CHAPTER 24

249 8 0
                                    

Chapter Twenty Four~

Ilang oras din ang byahe namin papuntang Tagaytay--- lugar na balak palang puntahan namin ngunit hindi ko man lang alam. Pagkarating namin ay agad nag book ng hotel room si Caleb. Dalawang kwarto ang kinuha nya which made me relief dahil hindi ko kinakaya kapag nasa iisang lugar kami, lalo na kung private.

I fix our things inside our hotel room, isang linggo rin yata ang itatagal namin rito. Pero kaunti lang ang gamit na nadala ko, sabi ni Caleb sya na daw bahala sa Iba. I let him, mayaman naman sya. Afford nya bumili ng mga biglaang gamit.

Jaime is playing on the small living room, habang abala naman ako sa pag-aayos ng mga damit namin sa wardrobe. Ng matapos ay nakipaglaro muna ako sa anak ko. Caleb is on the next hotel room, magkasunod na kwarto lang ang pinabook nya para madali nya raw kaming masusundo ng anak nya if we're going somewhere.

Kaya rin pala daldal ng daldal si Shen kanina ay nagsu-suggest ito ng mga lugar na pwede naming bakasyonan. Ito namang lalaki ay willing na willing makinig sa mga pinagsasabi ni Shen kahit pa nga ba minsan eh wala nang kabuluhan.

While playing with my son, the food service from hotel came. Pinahanda daw ni Caleb para sa amin. I thank the guy who delivered the food to us before fixing it at the top of the table.

Before we could eat ay dumating si Caleb. Naka shorts at white beach polo.

"Kakain palang kayo?" Aniya.

Tumango ako at pinaupo ang anak ko, inasikaso ko agad ito at pinakain.

"Ikaw?" I ask him while feeding Jaime.

"I'm done, I'll just watch you eat."

Ganun nga ang nangyari. Pumwesto sya sa sala at pinanood kami ni Jaime na kumain dito sa mesa. I even help my son eat dahil mukhang maliligo ang mga ito.

I'm right, dahil matapos kumain ay gumayak na kami palabas ng hotel building. Parehong naka board shorts ang mag ama, pareho ding topless at may mga suot pang shades. Napailing nalang ako habang nakasunod sa kanila bitbit ang mga towel nito. I'm also on my swimwear, pinatungan ko lang ng maong shorts ang pang ibaba para hindi awkward at hindi pa naman ako maliligo.

"Mama, let's swim!" Sigaw ng anak ko na nagtatampisaw sa tubig dagat.

"Mamaya, anak!"

I watch the two played on the beach, they're having good time together.

4 years ago, hindi ko na inimagine na magkakasama kaming tatlo. Lalo na ang mag ama, because of what happened I never wish for them to meet. Gusto ko nalang na manatili kami ng anak ko sa sulok, kagaya ng walang nakakapansin saamin. Mas gugustuhin kong nasa Isang lugar lang kami ng anak ko at tahimik na nanonood sa mga tao. Mas gusto kong wala syang pakialam saamin dahil nagugulo lang kami.

I want peace. But then I need to set aside what I want because my son is here. He's more important than anything in this world. His feelings is always matter to me, kaya nga hinayaan ko syang makilala ang Papa nya dahil alam ko na doon sya masaya. Hinayaan ko syang ma-meet si Caleb kahit sa unexpected na panahon. That's because I really love my son, and he deserve to be happy, by meeting he's father.

Before, all I want is to punished Caleb by what he'd done to me. For leaving me, but now I want him to do his best to be a father for my son. Gusto ko nalang ngayon na maging mabuti syang ama kay Jaime. Kahit naman gustuhin kong gantihan sya ay hindi ko kaya, dahil naging parte parin sya ng buhay ko, hindi lang basta naging parte kundi naging isang malaking parte sya saakin.

While staring at the man I'd love for years, napag-tanto ko na yung nararamdaman ko para sakanya ay nandito parin. Natabunan lang ng galit dahil sa nangyari, pero hindi ito nawala. Never itong nawala kahit lumipas na ang taon, kahit na hindi ko sya nakasama sa paglipas ng araw. Mahal ko parin pala sya.

How unfair, niloko na nya ko't lahat-lahat ay mahal ko parin sya. Eh sya ba? Hindi ba't hindi na nya ako mahal kaya nagawa nya akong lokohin? Nangbabae na sya 'di ba? Ibig sabihin lang non, wala na syang pagmamahal na nararamdaman saakin habang kami pa. Samantalang ako? Mahal na mahal ko sya, minahal ko sya to the point na nakakasakit na.

Pero, gumanti ba ako? Hindi. Dahil ayaw kong pahirapan ang buhay namin. I just want to live and be with my son.

"What are you thinking?"

Napatingala ako kay Caleb na nasa harap ko na pala at matiim na nakatitig saakin. I felt an electricity through our stares kaya't umiwas ako ng tingin.

Naupo sya sa tabi ko habang pinapatuyo ang buhok nya gamit ang tuwalyang binitbit ko kanina para sa kanila ni Jaime. I search for my son and saw him having a good time swimming with some random kids.

"Namana nya sayo ang pagiging makulit," maya-maya ay sabi nya na ikinatigil ko.

I saw him from my peripheral vision that he's watching his son.

"At namana nya sayo ang matigasing ulo," napapabuntong hiningang saad ko.

I heard him chuckled that's why I can't help my self but to rolled my eyes.

"Marami syang namana sayo, pero nakuha nya talaga ang itsura ko, which is kagwapuhan."

Napangiwi ako sa kahanginang taglay nya. Mag-ama nga talaga sila, kung minsan kapag ilang beses na nasasabihang pogi si Jaime, ay uulit ulitin na nya ito na parang nagbubuhat na sya ng sariling bangko.

"Fast learner si Jaime, namana nya rin sayo." Ani ko pa kahit labas sa ilong ang mga sinabi ko.

Ayuko talagang malaman nya iyon pero halata naman na kaya ba't pa ako magsisinungaling hindi ba.

"Looks like mas marami syang namana saakin kaysa sayo." nakangising aniya.

"Eh 'di wow," inirapan ko ito at muling pinanood si Jaime.

Narinig ko ang mahina nyang pagtawa ngunit maya-maya ay tumahimik ito. Nilingon ko sya at halos mapapitlag ako ng makitang seryoso itong nakatitig saakin. Kanina pa ba sya ganyan makatingin? Bwesit ha.

Umiwas nalang ako ng tingin at nagkunwareng pinapanood ang anak ko kahit hindi ko naman talaga ito matutukan dahil sa katabi ko. Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko ng maramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko. Tiningnan ko sya at ganun parin ang ekspresyon nito, seryoso parin kaya hindi ko mapigilang kabahan.

"A-ano ba 'yun?" Tanong ko at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak nya ngunit masyado syang malakas para basta nalang ako bitawan.

Hindi sya nagsalita at tumitig lang saakin, Hindi ko tuloy mapigilang mailang sa paraan ng pagtitig nya.

"M-may sasabihin k-ka ba?" Nauutal na tanong ko habang hindi makatingin sakanya sa mga mata.

"Why are you so beautiful?" biglang tanong nya dahilan para matigilan ako.

Ano bang pinagsasabi nya? Naboang na ba sya? Bwesit naman eh! Mas lalo tuloy akong nailang dahil sa sinabi nya.

"You never change, you still like the old Jalirah I know... So beautiful and so soft as always. So simple, you are still the woman
i l---"

Natauhan ako kaya mabilis akong lumayo sakanya. Hindi naman nya ako agad napigilan kaya't nakalayo ako rito.

"Don't do it again, don't come near me." I said with a final tone before walking pass him.

Agad kong nilapitan si Jaime at pinunasan gamit ang extra towel na bitbit ko. Mabilis ko itong inaya pabalik sa hotel room namin upang makaiwas kay Caleb.

Nang gumabi ay ipinagpapasalamat kong hindi ito pumunta ng unit namin, nagpahatid lang ito ng dinner namin ni Jaime. Mabuti na nga rin na hindi sya napunta rito dahil hindi ko kayang nasa iisang lugar na naman kami. Siguro nung nasa zoo kami, nakaya ko pa. Pero ito? Hindi na eh, malakas ang kutob ko na sasabihin nya ang mga salitang iyon kanina kaya pinigilan ko na ito. Ayaw kong makarinig ulit ng kahit anong kasinungaling galing sa kanya. I'm too tired for that.

Ipinagpapasalamat ko rin na hindi ako kinulit ni Jaime tungkol sa papa nya, mabilis kase itong nakatulog dahil siguro sa pagod kanina.

Ako naman, hindi agad nakatulog kakaisip kong paano ko sya haharapin bukas. Naiilang ako, at nakakaramdam ng awkward matapos ang nangyari kanina. Napabuntong hininga nalang ako at pilit na natulog sa tabi ng anak ko.





To be Continue...

His New Secretary (Good at Pretend #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon