>> School Lobby<<
Start na ng first sem. Nagmamadali akong maglakad papunta sa classroom ko dahil prof ko nanaman si Mrs. Diaz at sa first subject pa talaga. Hay!!! Anak ka ng tao naman oh. Tumakbo na ko nang biglang
“Ouch!!!” >_<
Natumba ako nang may bumungga sa akin. Nagtalsikan naman ang mga libro ko sa sahing kaya napaupo ako at pinulot ang mga ‘yun.
“Oh… I’m sorry…” He said to me with a very handsome voice. Agad naman akong napatingin sa kanya.
WOOOW!!! Ang gwapo!!! Feeling ko huminto ang buong mundo the moment I saw his Pretty face. dug dug, dug dug, dug dug... Bigla na lang dumagungdong ang puso ko. At ako naman, natulala na lang sa kanya.
Before I knew it, naayos na pala niya yung mga libro ko at inaabot niya ang mga ito sa akin pero wala pa din akong reaksyon. Nakatulala lang ako sa kanya.
"Miss, ito na yung gamit mo oh..."
(O.O)......
"Miss?"
(O.O)......
"Miss ok ka lang?"
(O.O)......
Hanggang sa kinawayan niya na ako ."Miss... ok ka lang ba talaga?"
Napakurap naman ako at bumalik sa katinuan. "Ah... o-oo ok lang ako. Salamat." inabot ko yung mga libro ko at tsaka tumayo. And take note...sabay pa talaga kaming napatayo at ayun... I found my self na nakatitig nanaman sa mukha niyang ubod ng gwapo.
Pero bago ko siya pakawalan, I asked for his name. "Ano pala pangalan mo?" while wearing my ever big brightest smile. ^_^
"Nathan. Nathaniel Constantino." And he smiled.... n-ng konti. Pero ok lang... Ang PPPOOOGGGIII!!!!!
Pagka sabi niya ng pangalan niya, umalis na din siya agad.
KKKKKKRRRRRRRIIIIINNNNNGGGGGGG!!!!
Ay tao ka!!! bell na pala! kelangan ko nang magmadali!
Oh! by the way, ako nga pala si Tiffany Joy Fernandez. Archi student. Gusto ko sanang bigyang buhay ang dream house ng papa ko balang araw kaya ko gumora sa course na 'to. 4th year college na ako at isa lamang akong simpleng mamamayan. Nagsusunog ng kilay kapag may exams, nagka-cram for projects lalo na sa plates ko, hindi ako maganda pero di din naman ako panget no!
Nagkaka-crush, kinikilig pero di naman nasasaktan. Di pa nga kasi ako na-i-inlove. I have no parents... I live with my three uncles... Tito Erick, Tito Marty, and Tito AL. Wala man akong maituturing na isang matinong pamilya, busog naman ako sa pagmamahal ng mga tito ko... yun nadin siguro ang dahilan kaya NBSB ako... Kasi nga, over flowing ang love nila for me.
How do I look??? Well, Lagi lang akong naka Uniform... Blouse na may scarf, slacks, and bakpack. Laging naka pusod ang hair at pulbo lang, ayos na. kapag nasalabas, t-shirt, pants and sneakers. ok... Simple diba??? Siyempre, like any other human beings, meron din akong group of firiends, sina Rupert, Becky, and Jenny. Rupert has been my childhood friend while Becky and Jenny has been my college friends. Well this basically is my story. ^_^
>>Class Room<<
Dali dali akong pumasok ng room.... whoo... Wala pa ang prof namin. Mabuti na lang... ang strict kasi nun eh. Pag naunahan ka niya sa classroom, kahit sakto lang ang dating mo, late ka na agad. what the heck!!!
Pagkaupo ko sa chair ko, inayus ko na ang gamit ko, pati nadin ang sarili ko. bawal daw kasi hagard sa class niya. ok... siya na mitikolosa. Di naman sinabi na pag archi student ka, maganda ka din dapat. kaya nga nag archi kasi walang artiiii...
Mayamaya lang, dumating na din ang prof namin. pero wait lang, mukhang may kasama siyang lalaki. teka! siya yung POGGII ah!!! My love of my life... welll, nangangarap lang ng gising.
Agad namang nagtilian ang mga classmates kong babae at binabae... hay nako... parang wala silang pinag-iba...
"Ok class, you have a new classmate, He is transfering from Univesity of the North.!" introduce ng prof.
"Go ahead and introduce yourself."
"Hello everyone, my name is Nathaniel Constantino, and I will be your new classmate. I hope that we could all be friends."
"Yes papa nathan!!! Gusto mo pwede din akong maging lover mo!!!!!!!!!" =_= sigaw naman ni Becky. Ang friend kong gay...
"Bernardo!!! stop it!!" sita naman ni ma'am
"Ouch naman ma'am... "
"Ok class, please take care of your new classmate ok?"
"Yes ma'am" we said in chorus.
"Tiffany, will you please stand up?"
"Yes ma'am." Agad naman akong napatayo, hala... may nagawa ba akong mali?
"Nathaniel, you may sit beside her."
Agad namang nagsigawan ang mga classmates namin.
"Whaaaaattt?????"
"OH NNNNNOOOOOOOO!"
"Ma'am naman eh!!!"
=_= makapag react sa panaho. Sorry girls pero lubos akong pinag pala ng Panginoon!!!
Tumabi naman sa akin si my lab... hehehe agad agad? fine, si Nathan.
At naupo na nga si Nathan sa tabi ko... ng walang kahit anong sinasabi? Ni-ha ni-ho waley. Mukang masungit ang isang to ah...
"So let's begin." Umupo na din ako at nag start na ang prof ko sa lesson niya pero ako, nakatingin pa din sa love of my life ko habang nakapalumbaba. hay nako... mauubos ba ang kagwapuhan nitong lalaking to? Kahit parang masungit siya, ayos lang... pogi naman eh...
...Ok. ako na obvious... I just can't help it.
Napatingin naman siya sa akin na parang naiirita ata. ako naman ngumiti lang sa kanya.
Pero inisnab lang ang fes ko! Napanguso naman ako sa reaksyon niya...
"MS. FERNANDEZ!!!!!!!"
Napatayo naman ako bigla nang tawagin ng prof ang pangalan ko. "Yes ma'am!"
"Mag focus ka nga sa klase ko, kanina ka pa titig na titig kay Mr. Constantino ah."
"Wow naman! Si tibo!!!! Girl na ngayo!!!"
Hanep naman talaga oh. Sinong tibo? Ako??? Never!!! Humanda ka sakin mamaya kang Rupert Reyes ka!!!
Napatingin naman ako kay Nathan na nakatingin pa din sa prof... Kasi naman tong lalaking to eh!!! Nakakamagnet ang mukha!!!! Ah!!! Stop it! Focus Tiffa! Focus!
>>Dismissal<<
[Nathaniel's POV]
>>School Lobby<<
Hay salamat... Tapos na din sa wakas ang klase namin. Feeling ko kasi matutunaw na ko dun sa Tiffany nayun eh... Hay... May time na ko para hanapin si Dianne.
By the way she is my ex-girlfriend. At siya ang rason kung bakit ako nag transfer sa school na 'to.
We broke up kasi nahihirapan daw siya na tinatago ang relasyon namin. Mediyo wild kasi ang fans club ko kaya natakot ako para sa kanya. Ewan ko ba. kung sino nagtatag niyan. Ang hirap tuloy ng buhay ko ngayon.
Isa pa, magkalayo ang school namin ni Dianne, pati na din ang mga bahay namin. Kaya hindi nagwo-work-out ang relationship namin.
Dancer nga pala siya dito sa university na to... Makapag libot libot nga dito. baka mahanap ko din kung nasaan siya.
Pagka labas ko ng room, napagkaguluhan naman agad ako. As usual... Sanay na ko sa ganyan, dumirediretso lang ako ng lakad at naglibot ng school para hanapin si Mahal.

BINABASA MO ANG
Assuming Frog
Fiksi RemajaMy fault, not yours... I don't blame you for the hurt I am feeling right now... It was just all because... . . . . . . . . . . . . . I am ASSUMING FROG.