>>Dance Studio<<
[Dianne's POV]
Totoo kaya ang sinabi niya? Magta-transfer talaga siya dito sa School namin?
"UUyyy!!! Balita ko dito na daw mag-aaral ang ultimate crush ng baya!!!"
"Ha? Sino? Si Nathan ba yan?"
"Yup!!! Oh girl! kung ganun, everyday na kong gogora sa school makita ko lang siya!!!"
Ok, so hanggang dito, pagkakaguluhan padin siya??? =_=
Well, I can't blame him kung sikat talaga siya eh... Handsome, good snger, smart, at higit sa lahat, vocalist siya ng sikat na band na tumutugtog sa The North, ang tambayan na mga college students dito sa North. pati mga taga malalayong schools, nakiki-join dun.
Nasa dance room ako para magrehears ng sayaw namin for the ballet competition nang biglang dumating si Tiffany, my competitor sa dance club na to. Simula na lang nung pumasok siya sa club na 'to, wala pa siyang one year eh napunta na sa kanya ang attention ng mga tao. Samantalang ako, it took me more than a year just to join a special no. dito sa school, and siya, competition agad? Ang bitter ko ba? Ewan, basta, I am always irritated by her prescence.
"Hey Tiffany! Balita ko classmate mo daw si Nathaniel Constantino ah... Is that true?" Tanong nung isa.
"Yup. Teka lang, pano niyo naman siya nakilala?"
"Haller!!! Sikat na sikat kaya yun sa kahit saang University dito sa North."
"Talaga??? Sikat pala talaga siya? Ah... ok. Sige, bihis lang ako."
I played the music and started doing my barre warm-up.
After a while, sumabay na 'rin sa akin si Tiffany. Feeling niya siguro close kami. Hay....
"Oh MMMMYYYYYYYYY!!!!!!!"
"Ang pogi naman niya sa malapitan!!!"
Arrgg!!!! Paano ko naman maririnig ang music niyan?
Napalingon ako sa mga tumili and nanlaki talaga ang mga mata ko sa nakita ko. Si Nathan yun.
Alam kong nakatingin din siya sa akin, umiling naman ako. Baka kasi pag nalaman ng mga fans niya na ex niya ko, dumugin nila ako. mawalan pa ko ng career sa pagsasayaw.
Muka namang nagets niya yung senyas ko kaya ibinaling niya ang tingin niya sa ibang tao... Kay TIFFANY???
"Pwede ko bang makausap si Tiffany?" tanong niya sa mga girl dancers that surrounds him.
Mukha namang na-shock ang mga girls... pati narin ako. whta's with them? Yah right, classmates sila, but I know him. He does not talk to other people if its not so important.
"TIFFA!!!! You have a visitor!"
At agad namang lumapit sa kaniya si Tiffany. Halatang excited. If I know, gumagawa lang ng butas si Nathan para di kami matrap. mahirap nang malaman ng iba yung tungkol samin no.
************************
[Nathaniel's POV]
Wooh... Malaki din tong university na to... Idagdag mo pa yung mga babaeng maya't mayang pumapalibot sa akin. Nahirapan tuloy akong hanapin si Dianne. Mabuti na lang nakita ko itong dance studio. Dancer siya di ba? Ok!!!
Sinilip ko yung dance studio at nandun nga siya!!! Ang ganda niya talaga... kahit nakapang rehearsal lang siya. Makausap nga. usto ko na talagang magkaayos na kami. Miss ko na talaga siya eh...
"Oh MMMMYYYYYYYYY!!!!!!!"
"Ang pogi naman niya sa malapitan!!!"
Anak ng tokwa naman tong mga to oh!!! Kahit onting privacy, di kayang ibigay? Wala na ba talaga akong pag-asa na magkaroon nun?????? >.<
Pinalibutan naman nila ako agad. NAKOOOOO PO!!! Sumilip ulit ako sa loob ng dance room at nakita kong tumingin siya sa akin! ngumiti ako pero umiling siya sa akin. nagets ko naman ang ibig sabihin nun. Kabisado ko na yun. Lagi namn kaming ganito eh. Napatingin ako sa kabilang dako ng dance studio at nakita ko naman si Tiffany. No choice na ko. Wala naman siguro silang masasabi sa amin kasi kaklase ko siya.
"Pwede ko bang makausap si Tiffany?" tanong ko sa mga babaeng dancers na nakapalibot sa akin.
Mukha naman silang na-shock. at bakit? May nasabi ba akong mali?
"TIFFA!!!! You have a visitor!" Sigaw nung isang dancer na nasa loob.
Tumakbo papalapit sa akin si Tiffany na mukhang excited. Parang kumikinang ang mga mata niya at nakangiti sa akin. Hay nako... Ano ba kasi tong ginagawa ko?
"Oh Nathaniel! Anong kelangan mo sa akin?" Tanonga niya sa akin.
Ano nga ba??? Ano nang sasabihin ko? Pagka naman talaga oh.
"Ah... Eh... Pwede ka bang makausap?"
Nako Nathan!!! Ano bang pinagsasabi mo???
"Urgent ba yan? May rehearsal pa kasi ako eh... Pero kung ok lang na hintayin mo ako..."
"Sige lang. Take your time... Mamaya pa naman ako aalis." Sagot ko sa kanya.
"Sige. kung gusto mo, pasok ka na lang muna. hubarin mo na lang yang sapatos mo."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ayos to. May reason na ko para makita ng mas matagal pa ang Mahal ko.
"So pwede akong manood sa loob?" Tanong ko sa kanya. Lalo siyang napangiti sa tanong ko and said "OO NAMAN!!!" ^-^
Ok... Pinaupo niya ko sa loob ng dance studio. Habang pinapanood ko silang dalawa ni mahal, nanonood naman sa akin ang iba pang dancers. Teka nga... Si Mahal at si Tiffany Lang ba ang dancer dito? =_='
Bahala nga sila... Manonood nalang ako.
Nagsimula nang magsayaw si Mahal. Wow!!! Yan ang lagi kong reaksyon pag sumasayaw siya. Balita ko representative siya ng school for classical ballet competition eh. Ang ganda niya talaga sumayaw. Lalo akong naiinlove. Habang sumasayaw si mahal, napansin ko naman si Tiffany na parang may sariling mundo sa gilid. may nakasapak na earphones sa tenga niya at kung ano ano ang ginagawa dun sa isang tabi. Ang wierd niya talaga...
Pagkatapos ni mahal, si Tiffany naman ang sumayaw. Nagpatugtog siya ng tagalog song entitled 'Huwag Ka Nang Umiyak.' KZ Tandingan version.
Nang tumugtog yung music, untiuting gumagalaw ang katawan niya.
Wag ka nang umiyak, sa mundong pabago-bago
pag-ibig ko ay totoo
ako ang iyong bangka, kung magalit man
ang alon, ng panahon, sabay tayong aahon
Interpretative ang genre na ginawa niya. Yan pala ang pinagkakaabalahan niya dun sa isang sulok. Kung titignan mo siya, parang walang ibang tao sa paligid niya. para siyang magandang diwata na naglalaro sa gubat, walang kaalam alam na madaming nakatanaw sa kanya. Pero siyempre, mas maganda pa din ang mahal ko.
Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin
Di kita bibitawan
Bawat galaw ang gawin niya, mula sa body movements down to her facial expression, mararamdaman mo ang puso niya habang sumasayaw siya. I have never seen anything like this before. Napaka graceful ng pagkakasayaw niya... and so emotional.
…di kita pababayaan
Kapit ka, kumapit ka
Napansin ko na tapos na pala siyang sumayaw nang magpalakpakan ang mga co-dancers niya. So hindi na pala sila nakatingin sa akin...
Di ko naman sila masisisi. Kahit ako kinilabutan sa sayaw niya eh... napanganga pa nga ako dun. If I were to describe her while dancing... Para siyang isng...
Diyosa... And her dance was... That was...
...EXTRAVAGANT!!!
BINABASA MO ANG
Assuming Frog
Novela JuvenilMy fault, not yours... I don't blame you for the hurt I am feeling right now... It was just all because... . . . . . . . . . . . . . I am ASSUMING FROG.