HELLO BABY (Short Story)
[THIS IS A FILIPINO SHORT STORY]
Author's Note:
Hope you'll enjoy my one shot story. Dedicated to the Nu'est leader and charismatic Jr ^^
At sorry sa pangit na book cover hehe..
Ciao~
....................................
At Seoul, 9: 15 pm
"Asan si JR?" tanong ni Baekho na namumula sa sobrang pagkalasing
"Ewan, bigla nalang umalis eh, hindi ko namalayan.." sabi ni Aron na sinubukang tumayo pero natutumba tumba
"Sakit ng ulo ko!!! Asan ba si manager? Bat ba nya tayo inwan?"tanong ni Minhyun sabay dukdok.
"Nanigarilyo ata kaso 'di na bumalik. Ayan tuloy naparami na inom natin.. Tara na at umuwi.." yaya ni Baekho. Nagtanguan lang silang tatlo, halatang lasing na lasing. Binuhat ni Baekho si Ren na naunang natumba sa sobrang pagkakalasing. Ang totoo kasi, plano nilang pagtripan si Ren kaya nilasing nila ng nilasing. Nang matumba na si Ren hindi naman nila napigilan na hindi uminom kaya hindi nila natansya. Pare- parehas silang wala sa sarili nang tumayo si JR at umalis..
"Tara na Minhyun tumayo ka na dyan.." sabi ni Aron na natutumba parin. Nagtungo silang apat sa van at doon natagpuan nila ang Manager nila na natutulog. Ngunit napansin nila na wala si JR kaya wala silang ginawa kundi tingnan ang bawat isa...
JR'S POV
Ewan ko ba at naisipan kong umalis. Masyado na kasi akong lasing kaya hindi ko na alam kung ano ginagawa ko. Siguro gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin. Naglalakad lang ako ngayon na wari'y hindi alam kung saan talaga tutungo.
"Tingnan mo, diba si JR yon!! Si JR nga ng NU'EST!!! JR!!!!!" sigaw ng babae sakin sa di kalayuan
Napatakbo naman ako at nataranta sa kanya. Ramdam ko na sinusundan nya ako, hindi... hindi lang isa, mga limang tao yung sumusunod sakin. Binilisan ko ang pagtakbo at nagtago malapit sa mga basurahan. Hindi nila ako napansin kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. Bat ba kasi tumakbo pa ako? Umiikot tuloy yung paningin ko.. Dapat kasi 'di na kami naglasing. Plano kasi naming magcelebrate para sa successful comeback namin, nakakuha kami ng maraming projects at puro positive yung natatanggap naming comments.. Kaso nga lang hindi namin nacontrol ang pag- inom kaya ayun, pareparehas kaming lasing. Isinara ko nalang ang mata ko at natulog kahit mabaho ang paligid..
KINABUKASAN~
"Uhwa... Uhwaaah!!!"
Nagulat ako sa narinig ko, agad kong inimulat ang mga mata ko at tumambad sakin ang isang mukha ng bata.. Teka, bakit nandito to?!!!
"Shit! Paano napunta 'tong batang 'to dito?" napasigaw ako at luminga linga sa paligid. Masyado na ata akong nalasing kagabi at hanggang ngayon nakakakita parin ako ng ilusyon. Pumikit ako at nang imulat ko ulit ang mata ko, nanatiling nasa harapan ko yung bata. Pero bakit nga may bata dito? Ano bang nangyari kagabi? Hindi ko maalala!!! Pero teka, ano bang kinatatakot ko? Kagabi lang ako nalasing at wala naman akong maalalang kahalikan ah.. Siguradong hindi akin yan!! Kaya bang manganak ng babae ng isang gabi lang? Nahihibang na ba ako?! Pero bat ganon, kahawig ko sya!! Para nga kaming pinagbiyak kasi kamukhang kamukha ko sya, pero syempre mas gwapo ako *wink*
BINABASA MO ANG
Hello Baby! (NU'EST short story) ✔
FanfictionPaano ka magkakababy sa loob ng isang araw? Jr style na 'yan! xx puro kalokohan lang po ang story na 'to xx