Chapter 30:Brotherhood

3.6K 49 0
                                    

[AMIA'S POV]

Nakatulugan ni Amia ang pag-iyak sa nagdaang gabi. Mababaw lamang ang tulog niya ngunit pakiramdam niya ay mas nagkaroon siya ng peace of mind matapos niyang masabi kay Hiro ang saloobin niya. Naniniwala kasi siya na ang taong puno ng galit ang dibdib ay hindi kailan man makakapagbukas ng pinto sa pagpapatawad.

"Magandang umaga, munting prinsipe," bati niya sa anak niya. Ngumit ito at nagpapadyak na nila ba masayang masaya. Binreastfeed niya muna ito bago bumaba sa kusina.

"Magandang umaga sa inyong mag-ina," bati sa kanya ng mga katulong doon. Tinanguan at nginitian niya ito ng matamis. Umupos siya sa lamesa.

"Manang, nasaan po sila? Kumain na po ba sila? Eh, kayo po?"


Pinagpatuloy pa rin ng mga ito ang paghahanda ng pagkain. "Maaga silang umalis. Si Ma'am po ay pumuntang Singapore at si Sir Hiro naman po ay hindi rito nag-almusal. Ang alam ko dideretso siya sa opisina."


"H-Hindi po siya nag-almusal? Bakit daw po?" tanong niya.

Nagkibit balikat lamang ang ginang. "Nagmamadali at mukhang malalim ang iniisip kanina."


"Ah, ganoon po ba? May binilin po ba siya?" Inaamin niyang umaasa siyang kahit papaano ay magbibilin ito na kumain siya o kaya naman ay magpahinga siya. Tanga nga siya at aminado rin siya doon. Minsan, kung sino pa ang mga taong tanga, sila ang masasaya dahil ginagawa pa rin nila ang mga bagay na hindi gagawin ng matalinong tao. Hindi na dapat siya umasang intindihin siya nito dahil sa kanya nanggaling ang paghingi ng "space".

"Wala naman. Basta tumawag lang daw sa kanya kung may problema."

Tumango na lamang siya. Habang kumakain sila ay laman pa rin ng isip niya si Hiro. Sabi nga ng kanta, 'the heart wants what it wants'. Iyong tipong kahit anong pigil mo sa puso mong mahalin siya,  pero hindi mo magawa. Para ka lang naglalampaso ng sahig habang pari't parito ang lakad ng mga tao. Sayang effort.

Buong araw na pinagkaabalahan ni Amia ang kanyang cute na baby na sa bawat araw na dumadaan ay mas lumalabas ang kakisigan nito. Nakikita niya si Hiro sa anak niya. "Anak, gusto kong ibigay sa'yo ang isang buong pamilya pero tadhana na lamang ang makapagsasabi. Naguguluhan din ako sa Daddy mo. Imbes na mainis ako dahil binibigyan niya ako ng dahilan para umasang babalikan niya ako, natutuwa pa ako kahit nasasaktan na ako." Napabuntong hininga siya.



[HIRO'S POV]


"Doc, are you okay?"


Nakakunot ang noo ni Hiro habang tambak ang mga papeles sa harapan niya. Tila siya natatabunan ng trabaho pero puro si Amia nalang ang iniisip niya.


"Hey, Doc. Are you listening?"



"Ah, yes...yes..So what now, Mr. Agas?" sabi niya. He was also in a deep matter with one of his best opthalmolosgists in their Hospital.


MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon