Sana hindi nalang naimbento ang Facebook.
Sa paraang iyan, walang nagiging trying hard para makatrend gamit ang "#"
Walang mga status updates na nagpaparinig.
Walang lecheng epal na app requests.
Walang paramihan ng likes at pagandahan ng profile picture.
Walang manghuhusga at magcocomment.
Walang mga posers o pekeng accounts.
Higit sa lahat, walang relationship status na "It's Complicated".
Ang Facebook kasi, nakikita ko, related ito sa reality. May mga nagpaparining, Umeepal, nakikipag-kompetisyon, Nanghuhusga, at kumukuha ng hindi kanila. Kahit na wala kang ginawa sa kanila, di natin maiwasan na meron talagang isa o higit pa sa mga iyan ang darating sa buhay natin. Dagdag mo diyan ang mga tao na dumating at nagpasaya sa iyo at pinaramdam na hindi ka nag-iisa tapos isang araw, nagbago ang lahat. Mag-isa ka lang pala talaga. Ang totoo? Minahal ka ba talaga? O joke time lang ang lahat? Rebound? Last choice? O nakadrugs at naghahaluccinate lang sila? Tanungin mo oy. Pero ang problema? Duwag ka. Duwag na duwag.