Kabanata 24

275 10 1
                                    

"San ba tayo pupunta kasi?" Namamaos ang boses ni Marky at nakapikit habang hawak-hawak ako sa kamay.


"Saang hospital tayo pupunta?" Kalmadong tanong ni Nathan.


"Sa malapit na hospital. Pwedeng lakarin yun." Sagot ko at patuloy sa paglalakad. Napalingon ako kina Denzel at Ivie na ngayon ay parang zombie na nakakapit kay Nathan.


Naguilty tuloy ako.

Dahil sa taranta ko ay ginising ko sila para samahan ako. Nakapagat ako sa labi—naalala ko yung boses ni mama kanina. Binilisan naming maglakad kahit na nahihirapan kami ni Nathan dahil sa tatlong nakapikit pa din dahil sa antok.


Pagkatapos ng kalahating oras ay nakarating kami sa hospital. Magtatanong pa sana ako ng salubungin kami ni mama na mugto na ang mata at may dugo ang damit.


"Gabbi." Nanginginig siyang yumakap sa akin at nagsimulang humagulgol ulit.


Niyakap ko siya pabalik—napatingin ako kina Nathan na ngayon ay nakatingin sa aming mag-ina. Itinuro ni Nathan sa akin yung mga upuan sa gilid, tumango ako. Hinila niya yung tatlo papunta doon at umiling siya ng natulog pa rin ang mga ito.



"K-kritikal ang kapatid mo Gab." Sambit niya habang humagulgol pa din. "Nabangga sila ng Truck! Napuruhan ang kapatid mo! Ang kapatid mo Gab! Hindi ko makakaya pag nawala siya!" Niyakap ko lang siya ng mahigpit. Napakagat ako sa labi ko—si Cheska ang tinutukoy ni Mama.


Inalalayan ko siyang umupo habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Nasasaktan ako na makita siyang ganto. Ayoko siyang nahihirapan at hindi ko maiwasang masaktan sa nagiging reaksyon ni Mama.


Tanga ka ba Gab? Anak niya yon! Tunay na anak! Natural mag-aalala ang tunay na Ina!


"Ano po bang nangyari?" Tanong ko habang yakap-yakap pa din siya.



"Umuulan ng malakas kanina ng umalis si Sean sa bahay nila Cheska, sinundan siya ni Cheska. Lasing si Sean ng mga oras na yun—" Huminto siya sa pagsasalita at niyakap ako ng mahigpit sa bewang. "Ng nakalipas ang isang oras nagdesisyon akong hanapin sila at nakita ko kung paano sila nabangga! Kitang-kita ko kung paano sila tumilapon!" Patuloy lamang siya sa pag-iyak at patuloy lang ako sa paghaplos sa likod niya.


Naninikip ang aking dibdib—sana ayos lang sila. Hinalikan ko si Mama sa ulo. Hinanap ko ang Mommy ni Sean at ang mga Lim nasa labas sila ng ER. Umiiyak si Tita at ang mga Lim naman ay pilit pa ring kumakalma kahit na nakikita kong gusto na nilang magwala dahil sa pag-aalala.



She's lucky—maswerte talaga si Cheska.

I sighed at tinignan si Mama. Nakatulog na siya, lumapit sa akin si Nathan at umupo sa tabi ko. Tinignan ko yung tatlo na mahimbing ang tulog sa upuan.



"Napagod na siya sa kakaiyak." Hinaplos niya ang buhok ni Mama. "Mother's love ..." Bulong ko at inihilig ko yung ulo ko sa balikat niya. "K-ung ako ba yung maaksidente—ganto din kaya siya? O kay cheska lang." Napangiwi ako at huminga ng malalim.



"Ofcourse!  Anak ka din ni Tita. Ikaw talaga hwag mo na ngang isipin yan."


Pumikit na lamang ako.

Hindi naman nagtagal ay inilabas na sila Sean at Cheska sa ER pero si Cheska ay sa ICU ipinunta dahil kritikal nga raw ang lagay niya.

Nagising si Mama at umiyak na naman. Iniwan niya ako at pumunta sa anak niya kahit na comatose pa ito. Si Sean naman ay nasa Private room na—pinuntahan ko siya don at nadatnan si Tita na hinahalikan ang pisngi ng anak niya.



"Tita...." Pumasok ako at tumayo sa tabi ni Sean. Wala pa siyang malay at may benda siya sa ulo—maging sa braso.


May pasa sa pisngi at may malaking hiwa sa gilid ng mukha—nakatakip yun pero mahahalata mo kung gaano ito kalaki.


"Sabi ng Doctor anytime ay gigising na siya." Hinawakan ni Tita yung kamay ng anak niya. "Thanks God dahil buhay pa siya pero sana ay maging maayos lahat kay Cheska."


Cheska again—



Stop it Gabbi! Kritikal siya!


"Ipagdasal na lang po natin sila."


"Nalaman ko na yung tungkol sa inyo na kapatid mo si Cheska. Kumusta ang Mama mo hija?" Sumulyap siya sa akin at agad akong nag-iwas ng tingin.



"H-indi po kami magkapatid—andun po siya sa a-nak niya."



"Magkapatid pa din kayo at si Novie ang mama niyo."


Nanatili akong nakayuko. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko e.







LUMIPAS ang tatlong araw ay hindi pa din nagigising si Cheska at sa tatlong araw na yon ay hindi ako kinausap ni Mama. Pinupuntahan ko siya, dinadalhan ng pagkain pero hindi ako nag-eexist e. Lagi siyang nakabantay sa anak niya.




Okay! Naiintindihan ko—Oo. Haaaaaay~

Pumasok ako sa Room ni Sean. Gising na siya nung kinaumagahan nung gabing naaksidente sila.


"Hi Sean!" Masayang bati ko sa kanya. Kumakain siya ng Green Apple at mag-isa lang siya. "Kumusta pakiramdam mo Sean?" Inilapag ko sa lamesa yung mga dala kong prutas.



Patuloy lang siya sa pagkain at hindi ako pinapansin tulad ng ginawa niya ng puntahan ko siya ng nagising siya.


"Nagka-amnesia ka ba?" Natatawa kong tanong. Tinignan niya ako at kumain na naman ng Apple.


Napayuko ako. Sa lahat ng bumisita sa kanya, ako lang ang hindi niya pinapansin. Pinunasan ko yung mata ko at ngumiti.. "Gusto mo pa ba ng prutas?" Masiglang tanong ko sa kanya. Iniabot ko sa kanya yung binalatan kong Orange.


Pero hinawi niya ang kamay ko kumain ng ubas na nasa tabi niya.


"Ahh. Ayaw mo to—"


"Get out."


Natigilan ako sa sinabi niya—pinapaalis niya ako?


"Pero—"


"Get out." Masama siyang tumingin sa akin. "Umalis ka na!" Napatalon ako sa biglaang pagsigaw niya.

Agad na nag-init yung sulok ng mga mata ko. Tumango ako at nagmadaling naglakad papunta sa may pinto.


"Hwag na hwag mo na akong bibisitahin."


Hawak ko ng ang doorknob ng sabihin niya yun. Haharap pa sana ako ng—



"Umalis ka na! Ngayon na!" Sigaw niyang muli kaya agad akong lumabas at agad na napasandal sa dingding.


Tumulo ang mga luha ko at nagulat ako biglang yumakap sa akin. Ng malanghap ko ang pabango niya ay niyakap ko siya pabalik.



"Clint...."





From Beast Turns to Beauty (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon