Gyle's POV
" ang init!" inis kong bulalas ng makalabas na ako sa simbahan ng Jaro cathedral, kasama ko ang mga kaibigan ko at kakatapos lang ng misa kaya madaming tao ang papalabas ng simbahan.
Agad namang binuksan ni iza ang payong na dala niya kaya nagsiksikan kami papunta sa lilim ng puno kung saan walang tao. Malapit yun sa Fence at kitang kita namin kung pano mag siksikan ang mga tao sa pagsakay sa jeep at pagtawid.
" maya na tayo lumabas ang daming tao, ang init pa, jusko bakit ba napag tripan nating dito sumimba eh may mas malapit namang simbahan satin" reklamo ni elline, kaya natawa si iza, siraulo ata to, sya nga tong nag-aya sya payong may ganang mag-reklamo.
" ay wow! kunyari di ikaw yung nag-aya dito samin ah" sabi ko habang natatawa pa.
Inirapan naman ako nito atsaka luminga-linga
" oh ayan wala ng tao, mall tayo? " anyaya uli nito kaya nagkatinginan kaming tatlo nina iza at prellvin sa kanya. Tignan mo tong babaeng to, may lahi talagang dora.
Binigay sakin ni iza ang payong nya atsaka ngumiti pa sakin
" ikaw na, nangangawit nako, mabuti sana kong mataas ako" sabi nito ng natatawa, atasaka nagpatiuna ng maglakad, wala naman akong magawa kundi buktain yung dala nyang payong atsaka naglakad na, nagsilapitan naman silang tatlo sakin.
Nang papalabas na kami sa gate ng cathedral ay biglang may matandang babae na humarang samin at inalok kami ng mga pulseras na benta nya.
" mga neng, bilhin nyo na to at ng makauwi na ako" sabi nito kaya napatingin ako sa mga hawak nyang pulseras, saktong apat yun kaya agad kaming kumuha ng pera para bilihin nalang yun.
" dito tayo lola para hindi kayo mainitan" alok ni prellvin sa matanda at pinapunta yun sa lilim ng payong namin, nakitang kong umatras si elline at iza para bigyan ng space and matanda sa payong.
" magkano la?" tanong ko
" kinse lang neng, sakto bagay na bagay to sa inyong apat" pambobola pa nito, kaya napangiti ako.
binigay agad namin ang pera at pinasobrahan na rin para makatulong kay lola, saka nya rin binigay samin ang pulseras na para daw samin.
Kulay yellow na hugis araw ang binigay sakin
kulay berde na dahon naman kay elline
kulay pink na bulaklak kay prellvin
at kulay blue na tala kay iza.
sinuot agad namin yun atsaka nagpasalamat kay lola, nagpasalamat din sya samin atsaka tinitigan ako at nagsalita
" mag-iingat ka neng" makahulugang turan nito kaya napakaba naman ako, umalis ito pagkasabi ng katagang yun.
Tumawa sina iza at elline, tinuro pa nga ako ni elline
" hala ka, mag-ingat ka daw beb" sabi nito atsaka tumawa ng malakas, kaya hinampas ko yun ng payong kaya natatawang umiwas yun, umiling-iling naman si iza samin.
Tinuro nya yung simbahan at tinignan ako
" bumalik ka dun at pumasok,baka may ibig sabihin yung sinabi ni lola" sabi nya atsaka hinatak na ako pabalik ng simbahan, sumunod nadin samin ang dalawa.
Nang makapasok ulit kami sa simbahan ay kaunti nalang ang mga tao kaya mabilis kaming nakakita ng upuan. Umupo na ako pero saglit akong natigilan ng makitang hindi sila sumunod sakin at tangin si elline lang ang suunod sakin sa pag-upo.
" kayo na lang mag-hihintay nalang kami dun sa pinto, sige na humingi ka na ng guidance diyan" nakangisi pang sabi ni iza atsaka hinila na si preelvin.
Sus, alam ko naman ayaw nito sa simbahan kaya ayaw sumama sakin.
Sumulyap naman ako kay elline na nakaupo lang at gumagamit ng cellphone, eto pa talaga yung sumama sakin.
Bumuntong hininga ako atsaka lumuhod na at pumikit, umuusal ako ng dasal ng napansin kong yung maingay na simbahan ay biglang parang nawalan ng ingay at napalitan katahimikan kaya iminulat ko ang mata ko napasulyap sa paligid ko.
Bigla akong napatayo ng makita kong andaming naka belo na naka-upo sa mga upuan na kanina naman ay wala, bumaling ako sa gilid ko kung nasaan si elline pero hindi ko sya nakita.
Nagmamadali akong tumayo kaya may mga taong natuon ang atensyon sakin, kita ang naguguluhan nilang ekspresyon habang nakatingin sakin, kaya naasiwa at nahihitakutan akong lumabas ng simbahan.
Napalunok ako ng laway ng makita kong maging ang senaryo sa labas ay naiba katulad din ng nangyari sa loob ng simbahan.
Madaming tao ang nakatingin sakin, dun ko napansin na iba ang suot nila sakin, nakasuot ang mga babae ng mahabang palda at isang parang long sleeve na damit, samantalang ang suot naman ng mga lalaki ay pantalon at parang long sleeve din. Napalunok ako ng ilang beses.
Jusko! ito ba yung tinatawag nilang time leap experience? yung pareho sa mga manwha, manga at manhua?
Magiging Main Character na ba ako?
YOU ARE READING
SIBOL
Fantasy"ikaw ang aking sibol" This will be poorly written kasi I just want to give this as a gift to my friends. THANK YOU