Chapter 36

197 13 2
                                    

TRIGGER WARNING: MENTION OF SELF-HARM, VIOLENCE, CHILD ABUSE.

*****

Gabi na nang nakauwi ako sa bahay. Nakita ko ang gulat sa mukha nilang lahat pagkatapos akong makita na lugmok. Nagkakagulo sila pagdating ko at nagtatalo.

Sumisigaw si Elmo. Galit at malakas ang loob kahit wala naman siya sa sarili niyang pamamahay. I saw how they were surprised to see me again.

Sabay-sabay silang napatayo. Si Mama na namumula ang mata, si Arianne na halatang namumuo ang galit, at sina Tito Micko at Aries na parehong tahimik. Napatingin silang lahat at kahit ang guards ay nagulat sa pagbabalik ko.

“Shantelle!” Galit na galit ang lumalagundong na boses ni Elmo. “Where did you go? You fooled me!”

Hinawakan niya ang braso ko nang mahigpit. Tiningnan ko iyon gamit ang namamaga kong mga mata. “Namasyal lang ako.”

“Namasyal? Namasyal ka, Shantelle!? Tinakasan mo sina Aston at Roland sa tulong ng puta mong kaibigan–” Sinampal ko siya at dinoble ang galit niya.

“Sino ka para pagsalitaan si Lalaine ng ganiyan? Hoy, tangina mo, mas malinis pa ang kaibigan ko kaysa sa ‘yo! Ilang babae ba ang ginamit mo noong tayo pa? Paiba-iba, kung sino-sino, kaya ikaw ang puta!”

Hindi nakapagtimpi si Elmo. Halos magliyab ang paligid nang tinapon niya sa akin ang paningin niya. Parang sasabog na siya sa labis na galit sa akin dahil sa pagsampal ko sa kaniya. 

“Shantelle! Maghinay-hinay ka sa sinasabi mo! Si Elmo ang kaharap mo! Hindi lang basta sino!” Sigaw ni Mama na nakaka-trigger sa pandinig ko. 

“Ilang oras kang hinanap, pero hindi ka makita! Tumakas ka lang talaga, Shantelle!” sapaw pa ni Arianne. “You fooled everyone!”

Nilingon ko si Elmo habang matalim ang tingin sa kaniya. “Fuck you.”

Ganoon na lang ang gulat ko nang dumapo sa pisngi ko ang palad niya. Halos mahilo ako sa lakas ng sampal niya na naging dahilan ng pagkakaupo ko sa malamig at matigas na sahig. Gulat at hindi ako agad nakabawi habang nagsinghapan naman sina Mama at Arianne.

“Elmo! Wala kang karapatan saktan si Shantelle!” Sigaw ni Tito Micko. “Hindi mo dapat iyon ginawa!”

Imbes na umiyak, mas lalo lang akong nagalit habang ramdam ko ang namamanhid kong pisngi. Huwag na nilang sabayan ang frustration ko! Punong-puno na ako sa kanilang lahat! 

“Dapat bigyan ng leksyon, bastos at sinungaling siya! She fooled me! She fucking made me believed her lies! Tapos babalik dito at mag-aangas!? Sagad na ang pasensiya ko sa ‘yo, Shantelle!”

I laughed. Nakatungo habang nakalupagi sa sahig na tumawa ako at nilasahan ang dugo sa bibig ko resulta ng malakas na sampal. Masakit, pero ayaw kong ipakita sa kanila na nasaktan at apektado ako roon.

Because to be honest, mas masakit ang pinaparamdam nila sa akin emotionally.

“Don’t push me to my limits. I’m tired,” I said.

“Ang sabi mo ay hindi ka tatakas, Shantelle! Isang malaking pagkakamali na nagpaloko ako sa ‘yo! Ano, pumunta ka sa ex-boyfriend mo at nagpakamot ng kati dahil miss mo?! If I know, malandi ka rin katulad ni Lalaine! Kaya nga kayo magkaibigan! Pareho kayong pa-choosy sa umpisa, pero bubukaka rin naman!”

Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina. Walang pumigil sa akin at sinundan lang nila ako ng tingin. Nanginginig at punong-puno ng galit na hinugot ko ang dalawang malaki at mahabang kutsilyo.

Hindi ko na alam ang ginagawa ko. Basta ang alam ko lang ay nagdidilim na talaga ang paningin ko sa kanilang lahat. Nasasaktan pa ako sa nangyari sa amin ni Nectarine, tapos ngayon ay ganito pa ang maririnig ko?

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon