Uwian na namin. Palabas na ako ng classroom namin, nakita ko sa may gilid ang dalawang kong best friend na sina Aliyah at Gile.
''Tara na, Angel''. sabi ko.
Ngumiti sila.
''Sige''.
At naglakad na kami pauwi. Halos araw-araw ay magkakasama kami. Sabay-sabay kaming pumapasok at umuuwi. Kaninang umaga lang kami hindi nagkasabay dahil may sinundo sila sa airport na kamag-anak nila at dahil ayaw kung umepal hindi na ako sumama. Haha.
Balik tayo sa kwento. Grade 1 kami ng unag kaming naging magkaklase at naging magikaibigan. Doon nag umpisa ang aming pagkakaibigan. Noong Grade 2 ay nagkahiwala-hiwalay kami. Pero noong Grade 3 ay naging magkaklase uli kami at sa mga sumunod pang taon. Noong Grade 3 rin namin naging kaibigan si Ivana. Si Aliyah at Gile ay magpinsan. Ang kanilang Mama ay magkapatid, mas matangkad si Gile kaysa ki Aliyah kung tutuosin si Aliyah ang pinakamatanda sa aming apat, buwan lang naman.
Si Aliyah at Gile ay magkatulad ang ugali, mestiza silang dalawa. Hmm, walang akong masasabing masama sa kanila. Kami naman ni Ivana ang magkatulad, hindi po kami magkamag-anak ah. :)
Magkatulad kami morena. Oo, morena. 'wag na kayong umangal. Haha. Si Ivana pranka, madaldal, matapang at siya ang laging nagpapatawa sa aming apat. Palagina'y ako ang nakikitang pagtripan.
Ako naman. Hm. Sabi ng mga kaibigan ko maldita daw ang una nilang tingin sa akin. Pero ng makilala na talaga ako ang sabi nila tahimik daw ako na palangiti. Pilosopa na masungit. Spoiled brat daw ako. Ewan ko sa kanila. -_-
Moody daw kasi ako. Pero inaamin ko na talagang maldita ako. Hindi din ako nakikipagplastikan.
Kilala kami noong Elemetarya bilang Flower girl 4. Bakit? Kasi noong panahon 'yon sumikat ang Meteor Garden. Alam naman siguro 'yon 'diba? At dahil kaming apat ay hindi nagkakahiwalay 'yon ang itinawag nila sa amin. At ang nagkakainis pa. Ako daw ang lider sa aming apat. Anak ng tipaklong naman.
Anim nga po pala kaming magkakapatid. Isang lalaki at limang babae. Haha. Syempre ako ang bunso.
Marami na ba akong nasabi? 'yon na. Ipinapakilala ko lang po ang sarili ko.