Phone ringing...
Cry Baby calling..."He-"
"Bae! See me after class! I'll call you again later. I love you, bye!"
"Wait a sec-"Toot toot toot
Ano na naman kaya nasa isip ng babaeng yun? Siguro babalitaan lang na naman nya ako tungkol kay Ju. Nakakainis!
Ju Luis Mendoza, natatanging lalaki na nanakit sa bestfriend ko na si Angel Jeanine Atkinson.
Bestfriend ko sya simula ng makasama ko sya sa play nung nasa senior high kami. Akala ko nung una di ko sya makakasundo. Pero nagbago lahat nang makilala ko sya...
< FLASHBACK>
Naglalakad na kami pauwi ng kaibigan ko ng mapansin namin si Jeanine. May kausap sya. Umiiyak."Kung ayaw mong makinig, fine! Just go!" - Jeanine
"Yeah! Your a bitch! Hanging around with those guys!" - ju
"No! I am just doing my job as their manager. You're accusing me again ju! Im so sorry!"- jeanine
"I'll go ahead jean. You'll meet my new girl tomorrow. See you!" -juNarinig namin yung part na yun ng paguusap nila nung lalaki. Maya maya ay umalis na yung lalaki. Nanatili lang si Jeanine sa pagkakayuko, umiiyak ng tahimik. Naawa ako sa kanya.
Araw araw ko siyang nakakasama sa paghahanda sa play na gaganapin sa buwan ng wika, nakilala ko sya bilang matapang at matatag na babae. Makikitaan mo sya ng awtoridad sa pagtindig at pagkilos nya. Napakatahimik nya sa oras ng rehearsal. Lahat kami ay takot sa kanya. Kapag may sinabi sya o ini announce lahat ay nakikinig. Pero heto sya ngayon, sa harap ko, umiiyak. Malayong malayo sa Jeanine na nakakasalamuha namin.Napahinto ako sa pag iisip ng magsalita sya.
"Kaya mo yan Jean! Wag kanang umiyak!" saka sya ngumiti.
Nakita ko yung sakit sa mga mata nya. Nagtago ako sa likod ng puno para di nya ako mapansin. Maya maya lang ay nagsimula na sya maglakad. Sinundan ko sya para makasiguro na ligtas syang makakauwi. Nasa iisang subdivision lang kami ni jean kaya nakauwi ako kaagad.Nakahiga na ako pero paulit ulit bumabalik sa isipan ko yung eksena kanina. Iyon lang ang laman ng isip ko hanggang sa makatulog ako.
WEDNESDAY 6:45 AM
Papasok na ako ng campus ng mapansin ko si Jean. Hinatid sya ng babaeng maputi. Mapapansin mo talaga na mayaman ang pamilya niya.
BINABASA MO ANG
My Girl Bestfriend
RandomKaya mo bang sumugal sa pag-ibig kahit alam mong di ka sigurado? Ang story na to ay para sa mga inlove. Lalo na sa mga taong nagmamahal ng lihim sa kanilang kaibigan. Sinulat ang story nato base sa nararamdaman ng author.