Chapter 38

213 10 11
                                    

New life, new beginning, new place.

Sa Laguna kami lumipat ni Lalaine. Humanap kami roon ng apartment na maaaring upahan. Sa huli, Ang nakuha namin ay iyong may kalakihan, dalawa ang kuwarto at maayos na lumulubog ang inidoro.

Kahit pa napagod na sa paghahanap, ang una namin tiningnan ay ang banyo. Pareho kaming napanatag nang nakita na maayos ang toilet bowl, may shower pa at medyo malawak. Hindi kami ma-s-stress kapag ayaw lumubog ng echos.

Overall, mas malawak talaga itong ngayon na apartment kaysa sa iniwan namin sa Maynila. Mas maganda rin ang puwesto dahil napapalibutan ng kapitbahay, nagustuhan ko rin ang kuwarto na medyo may kalawakan.

Kinabukasan din agad, namili na kami ng gamit para sa apartment. Hindi na bumili ng TV dahil hindi naman namin ‘yon kailangan talaga. We decided na ang bilhin ay ang mga convenient lang.

Nakakapanginig habang ginagastos namin ni Lalaine ang pera na galing sa magulang ni Santino. Kumukulo ang sikmura ko at nahihirapan akong tingnan ang pera. Alam ko kasi ang kapalit ng pera na iyon.

Even though Lalaine was trying to make me think that she’s not affected, ramdam ko na nalulungkot siya. Hindi ganoon kadaling makalimutan ang lahat, lalo na ang taong nagparamdam sa kaniya na mahalaga siya.

Ang tanging alam ko lang na makakatulong sa kaniya ay ang hindi pagbanggit sa pangalan ni Santino. Iniiwasan ko talaga. Hindi ko rin naman alam kung bakit kailangan ko pa siyang banggitin.

I was trying to live a new normal life with Lalaine. Iyon naman talaga ang dapat kong gawin. But… it seems so hard now to be normal lalo na kung sa bawat galaw, naaalala ko pa rin ang mga iniwan ko sa Maynila.

My supposed family, na hindi naman talaga naging akin… tinalikuran ko na sila. Sa paglipat, hindi ko na rin sila kilala. Labis akong nasaktan sa mga ginawa nila to the point na mahirap pa para sa akin magpatawad.

At sana lang ay hindi na ako guluhin pa ni Elmo. Sana… hayaan na niya ako. Sinusubukan kong maging maayos, kaya sana ay huwag na siyang manggulo pa ulit.

“Lalaine,” I called her nang isang araw ay nagpahinga kami sa pagrereview.

Isang linggo na kami rito sa bago naming tirahan. Nakapag-adjust na ako. Pinipilit ko na lang talaga na maging maayos.

“Bakit?” ang atensyon niya ay nasa libro. Todo review kami para sa paparating na board exam. We promised each other that we will get the license.

Kinagat ko ang ibaba kong labi. Puwede ko kayang sabihin sa kaniya? Kasi… mas lalo akong nalulungkot ngayon. It’s weird.

Ngumiti ako at dinampot ang ballpen na nasa table. “Wala. Hayaan mo na.”

Hindi ko kayang sabihin sa kaniya.

Inalis niya ang tingin sa libro at nilagay sa akin. Peke akong ngumiti at binaba ang atensyon sa nire-review. Sinusulat ko ang mga tingin ko ay magiging relevant sa exam.

“Ano nga ‘yon? Sabihin mo na, Shantelle.”

“Wala.”

“Sabihin mo na. Alam kong mayroon kang gustong sabihin, friend.”

Huminga ako nang malalim. Umiling ako at tumawa. Dinampot ko ang binilot na papel at binato sa kaniya nang nakita ang nakasimangot niyang mukha.

She’s hoping na sabihin ko sa kaniya kung ano ba talaga ang bumabagabag sa akin.

“Wala nga lang. Miss ko lang si… Nectarine.” Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko kayang makita ang reaksyon niya. “Pero hindi naman ‘yon importante.”

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon