May 31, 2015 (UPDATE)
IKALIMANG KABANATA
"Kath," sinundan nanaman niya ako. "Patawarin mo na'ko please?" pagmamakaawa niya.
"Ano ba? Ano bang gusto mo?!" tanong ko sakanya.
"Ikaw nga! Kingina ang kulet!?" sigaw niya. Nag-init 'yung dugo ko.
"Sinisigawan moko?!" tanong ko sakanya.
Ngumiti siya at hinawakan ako sa braso, "Ano ba, hindi naman eh." kinginang dimples 'yan! -,-
"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko. Pero hindi niya ginawa . Nanginginig ang kanyang kamay habang nakahawak pa'rin sa braso ko.
"I don't want to lose you again," sabi niya bago yumakap sakin. Itinulak ko siya.
"Ano bang pinagsasasabi mo?!" lalo siyang humigpit nang yakap.
"Bata palang tayo nun, pero alam kong ikaw na talaga ang babaeng mamahalin ko ng panghabang-buhay."
Itinulak ko ulit siya, pero mas malakas. Dahilan para ma-out of balance siya.
"Wala akong alam sa sinasabi mo okay? Kaya puwede ba tigilan mo nako?" tumayo siya after ilang seconds na tulala.
"Bumalik na tayo sa dati, Kath. Please, yung dating pagkakaibigan natin nung mga bata pa tayo." lumuhod siya sa harap ko.
Pero tumalikod ako at umalis don. Thank God hindi na niya ako hinabol.
"Bakit ba sobra ka kay, Daniel? Napaka-sincere naman nung tao?" sabi nanaman ni Julia. Nagkabati na'rin kami sa wakas. Pinatawad ko na siya. Hindi ko naman siya matitiis eh.
Kanina pa ako tulala dahil naalala ko 'yung sinabi ni Daniel na bumalik na daw kami sa dati. Eh anong ibabalik ko? Eh wala naman kaming nakaraan?
Nakaka-frustrate 'yung mga pinagsasasabi niya, pang-out of earth! Oh baka naman, nagka-amnesia ako? Haist! Ano ba 'yan? Kung anu-ano na'ng naiisip ko. Pero hindi naman ako naaksidente? Anong nakaraan ba yung sinasabi ng bakulaw na 'yon na ibalik daw namin?
"Ano ba Kath? Di'ka naman nakikinig eh! Kanina ka pa tulala? Siguro iniisip mo si Daniel ano?"
Di'ko alam, pero napa-tango-tango ako ng wala sa oras.
"You mean? You're inlove with him na?" Pabiro ko siyang tinampal sa mukha.
"Asa kayo." sabay pout ko. Ay nako! Ansakit na ng ulo ko ha?!
"Asa kami. Hahaha! Halata namang may gusto ka sakanya eh!" sabay kiliti niya sa baywang ko. Napakidlat tuloy ako. Naku!!
"Wala nga," sabi ko at napatulala nalang.
"Bakit ba ayaw mong mag-boyfriend?" tanong niya sakin nung natulala nanaman ako.
Napatigil ako saglit. Kasi ayaw ko sa lalaki. Ganun! "Ayokong maranasan 'yung nangyari sa'yo." Eh ayaw ko rin sa babae nuh! Ayoko lang talagang masaktan!
"Alin dun?" she asked habang kumukuha ulit ng ice cream sa ref.
"Yung niloko ka."
Tumawa siya ng malakas, "Sa panahon ngayon, Kath. Kailangan may experience sa ganung bagay. Para sa susunod na mangyari ulit sa'yo 'yon. Halos manhid ka na sa halos di mo na siya maramdaman." at namapak ulit siya ng ice cream.
"Mali ang pananaw mo, gaga." sabi ko sakanya. "Iba-iba kasi 'yang sakit ano, ang ibig sabihin ko lang, ayoko pang masaktan sa pag-ibig."
"San ka palang ba nasaktan?" Tanong niya.
"Dami mong tanong, ano? Tulog na tayo. Kain ka ng kain diyan."
❤
Pagdating namin sa school, napakaraming tao sa gate.
"Anong meron?" tanong ko kay Julia.
"Aba malay ko kakarating lang natin eh,"
Prangka, buset! Napa-tss nalang ako.
Lumapit kami sa mga babaeng nagkakagulo. "Anong meron?" tanong ko sa isa pero tinitigan niya lang ako tapos binulungan 'yung kasama niya. Tapos, isa-isa silang lumapit sa'kin ng nakangiti.
"Hi ate Kath?" tapos may nagtakip sa mata ko bigla ng panyo galing sa likod! Omg! Baka hold-up to!!
Tapos biglang may bumuhat sakin. Nag-tilian 'yung mga estudyante like wtf? Bakit? Ano bang meron? At ano? Kinikidnap bako?
Maya-maya binaba na ako nung bumuhat sakin at tinanggal ang piring. Medyo nahirapan pa nga ako sa pagdilat eh kasi ang liwanag.
"Hi, Kathryn Chandria Bernardo." nagtilian yung mga estudyante dahil narinig nila yung pangalan ko. O narinig nila yung boses nung nagsalita?
Nasa gitna ako ng napakaraming tao, at hindi ko pa nakikita kung sino 'yung nagsasalita. Nagsisimula nang kumabog yung dibdib ko habang hinahanap siya.
"This is the first day we met, naaalala ko pa. August 17. We're kids! Yeah. At gusto ko, ito rin ang araw na officially, umpisahan kitang ligawan. So? Will you accept me? To court you? Miss Bernardo?" lumabas si Daniel mula sa crowd.
Nag-tilian lalo sila nang lumapit siya sa'kin. Oh my god. Hindi ko alam ang irereact ko. Kung matutuwa ba ako?
"Will you accept me?" he asked again. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko na parang maraming nagkakarerang kabayo. Omg this is not what i want! Puso kalma naman ohh!!