Chapter 7: Report

1 0 0
                                    

Christal POV:

Nakakahiya. Bakit ko siya niyakap? Ano bang nangyayari sa akin? Baka naging tulad na rin ako sa mga fans niyang obssessed. Nope. I'm not like that.

"Christal, are you done?"

I saw Catherine at the entrance of Emerson Building. "Yes, tapos na ako. Tara na."

Magtatanong pa sana siya pero hinawakan ko agad kamay niya at pumara agad ng traysikel.

"Ayos ka lang ba? Nagmamadali ba tayo?" Tumingin ako sa kanya. "I'm fine. Don't worry."

Tinitigan pa niya ako pero kalaunan tumango siya. "Saan tayo pupunta?"

"Sa bahay namin, Catherine. Doon ka muna tutuloy sa amin."

She smiled. "Thank you Christal. Ang bait mo."

I just giggle. "Para na kitang kapatid okay. Tutulungan kita."

"Salamat talaga, kung hindi dahil sa'yo, hindi ko alam saan ako pupunta ngayon."

"You're welcome. Salamat din sa paghihintay sa akin kanina. Pasensiya na natagalan ako."

"Ayos lang iyon. Ako nga dapat magpasalamat sa'yo sa naitulong mo."

"Nandito na tayo." Saad ni manong drayber.

"Salamat manong. Kaawaan ka ng Diyos."

"Come, Catherine. Welcome to my home."

"Thank you." Lumabas si nanay galing kusina.

"Nanay, may bisita ako, si Catherine, kaibigan ko. Catherine, ang nanay ko si nanay Letecia."

"Hello,iha welcome sa munting tahanan namin."

"Salamat po."

"Tamang-tama naghanda ako ng bananacue. Dito lang kayo kunin ko lang sa kusina."

"Sige po, nanay."

"Feel at home, Catherine. Huwag kang mahihiya."

Ngumiti lamang siya sa akin at tumango. "Iwan mo na kita. Tutulungan ko lang si nanay. "

"Ito na ang bananacue."

"Anak, huwag mong kalimutan magdala ng tinidor, hindi ko nadala kasi."

"Okay nanay."

"Ito na ang juice at tinidor."

"Kain ka Catherine, huwag kang mahihiya sa amin ng anak ko."

"Sige po, salamat po."

"Nanay, ang sarap ng merienda natin."

"I love bananacue."

"Kain lang ng kain Catherine. Pakabusog ka."

"Salamat po sa inyo. May tanong po ako."

"Ano iyon iha?" Si nanay habang umiinom ng juice.

"Kayo lang po bang dalawa rito?"

"Yes, iha. Wala na kasi ang asawa ko. Matagal ng namatay. Nag-iisang anak ko lang kasi si Christal."

"Okay po."

"Ikaw iha, nasaan ang pamilya mo?"

"Nasa probinsiya po sila. Ako lang po ang nandito sa Maynila. Naghahanap po kasi ako ng trabaho para makatulong po sa mga magulang ko. Isa po gusto ko pong bumalik sa pag-aaral. Magkokolehiyo na po ako. Natigil kasi ako sa pag-aaral kasi nagkasakit ang nakababata kong kapatid. Kaya para makatulong nakipagsapalaran po ako rito."

"At iyon ang dahilan kaya nagkakilala tayo Catherine. Nanay, gusto ko pong dito tumira sa bahay natin si Catherine. Matutulungan ko siyang mahanapan ng trabaho. Isa po baka matutulungan ko rin po siya sa pagbabalik niya sa pag-aaral."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HEAVEN'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon