I Hate Everything About You (one shot)

678 28 22
                                    

Nagkaroon na ba kayo ng taong kinaiinisan? Iyong tipong marinig mo palang pangalan niya'y sira na araw mo? Yung ayaw mo ng pumasok sa school at gusto mo na lang magkulong sa kuwarto?  Na kung pwede lang ay mag hire ka ng killer at pasalvage siya?  Kung Oo sagot mo, relate na relate ako sa'yo!

Si IVAN BONIFACIO . I hate him! bwisit na bwisit ako sa kanya! Okay lang sana kung mayabang siya, laging nantitrip o nambubully e' kung ibang tao naman 'yon wala naman akong pakialam sa mga buhay nila pero ang masaklap ako lagi ang pinupunterya at parang laging may spotlight sa'kin na kahit saan ako magpunta ay nakikita niya ako at napagdidiskitahan! Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko siyang ibinitay at ginawang parang swing sa park, nasakal hanggang lumabas na ang dila niya, pinasagasaan sa 10 wheeler truckㅡpinatay at binuhay ulit at inulit ang mga kabrutal'ang 'yon sa utak ko...

Hindi ko talaga makalimutan ang mga ginawa niya sa akin: (Una) Noong grade three kami binosohan niya ako! Paano? Habang naglalakad ako papuntang room namin dahil maguumpisa na ang klase namin...bigla na lang niyang tinaas ang palda ko gamit ang isang ruler! Pinagalitan nga siya ng teacher namin pero hindi pa rin maalis ang sobrang pagkapahiya ko no'n at napaiyak talaga ako...plus the fact na manyak siya manyak!
(Pangalawa) Tapos no'ng high school pinagkalat niyang may gusto ako sa kanya at sinusundan ko siya hanggang pag uwi niya ng bahay,  isa daw akong katakot takot na stalker! And he warned are boys classmates na mag ingat sa'kin at baka daw sila naman ang punteryahin ko. Kaya hayun nag iba tingin sa'kin ng mga kaklase ko, matagal tagal din nila akong iniwasan.
(Pangatlo) At ngayon ngang college ay nasa iisang school pa rin at badtrip talaga dahil parang sinasadyang halos classmates kami sa lahat ng mga subjects na tinitake ko, and as usual binubuwisit niya pa rin ako. Hindi na ata siya magbabago at ginawa niya ng career ang bullying. Idagdag pa sa kinaiinisan ko sa kanya eh kahit maloko ay matalino siya na parang suwabe lang ang pag aaral sa kanya kung ako nagkukumahog sa pag aaral ay hinding hindi ako maging number 1 sa klase namin dahil ulit sa kanya... kung wala sana siya ako na ang top 1 ngayon!

And that adds why I hate him the most at hinding hindi ko siya magugustuhan kahit bilang kaibigan o kagrupo na kung pwede lang iwasan kong masagap ang hanging hinihingahan niya...

That was I believed in the past years...

I didn't notice that kakainin ko ang mga sinabi ko sa kanya, at totoo pala ang kasabihang the more you hate, the more you love...

Dahil pagdati pumapasok ako sa school na walang gana dahil sa kanya...Ngayon looking forward na ako dahil makikita ko ang singkit niyang mga mata na hindi mo makikita pagnakangiti o tumatawa sa pang aasar sa'kin, ang dimple niyang gusto ko sanang tusukin sa tuwing nagsasalita sya at nagpapakita at kahit pa lalapitan niya ako at kakausapin para sirain ang araw ko ayos lang atleast I got his attention.

Okay na rin ako sa pagiging number 1 niya, ako naman ang number 2 at kasali din naman ako sa dean's lister kung sakali man na siya ang suma cumlaude atleast ako parin ang magna, 'di ba?

I can't believe that in almost a decade of annoyance and hatred I felt towards him, love silently creeps in and slowly invaded those negative feelings and I found myself falling for him.

"Ms. Fuentes!", biglang may tumawag sa akin na nagpabalik sa'kin sa huwisyo at pagtingin ko si teacher pala, lagot.

"Ma'am?", ano kaya ang problema? May itatanong siya tungkol sa topic? Hindi pa naman ako nakikinig. Patay talaga ako nito.

"You're physically present but mentally absent." Sabi na eh..

"I'm sorry po ma'am" 

"Its okay, but next time pay attention Ms. Fuentes..." at bigla siyang tumingin sa kabuuan ng klase..."Class dismiss."

I Hate Everything About You (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon