Life after Life

278 21 2
                                    

Mabigat ang buhos ng ulan, madilim ang kalangitan. Nang oras na iyon, isa lang ang malinaw sa mga mata ko, ang nakakabulag na liwanag mula sa papalapit na humaharurot na sasakyan.

I closed my eyes and smiled.

Finally, I am free.

I never feared death like the others, so when it came to me, I welcomed it as if it were a long-lost lover.

I have hated my life since my younger sister died. Tama si Mama, kasalanan ko. Dapat ako nalang ang nasagasahan at namatay. Eighteen ako nang sinubukan kong maglayas at nahuli ako ni Mama bitbit ang maleta, ang sabi niya, "Dapat noon ka pa nawala. Magmula ngayon, patay na lahat ng mga anak ko."

Five years had passed, and the pain was still raw. Dala ko ang sugat na iyon kahit nagsama na kami ni Austin, boyfriend ko. Sinubukan niyang hilumin ang sugat, pero hindi niya alam na para lamang siyang nagtatapal ng bandaid sa saksak ng kutsilyo.

I seek therapy just to please him. I took the medication only to ease his worry. Pretending to be healed is worse than my mother's hostility toward me. It was sickening. But I love him. Oh, God, my poor Austin. It's okay... he will be okay... he will recover... he deserves better.

Wala na siyang aalalahanin ngayon. Wala na siyang p-problemahin at kahit ilang beses na sabihin niya na hindi ako problema, alam ko, ramdam ko na nahihirapan na siya. Araw-araw siyang nakangiti sa akin, magbibitaw ng mga jokes na nakakatawa, magk-kwento tungkol sa mga plano niya para sa aming dalawa. Pero gabi-gabi ay umiiyak siya. Minsan nagigising ako at nakikita siyang nakaluhod sa tabi ng kama, magkalapat ang mga kamay sa isa't isa. Nagdadasal siya, sambit ang pangalan ko. Bakit niya iyon ginagawa? Bakit niya hinihingi na bumalik ako sakanya?

Then I realized I was only there with him physically. And Austin wanted everything about me; heart, mind, soul.

Siya lang ang dahilan kung bakit nagtatagal pa ako sa mundo at hindi ko matuloy-tuloy ang pag-inom sa mga gamot na tinatago ko mula sakanya

I couldn't leave him, but how do I go on if I can't find the will to continue?

Blinding lights pierced through my eyelids, shooting to my cranium. Then there was a deafening tuneless in my ears, like a heart monitor when the heart had stopped beating. Feeling drowning, I flapped my arms around me, pushing, kicking, reaching the dull, bright atop. I pushed in desperately, I need to breathe. Why do I need to breathe?

I broke the surface, gasping. Surprisingly, I wasn't wet. Para lang akong nagising sa isang bangungot.
Pero hindi ito ang kwarto ko. The place was blindingly white.

Tumayo ako at napagtanto na hindi ko makita ang inaapakan ko. Balot ang sahig ng puting usok — o ito ba ay ulap?

Nakarinig ako nang hagikgik ng bata. Kilala ko kung sino iyon...

"Natalie..."

Lumingon siya sa akin dala ang ngiti na kasing tikas ng kalangitan.

"Faye? Nandito ka na!" she beamed, bounced over to me, and wrapped her little arms around my thighs.

Nahihiwagahan kong hinawakan ang pisngi niya at lumuhod sa harapan niya.

"Hindi ka na mag-isa ngayon, Natalie."

Pero lumukot ang bata niyang mukha. She died fifteen years ago, but she was still six years old in front of me and wearing the same blue dress I had chosen for her. She was too excited to wear it, dancing around the room and twirling her pigtails.

Gusto ni Natalie maglaro sa park kaya naisipan ko siyang dalhin doon. Dalawang kanto lang ito sa amin pero masyadong excited si Natalie. Nakita niya ang lobo ng batang lalaki na lumipad sa kabilang kalsada. Bumitaw si Natalie sa kamay ko at nagtatalon upang abutin ang lobo.

"Natalie, no!"

"Faye! Nakuha ko na!"

Iyon na ang huling beses na narinig ko ang boses ng kapatid ko. Sunod kong namalayan ay nagkakagulo na ang mga tao. May sasakyan na humarang sa paningin ko kay Natalie at lumabas ang driver, sapo ang mukha at napaluhod sa kalsada.

My dear Natalie was dead.

Yet she was very alive in front of me.

"Pero aalis ka din naman, Faye."

"Hindi ako aalis. Dito na ako."

Sinapo ko ang mukha niya, hinalikan nang marami habang humihingi nang patawad sa naging kapabayaan ko. Hiniling ko siyang makita muli at nangyari na.

"Hindi pwede, Faye! Kailangan ka nila! Paano si Austin at siya?"

Austin... Oh, God! Pero sino si siya?

Ngumiti si Natalie sa akin.

"Matagal na iyong nangyari Faye. Masaya ako dito. Marami akong friends and toys. Never kitang sinisi. Si Mama, love ka niya, pero mas love ka niya. Go back Faye, and be at peace with yourself. Live for us."

Naging malabo siya sa paningin ko. Inabot ko siya pero wala akong nahawakan.

"Baby, please stay...don't leave me Faye..."

Austin?

The white space around me melted. I opened my eyes and saw Austin crying and begging.

"I'm here..."

"You came back, my love. You came back." He kissed my face eagerly and gratefully. "I love you."

Oh, Austin.

Bago pa ako makasagot ay may naramdaman ako. Bumilog ang mga mata ko at lumapad naman ang ngiti ni Austin. Dinala niya ang palad kong hawak niya sa malaking tiyan ko.

"You fought for us, Faye. You had given me a wonderful gift."

Gift.

The gift was him and the baby inside my womb. I was comatose for five months, and Austin never left my side. Nalaman ko sakanya na dumadalaw si Mama, minsan nagpapalitan sila sa pagbabantay sa akin.

I gave birth after a few months. Pumasok si Mama sa kwarto at pinakatitigan ako nang masuyo hanggang sa dumako ang mga naluluha niyang mga mata sa nasa mga bisig ko.

"What's her name?"

"Natalie."

And tears fell down her cheeks. So was mine. Because now I had a purpose to live, to love, and to continue.

I had forgiven myself, and Natalie is with us again.

EscapedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon