yung kakain ako magisa kaysa kasama yung dalawa. Hays.

Pagkatapos kung kumain nilagay ko na yung mga pinagkainan at nilagay ito sa lababo at uminom muna ng tubig.

Lahat ng tao marunong naman siguro maghugas at isa na ako dun pero hindi na ako maghuhugas. Kaya nga may katulong diba? Masyado akong maganda para maghugas kahit walang connect. Haha

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong umakyat sa kwarto.

Ano namang gagawin ko dun sa baba diba? Makipagkwentuhan? Hays. Lumabas nalang kaya ako ngayon? Mall? TAMA! SELF-MANCE MODE MUNA AKO NGAYON SA MALL! BWAHAHAHA!

Kaso parang nakakasawa na ang self-mance mode? Lagi ko nalang kasing ginagawa yun eh. Wala naman kasi akong kasama.

Kinuha ko ang phone ko at agad na tinawagan si Eileen.

Saglit lang ito nagring at sinagot niya na agad.

[Hello? Bakit Je-]

"Bitch." Pagputol ko sakanya at natawa ako dahil natahimik siya.

[Jeya naman! Bakit ka nga pala napatawag?]

"Tss. Anong ginagawa mo?"

[Hahaha. Wala. Lagi naman akong walang magawa eh.]

"Alam ko. Samahan mo ako sa mall ngayon?"

[Haha. Sige sige! Libre mo ako?]

"Wag na. Sige, wag ka nalang sumama. Panira ka!"

[Dali na. Pangatlong beses mo pa nga lang ata ako isasama eh. Please?]

"Punyemas ka Eileen. Wag kang mag-please! Mas lalong hindi ako papayag! Haha. Sige na, dalian mo na at dumeretso ka na sa SM! Bye!"

Binaba ko na ang tawag dahil alam kong magsasalita pa yun at dumeretso na sa bathroom. oo, bathroom. baka masagwa pakinggan pag c.r eh. Haha. Joke lang.

Si Eileen nga pala, kaibigan ko siya. Siya lang ang kaibigan ko. Ayaw naman ata ng lahat sakin eh. Haha.

Pero hindi ko parin masabing bestfriend ko siya dahil ramdam ko namang hindi niya ako sobrang naiintindihan at hindi niya parin ako gaano iniintindi.

-

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis narin ako. Nag sweater lang ako at shorts na hindi naman gaano kaigsi at high cut sneakers. Okay na 'to diba? Hays.

Inayos ko nalang ang buhok ko at kinuha ang bag pati wallet ko at bumaba na. Ang bilis ba? Eh sa gusto kong umalis muna dito eh. Haha.

Kukunin ko na sana ang susi ng kotse kaso...may isa pang pesteng kamay na kukunin rin sana 'to.

Sino pa ba? Psh. Edi si Jia. Ang 'precious' ate ko.

=_____=

"Aalis ka rin ba?" Tanong niya. Naka mini dress siya ngayon at hula ko, may date yan. May boyfriend na kasi yan eh.

"Sa tingin mo?" Sarkastikong tanong ko.

Ang tanga niya kasi.

"Pero.."

"Ako naunang kumuha kaya bahala ka na sa buhay mo." Sagot ko at agad na kinuha ang susi ng kotse ang lumabas na. Bahala siya.

"Jeya!"

Sigaw niya. Wow? Hinabol niya talaga ako dito sa labas para kunin ang susi? Ano siya sinuswerte?

"Problema mo?" Tanong ko. Malapit na siya sakin.

"Pwedeng pasabay?"

=_____=

Isa talaga tong malaking peste sa buhay. Ayoko nga siyang kasabay sa iisang kotse! Baka maaksidente lang kami sa sobrang inis ko!

Urrrghh! Magta-taxi na nga lang ako! Peste siya! Wala ako sa mood makipagtalo sakanya at halatang importante talaga ang lakad niya. Kaya ko naman magtaxi dahil hindi naman ako kasing arte katulad niya.

"Oh ayan na! Punyeta!" Sabi ko at binato sakanya ang susi ng kotse.

At pag minamalas nga naman, nasalo niya ito. Sana tumama nalang sa mukha niya.

"Thank you!" Nakangiting pasasalamat niya.

Sumakay na agad siya sa kotse. Oh diba? Ang bilis pumayag? Hindi man lang nagpakipot ang gaga!

Habang sumasakay siya sa kotse ay may naisip ako. Haha! Akala niya ha?

"Ate!" Sweet na tawag ko habang kumakatok katok sa kotse.

Binuksan niya muna ang bintana.

"Bakit?"

"Pwede mo bang buksan yung sa likod? May kukunin lang ako! Please?"

Tumango nalang siya at may inihip o pinindot siya sa kotse kaya pwede ko nang buksan ang pinto. Kinuha ko na ang dapat kunin at sinara na ang pinto.

Sinenyasan ko siya ng saglit lang. And poof! Nagawa ko na ang aking balak na gawin.

Anong ginawa ko? Medyo pinasingaw ko lang naman ang dalawang gulong sa likod ng kotse nang maflat ito.

Yung sa likod lang naman eh. Para hindi niya mahalata. Haha!

Behind The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon