2nd Chapter: Devil

53 3 2
                                    

x: multimedia - Eileen Jang and Chaelin Jeya Mendez

-

Jeya's POV

Finally! Nakarating na din ako dito sa SM.

Sa National Bookstore muna ako dumiretso dahil andun daw si Eileen at tumitingin na muna ng mga libro dahil nainip na daw siya kakahintay sa starbucks. Kanina pa pala andito ang gaga.

"Aish! Asan na ba yun?!" Inip na tanong ko. Hindi ko siya mahanap dito sa NBS eh! Saang lupalop naman kaya napadpad yun?

"Boo!"

=________=

Napatingin ako sa likod ko at bumungad sakin si Eileen na ginulat ako.

"Nagulat ako." Sarkastikong sabi ko sakanya. Badtrip na nga ako nang-gugulat pa!

"Hahaha! Samahan mo na ako magbayad sa cashier! Ikaw na magbayad!"

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Napaka dakilang gaga talaga neto! Ako pa magbabayad? Sinuswerte siya ha. Hindi na ako natutuwa, promise.

"Anong ako?! Hindi naman ako ang pumili ng mga yan eh!" Singhal ko sakanya. Siya naman talaga dapat ang magbayad nang mga yan eh. Hays.

"Dali na Je! Papahiramin kita ng mga 'to!"

"Hindi ako interesado sa mga ganyan." Ano namang gagawin ko sa mga librong yan? Babasahin? Para saan pa? Lol.

"Diba sabi mo ililibre mo ako? Dali na! Tatlong libro lang naman 'to eh! Etong dalawa, 195 lang tas etong isa 250 bale mga 500+ lang. Dali na kasi!"

"Oo na! Peste naman oh! Wag ka nang sumigaw!" Napasigaw narin tuloy ako. Haha.

"Thanks Je!" Pasasalamat niya at akmang yayakapin na sana ako pero pinigilan ko. Yuck! Nakakahiya kaya! Tsaka parang libro lang eh. Masyadong O.A. pwe!

Pumayag nalang pati ako kaysa makipagtalo pa sa isang yan.

-

Andito kami ngayon ni Eileen sa gerry's grill. Pero banana split at mango juice lang ang inorder ko. Hindi naman ako masyadong mahilig sa mga pagkain dito eh. Hindi pati ako nagugutom masyado.

Nga pala, nagshopping kami ni Eileen pagkalabas namin sa NBS. Jusko! Kung anu-ano pinapabili sakin! Kung hindi ko lang siya pinigilan at tinitigan ng masama, hindi pa yan titigil -_____-

Pagkatapos namin magshopping kanina at bago narin makapunta dito sa gerry's grill-- dumiretso muna kami sa starbucks dahil umupo lang daw siya dun kanina habang hinihintay ako. Haha. Oh diba? Edi nasobrahan na ako sa malamig.

Pero okay narin yun nang malamigan naman ang ulo ko. Tch.

"Jeya." Tawag sakin ni Eileen kaya lumingon ako sakanya.

"Oh?"

"Bakit parang bad trip na badtrip ka?" Tss. Sabi na nga ba eh. Magtatanong yan.

"Nag taxi lang ako papunta dito."

"So yun na yung ikinagagalit mo? Buti nga nakata-"

=_______=

"Pwede bang patapusin mo muna ako?"

"Sorry naman. Ano ba kasi talagang nangyari? May pa thrill thrill ka pang nalalaman."

Tinitigan ko naman siya ng masama. Pa thrill thrill? Asan dun?! Gaga talaga tong isang 'to! Sadyang hindi lang siya marunong magpatapos!

"Dapat kase, nakasakay ako sa kotse ngayon. Dahil unang una sa lahat, ako naman ang naunang kumuha ng susi at ako ang naunang lumabas. Kaso may umepal."

Behind The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon