Mj's POV
Nag-wave na ako kanila Monik at Alice. Dederetso na rin ako sa dorm ko para makipagchikahan sa mga kapwa ko bakla. Sila kasi yung kasama ko sa dormitory.
Since di pwede magsama ang girls and boys sa iisang dormitory ng DPU, meaning di ko pwedeng makasama sila Monik at Alice. Kaysa naman makasama ko yung boys, baka kung ano pang gawin nung mga yun. (baka may gawin sakin?)
Kaya pinili ko nalang makasama yung ibang beki. Atleast, iisa kami ng direksyon. Right?
"Haaay! Sabi ko sa kanila mag- Ministop muna kami eh. Tom Jones na tuloy ako." I sighed habang nakatingin sa salamin na dala dala ko palagi.
"Ohh shoot! Haggard na 'ko."
Kinalikot ko muna yung bag ko to get my powder. Ganito kaming mga bakla, kapag haggard na, powder lang katapat. May kilala ba kayong bakla?Pansin niyo?
"Ohhh nooo mamamia! Naiwan ko yung powder ko sa locker ko."
Naglakad na 'ko pabalik para makuha yung powder ko. Pero naisip ko na pundido nga pala yung ilaw sa locker room. Baka may magparamadam or may maligno dun.
Alice's POV
***Toktok! Toktok!***
"Moniiiik! may kumakatok. Paki tingin kung sino." inutusan ko na lang si Monik dahil naghihiwa ako.
"Nasa CR akoo!!!" Monik shouted.
"Haaays! Utos ko Gawa ko. Edi wow!" napabulong nalang ako.
Binuksan ko yung pinto....
Lumingon lingon muna ako.
"Sino ba yun? Wala naman."
So, bumalik na ko sa paghihiwa ko.
***Toktok! Toktok!***
"Anubayan! Ang kuliiit! Mga nangtitrip oh!"
Binuksan ko na yung pinto and....
"Ohh! Mj ikaw pala. Badtrip ka ah! Nangtitrip ka!"
Mj laughed.
"Anong nangti-trip?"
Nakoo! nagdeny pa. Halatang halata naman.
"Ano kaylangan mo?"
"Girl, pasama naman ako sa locker room. Kukunin ko lang yung... Uhm... Ahhh...ano..Yung notebook ko. Oo tama yung notebook ko."
"Oh, ba't ka nauutal?"
"A-ano? Hindi ah. Nakakatakot lang dun sa locker room kasi pundido daw diba yung ilaw?"
"Ahh, ayy oo nga noh? Sige wait lang.
"Moniiiik!" sigaw ko
"Yes? Bakit?"
"Sasamahan ko lang si Mj ah. May kukunin lang kami sa locker room." sigaw ko ulit.
"Sige lang."
"Taralets na!" pagaaya ni Mj.
Kinuha ko lang yung panyo ko and wallet then umalis na kami.
—Locker Room—
"Hala! Ang dilim nga. Bilisan mo na Mj. Kunin mo na yung—
Napatigil ako nung narealize ko na kinukuha na ni Mj yung kukunin niya sa locker niya....
"POWDER?" napalakas boses ko.
"Akala ko ba note— napatigil ako
"He-he! Kasi kapag sinabi kong powder, di mo 'ko sasamahan dito eh."