Chapter 37

214 8 12
                                    

“Ano ba ‘yan, you got engaged with him without a ring? Shocks!” Halakhak ni Lalaine. “Ang corny naman niya.”

Nakangiti kong tiningnan ang kamay kong mayroong benda. Malinis na iyon at huminto na sa pagdurugo ang sugat. Habang nililinis ni Lalaine kagabi, iyak siya nang iyak.

I told her everything. Wala ni isang detalye ang kinaligtaan ko. At magdamag… umiiyak lang kami habang dinadamayan ang isa’t-isa. Kaming dalawa pa rin talaga ang magkasangga sa huli.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi sa akin ni Mr. Santivañez. Sa lahat, iyon ang pinaka alam kong naapektuhan siya. Katulad sa kaniya, iniisip ng ama ni Nectarine na hindi rin ako mabuti para sa anak niya.

We’re in the same page again. And I wonder kung bakit parehong-pareho kaming dalawa. It’s still surprising. It seems like we’re made to understand each other.

“Kaya nga, wala man lang. Ibinenta ko na sana para may pera tayo,” sabi ko.

Biglang natigilan si Lalaine. Magkaharap kami sa upuan at ang niluto niya para sa agahan namin ay scramble eggs at fried rice na maraming bawang. I missed this. Pakiramdam ko ay sobrang tagal kong nawala.

Matinding pagod ang naramdaman ko nitong mga nakaraan, until yesterday. Not just physically, but also mentally. So unfortunate to experience those at once. In just a week, I feel tired.

Natigilan ako nang nakita ang biglang pagiging balisa ni Lalaine. She stopped eating at ganoon na rin ang nangyari sa akin dahil mas inuna kong titigan siya.

“Alam mo, Telle… Hinintay talaga kita kagabi. Alam ko na babalik ka rito sa apartment natin kaya naghintay ako sa ‘yo,” aniya.

Nanatili ang seryoso kong mukha. Ramdam ko ang namamaga kong mata dahil sa magdamag na pag-iyak. Pero aaminin ko na kahit papaano ay gumaan na ang loob ko dahil si Lalaine na ang kasama ko ngayon.

“Akala ko nga mabibigo ako. Pero naniwala ako na babalik ka rito. I’m so happy that you’re here with me today,” mahinang sinabi niya. “Hindi ko alam ang gagawin ko kapag mag-isa lang ako.”

Nagbara ang lalamunan ko. “Of course, babalik talaga ako.”

“Natakot ako noong sinabi mong gusto mo na magpakamatay kagabi. They stressed you. Kahit ako ang nasa posisyon mo, baka magpatiwakal talaga ako kapag sabay-sabay ang problema ko.”

But it’s amazing that I had thought of her face when I was about to stab myself and end everything. Siya ang nag-iisang naisip ko dahil alam kong ako na lang ay mayroon siya at hindi ko siya pu-puwedeng iwan na lang basta.

“That’s too much to handle, Shantelle. Alam mo ba na nakakahanga ka dahil kahit nakakaloka ang nangyari sa ‘yo, naging matapang ka para gawin ang kagustuhan mo na makalaya. Talagang hindi ka nila napilit gawin ang bagay na gusto nilang gawin mo.”

I smiled. “I promised myself that I won’t let myself be controlled again, which is why.”

“Hayaan mo na sila, kakarmahin din sila sa ginawa nila sa ‘yo.” Nakasimangot niyang hinawakan ang kamay ko.

Huminga ako nang malalim. Hahayaan ko na sila, pero hindi ko maipapangako na hindi na ako maaapektuhan kapag maaalala ko ang ipinaranas nilang lahat sa akin.

Alam ko na kahit gaano pa kahabang taon ang lumipas, hindi ko agad makakalimutan ang mga nangyari. May posibilidad akong magpatawad, but the memories and pain will stay with me… even until forever.

I was destroyed inside. It’s hard to forget easily… especially when I’m severely ruined.

Sa bawat gabing ipipikit ko ang mga mata ko, muli kong maaalala kung paano ako nahirapan dahil sa kanila. I would remember how I was not treated right. I would forever have doubts to myself.

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon