chapter four

232 29 10
                                    

iii. ang santan bracelet, si sav, at si sof

s a v

───────────────

Habang hinihintay si Sof na pumasok ng classroom, magkasama kami ng kaibigan kong si Bry habang nakaupo sa may corridor. Wala, nakatambay lang. Nakakatamad kasi kapag patapos na school year tapos pasahan na lang ng requirements; ang dahilan na lang ng pagpasok ko ay makita si Sof. 

Habang nagmumuni-muni, bigla akong sinundot ng ballpen ni Bry.

"Sav, kailan mo na balak umamin?"

Kunwari 'di ko siya narinig. "Huh?"

"Kailan mo kako balak umamin?"

"Huh?"

"Kailan ka aamin, bingi!"

"Huh?"

Bigla na lang akong binatukan ni Bry. Nyeta, medyo napalakas 'yon. Nabuga ko tuloy V-Fresh ko. "Ano ba!"

"Huh ka nang huh diyan, e kung huh-tawin kita?"

"Tsk, bayaan mo nga 'ko." Nagbukas ako ng bagong V-Fresh. Kay Sof sana 'to kaso ang tagal niya pumasok ngayong Wednesday e, tapos nabuga ko pa 'yung akin, kaya si Bry sisihin niya.

"Lapit na prom," sabi ni Bry habang nag-aayos ng portfolio niya sa English. "Isasayaw mo ba siya?"

"Hindi," sabi ko. "Pagtitripan ko na lang siguro 'yung dare, Bry. Ewan ko na."

"Bakit naman? Kung may tamang panahon para umamin sa kanya, sa Friday na 'yun."

"Hindi pa nga 'ko ready."

"Bakla! Kailan ka magiging ready? 'Pag patay na kabayo?" 

"Sana ikaw 'yung kabayo."

"Alam mo ikaw—"

"'Di mo kasi alam feeling!" depensa ko sa sarili ko. "Matindihang hit or die 'yon, hindi na miss. Die kasi ikakamatay ko talaga 'pag iwasan niya 'ko after niya ako i-reject."

"Hindi ko talaga alam feeling kasi hindi naman ako duwag. Ikaw hindi pa nga sumusubok, pagiging rejected na agad iniisip. Ewan ko sa 'yo." Nag-stapler siya ng mga seatworks. "Takot sa hit or miss, e 'yon nga ang point ng pag-risk."

"P'wes ayoko mag-risk. Saka may dahilan naman pagiging duwag ko."

"Oo, meron. Katangahan."

"Mas gusto kong umamin kapag kaya ko nang umalis ng Pilipinas at magpalit ng identity."

"Hanggang saan ka aabutin ng bente pesos — ng katorpehan mo?"

"Hanggang sa magka-boyfriend na siya."

"Paano kung 'di pa siya nagbo-boyfriend kasi hinihintay ka niya?"

"Paano kung manahimik ka na lang?"

Nginuya ko na lang 'yung V-Fresh at hindi na siya pinansin. Nagpalumbaba na lang ako habang ginawa kong background noise 'yung panenermon sa 'kin ni Bry tungkol sa pag-amin ng feelings at ang quote na it's better to risk than to regret at iba pang mga kabalbalang naririnig niya kay Papa Jack tuwing gabi. 

Hindi kami sabay ni Sof pumasok ngayong araw kasi ihahatid daw siya ng tatay niya, pero okay lang 'yon kasi mas may oras pa ako mag-isip.

Isa ro'n ay . . . alam ko namang may point si Bry, kaya nga binabara ko na lang siya. Pero hindi ko pa nga kasi kaya umamin. At least hindi muna ngayon. Naalala ko kasi nung ni-reject niya si Edwin unang beses, umarte talaga siyang hindi siya nag-e-exist. Iniiwasan niya. Kapag magkagrupo sila, makikipagpalit siya sa 'kin, o sa iba. Gano'n siya katindi mang-reject — iniiwasan niya — e, ayoko namang mangyari sa 'kin 'yon. Baka mamatay ako bigla. May part sa 'king sinasabing worth the risk naman si Sof, at alam ko naman 'yon — pero siguro mas madali lang sa 'king maging kumportable sa kung ano mang mayro'n kami ngayon, kahit na hindi na kami umusad pa mula rito.

si sav at si sofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon