The Killer Dare (One-Shot)

606 16 29
                                    

Akala ko noong una, wala na talagang ibang paraan para masabi ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman.

Mahirap mapunta sa ganitong sitwasyon, na lihim kang nagmamahal sa isang tao sa mahabang panahon.

Four years in HighSchool..

Four years ago, natagpuan ko ang sarili ko na umiibig na sa kanya ng palihim..

Four years ago, sinimulan nang itinibok ng puso ko ang pangalan niya..

Ang hirap, wala na talagang pag-asa pa na masabi ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman.

Ngunit naging mabait ang pagkakataon..

Dumating ang araw ng pagtatapat..

Araw ng kasiyahan ng puso..

at ang araw din ng kamatayan.. ng puso ko..

Walang klase.. Vaccant Period namin..

As usual, pag walang teacher, may kanya-kanyang mundo na naman ang mga kaklase ko dito sa loob ng room. Kakaiba din dahil ang room namin ang may pinakamaingay na estudyante dito sa 3rd floor building ng school namin.

Walang matinong makausap kaya naisip kong maupo na lang sa may likuran. Yumuko ako at isinalpak ang earphones ko..

Two minutes later, may naramdaman akong kumalabit sa akin.

Pag-angat ko ng ulo ko, halos malalaglag na panga ko.

Tama ba? Seryoso? wait. Ang nakangiting mukha ni Rad ang bumungad sa akin. 

Si Rad, ang lalakeng lihim kong minamahal..

Labis na lang ang pagkakabigla ko, di ko inaasahan ito eh.

"O-Oh Rad."

"Hello Seanna" totoo ba to? From first year to fourth year, ngayon lang siya lumapit sa akin, as in malapitan. First time ko ring marinig ang pangalan ko na galing sa tinig niya.

"B-bakit Rad?"

"I have something to confess." umupo siya sa tabi ko, lumingon ako sa paligid, ayun, maiingay pa din sila, except sa mga kabarkada ni Rad na nakatitig sa amin ngunit bigla din lang silang umiwas ng tingin sa akin.

"A-ano yun Rad?"

"Mahal kita, Seanna......" then bigla niyang hinawakan yung kamay ko..

Kyaaaaa! Tama ba pagkakadinig ko? He just told me that he love me? Oh my. Oh my. Slap me please..

"Rad, sampalin mo ako.."

"No. Seanna, alam kong mahirap paniwalaan pero totoo. Mahal kita, yan ang nararamdaman ng puso ko para sa iyo." gusto ko ng umiyak sa pinagsasabi ni Rad, love niya daw ako..

Aww. Di niya ba alam na pwede na akong maihi sa ginagawa niya? Tinitigan ko siya, I cant resist him kaya lumingon ulit ako sa paligid, nang mabalingan ko ulit yung mga barkada ni Rad, they gave each other a high-five.

Muli na namang nagsalita si Rad. "Alam mo ba kung anong natutunan ko Seanna? Minsan mas masarap na magmahal ng isang tao na hindi niya alam kesa yung alam niya pero wala siyang pakialam."

"Dont say that Rad, ako ang dapat magsabi niyan"

"You mean.. MAHAL MO DIN AKO?" puno ng excitement yung pagkakatanong niya.

"Yeah, mahal kita Rad. Matagal na. Di ko lang magawang ng paraan kung papano ako magtatapat sa iyo, though pangit nga naman kasing tignan pag babae ang magtatapat ng love sa isang lalake." huminga ako ng malalim, "Pero ngayong alam ko na na mahal mo din ako, di na ako magaaksaya pa ng another four years pa upang masabi ko sa iyo ang katagang I LOVE YOU"

The Killer Dare (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon