February 24...
Fiesta ng aming bayan...
Siyempre gising ng maaga kasi may prusisyon at misa.
Siyempre magsisimba kasi may gustong makita.
Yung ate at ading ko na taga Pangasinan na once in a blue moon ko lang makita.
Uhm,
Kareligion ko lang.Di ko totoong kapatid.
After ng prusisyon at misa uwi na para makapagready kasi madaming pupuntahan.
Hindi kami naghahanda kasi malayo na kami sa bayan kaya nakiki fiesta na lang kami.
Una,punta sa bahay ng trainor ng ading ko. Pangalawa, sa bahay ng pinsan tapos uwi kaagad para makapag ayos pa dahil may parade pa kami.
1:15
Late na ako.
Pero di pa start yung parade.
Filipino time ehh.
Edi habang naghihintay sa school a magstart yung parade, nagpractice pa kami tapos tinawagan ko pa yung kinakapatid ko kasi wala pa siya.
Nang dumating na siya malapit ng magstart yung parade.
At nagstart na nga.
Tugtog tugtog din tapos pag may magbibigay ng inumin iinom kami.
Ganon ang routine ng parade hanggang sa matapos.
After ng parade nanood kami ng street dance nila lyn at frances.
Sigawan dito sigawan diyan kahit bawal.
Cheer dito cheer diyan hanggang matapos.
Pagkatapos ng street dance,punta kami kina frances para magmeryenda tapos umuwi ako para magpalit.
Pagkauwi ko tinext ko yung bf ko. Kinwento ko yung nangyari sa parade.
*ring*ring*ring*
Bf Ko: Baby kumusta ka na? Masakit ba mga paa mo?
Me: Ok lang. (pero ang totoo hindi at super sakit ng mga paa ko.). Uh,ok lang ako. May pupuntahan pa ako mamaya eh.
Bf Ko: Huh? Saan? Sinong mga kasama mo?
Me: Sa plaza baby kasama ko sila lyn at frances.
Bf Ko: Huwag ka ng tumuloy. Magpahinga ka nga!
Me: Ayoko!(sabay patay sa tawag.)
Pagkadating sa meeting place namin ng mga kaibigan ko bigla siyang nagtext.
"Sige magpagabi ka kahit anong oras na. Baka iniisip mo ano bang pakialam ko sayo."
Hindi na ako nagreply kasi that time naiiyak ako sa sinabi niya. Lalo na madilim sa meeting place namin ng mga kaibigan ko at ako lang mag-isa. Andami pang lasing noong mga oras na iyon.
Pagdating ng mga kaibigan ko...
Lyn: Kapatid!!! Sorry natagalan kami. Pinuntahan pa namin si papa eh.
Me: Ok lang. (Pero deep inside hindi)
Frances: Ui wait lang ah! Uwi muna ako. Asa bahay sila tito ko eh.
Me and Lyn: Sige pala! Bye! Ingat!
Frances: Kita na lang tayo mamaya sa bayan.
Habang naglalakad kami ni Lyn biglang sumabay sa amin sila mama at ading ko sabay nagyaya si mama ko na doon na kumain kina tito ko para hindi kami maboring kakahintay kay Frances. Edi siyempre pumayag naman kami kasi mabilis din kaming magutom. Habang kumakain may biglang nagtext sa akin.