Napairap ako ng marinig ko ulit ang tawanan na nagmumula sa kabilang mesa kung saan nakaupo si Tia at ang barkada niya. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila dahil panay sulyap ni Tia sa akin. Sa tuwing magtatama ang aming mga mata ay itinataas ko sa kanya ang makapal kong kilay dahilan kung bakit napapasimangot siya.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ng pananghalian at di na lang pinansin ang kababawan nila. I have no time for the likes of them. They are bunches of losers na wala namang alam sa klase. Ang mga tulad nila ay walang karapatang mangutya ng iba. Pero sadyang baliktad talaga ang mundo. Kung sino pa yung may mababaw na pag-iisip siya ang pa ang may lakas ng loob na maghari-harian. What a fool.
Malapit ko nang maubos ang kinakain ko ng may umupo sa harapan ko. Agad nagtama ang aming mga mata. Binigyan niya ako ng nakakabighani niyang ngiti-not like nabibighani ako. Ganon kasi ang tingin ng iba sa ngiti niya. Irap ang naging tugon ko sa kanya. I know I'm such a bitch-a bitchy nerd for treating him this way but I can't help it. All my life, I've known him as my rival and nothing but a rival. And you're not supposed to be nice in front of your rival.
"Puede bang umupo rito?", nakangiti niyang tanong sa akin.
Umirap ako. "Ano pa ba ang magagawa ko nakaupo ka na?", pabalang na sagot ko sa kanya. Total malapit na rin naman akong matapos kaya walang dahilan para lumipat ako ng mesa. And besides, I'm the one who sat here first. Kung sino man ang karapatdapat umalis sa mesang ito, hindi ako yun.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at minadali ang bawat pagnguya ko. Nabitin sa ere ang kutsarang hawak ko ng maramdaman ko ang mga titig niya. Padabog kong binitiwan ang kutsara na syang gumawa ng ingay kaya napalingon ang iilang mga studyante sa mesa namin. "What?!", I snapped.
A sheepish smile formed from his lips. He shook his head and looked away. I saw how his ears turned red. Nakunot ang noo ko. Was he...
"Trivy!"
Kapwa kami napalingon sa mesa nila Tia nang may tumawag sa kanya. I scoffed when I saw Tia waving her hands. "Dito ka. Huwag ka diyan. Baka mahawaan ka sa kapangitan niyan.", she said. Tumawa lahat ng taong nakarinig nun. Tumawa lahat ng mga tao sa loob ng canteen.
Maliban sa akin at ni Trivy.
I bit my lower lip to suppress my anger. She really wants to be humiliated, huh. Nakita ko ang pag-awang ng labi ni Trivy pero bago pa ang lumabas na salita sa bibig niya ay inunahan ko na siya. Padabog akong tumayo mula sa upuan. Sa biglaan pagtayo ko kaya natumba ang upuan at gumawa iyon ng ingay na nakapagpatahimik sa lahat.
Well, this is great. Maririnig nila lahat ng sasabihin ko.
Nilibot ko muna ang aking paningin sa buong canteen. Lahat sila nakatingin sa akin-maski ang janitor at mga tinder. Alam kong nag-aabang sila sa susunod kong gagawin at iyon ang gusto ko. Nagsimula akong humakbang. Sa bawat hakbang ko gumagawa ng ingay ang suot kong school shoes na tumatama sa sahig. I stopped right in front of Tia na ngayon ay natingala sa akin-waiting my next move. Her next humiliation.
Inayos ko muna ang suot kong salamin bago pinagkrus ang braso sa aking dibdib. I stared at her with no emotions in my eyes. Ramdam ko ang bawat matang nakatingin sa akin. I smirked. Unti-unti akong yumuko para makapantay ang nakaupong si Tia. My face levels Tia's. I saw how her eyes glistened with...fear? Oooh. She's scared? Really?
"Tia.."
She gulped and tried to look away but the intensity of my eyes didn't let her.
"Tia... Tia... Tia...", I said then I laughed. My laughter echoed inside the canteen. Feeling ko isa akong witch ngayon na nagpa-plano ng evil scheme para sa isang prinsesa. Yun nga lang kabaliktaran ang nangyayari ngayon. I'm no witch... and a princess either. Pero alam ko kung sino ang witch sa aming dalawa.
Umayos ako sa pagtayo saka tiningnan si Tia mula ulo hanggang paa. Isang nang-uuyam na ngiti ang kumawala sa labi ko. "Ang lakas ng loob mong ipahiya ako sa harap ng maraming tao. Bakit? Sino ka ba? Ikaw lang naman si Tia na walang ibang alam gawin kundi ang mangopya sa katabi at makipaglandian..", then my eyes went to the guy who sat in front of me awhile ago. Yumuko si Trivy at nagkamot ng ulo. Psh. "At anong sinabi mo? Huwag umupo si Trivy sa mesa ko dahil baka mahawaan siya ng kapangitan ko? Are you kidding?", then I fake a laugh. "Sa inyong dalawa ikaw ang karapatdapat umupo sa harap ko. Para naman mahawaan ka sa katalinuhan ko. Bobo!", kalmadong sabi ko pero angat parin ang pang-uuyam at pang-iinsulto sa boses ko.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong canteen. Walang nag-attempt na magsalita ni isa. Napangisi ako. Na kay Tia parin ang mga mata ko. Kitang-kita ko kung paano namula ang mukha niya. Marahil sa galit o sa pagkapahiya. Wala akong pakielam.
"You-"
Hindi ko na alam kung ano ang sunod na sinabi ni Tia dahil bigla na lang may kamay na humablot sa braso ko at kinaladkad ako palabas ng canteen.
Sa amoy pa lang niya at sa kakaiba kong nararamdaman... alam ko na kung sino.
**
Finally! Nakapag-update rin. Hehe.
BINABASA MO ANG
Mr. Nice Guy's Obsession
Художественная прозаWhen the Mr. Nice Guy is obsessed. My first ever story on wattpad.