Jeya's POV"Totoo naman eh. Unang kita palang ay halata nang demonyita ka na, dear devil."
PINAGSASABI NG KUMAG NA YAN? EH NGAYON NGA LANG NIYA AKO NAKILALA EH! PESTEEEEE!
"Pinagsasabi mo? Tss." Yan nalang ang nasabi ko at pumasok na sa loob ng bahay. Ayaw kong makipagtalo sa may mali sa utak.
Dumeretso na agad ako sa taas at pumasok na sa kwarto ko. Balik nanaman ulit sa dating gawi. Nagbihis muna ako at humiga na sa kama.
Lagi naman akong ganto pag andito sa bahay e. Hahaha. Nakakarelax kaya.
Nakatunganga lang ako at nakatitig sa kisame hanggang sa nakarinig ako ng katok.
*tok tok tok*
=________=
Kilala ko na kung sino yan. Siya lang naman yung laging kumakatok sa kwarto ko eh.
"BUKAS!"
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya malamang, nakapasok na siya.
"Problema mo?" Bungad ko sakanya.
"Jeya, yung sa sinabi ni Tristan kanina--"
"Anong meron dun?"
"Pagpasensiyahan mo na nalang. Ako nalang ang magso-sorry para sakanya."
Napairap nalang ako sa sinabi niya. Para namang dinamdam ko yung sinabi ni boyfriend niya? Sus.
"How sweet of you naman! Nagso-sorry para sa boyfriend niya! Ge. Labas na." Sabi ko sakanya at napansin ko ang pagtungo niya. Ano nanaman kayang drama niyan?
Ilang saglit lang ay nginitian niya ako at lumabas na sa kwarto ko. May pa sorry sorry pa kasing nalalaman. Malamang nagustuhan niya yung sinabi ng boyfriend niya kanina.
Psh. Bakit ko pa ba dapat isipin yun?
Kinuha ko ang phone ko at nagopen ng facebook. Buti pa dito may friends eh. Haha. Wala akong literal na kaibigan dito. What I mean is...yung friend talaga na pang facebook. Minsan kasi maraming naglilike ng mga picture ko at minsan naman may nangaaway sakin sa mga status ko. Kaya...nevermind. Minsan nalang ako magpost dito.
Tinignan ko ang friend requests ko. Minsan hindi ko ina-accept yung ibang nagrerequest. Pag nakita kong nakasexy lips ang profile pic mo-- boom! Ignore agad. HAHAHA.
Umagaw sa pansin ko ang friend request na natanggap ko na nakalagay sa pinaka taas.
Tristan Ocampo
Tristan Ocampo? Teka... mukhang pamilyar...
Tristan. Tristan. Tristan.
*ting!*
DIBA SIYA YUNG BOYFRIEND NI JIA? WTF? BAKIT AMBILIS NAMAN ATA AKO MA-ADD NITO? EDI KAKALABAS NIYA LANG KANINA DITO SA BAHAY?
I checked his profile and--
O____O
Potek! Ampanget ng profile picture niya! Ang labo! Ang jeje! Parang ang layo sa mukha niya...pero Tristan nga diba? Yuck! Ang panget niya!
Baka siguro inakala ko lang na gwapo siya kanina dahil sa wala ako sa tamang pagiisip kanina dahil sa sobrang badtrip ko? Walang connect pero... ang layo talaga ng mukha niya sa profile picture niya.
Pft. In-accept ko parin yung friend request niya at maya-maya lang may nagpop. Facebook message notification yun.
Tristan Ocampo: hai po....!
BINABASA MO ANG
Behind The Devil
Romance“I'm not an Evil, a devil nor a demonic person. You just can't understand me.” Posible kayang mahulog ang demonyitang 'to sa isang lalaki na unang iintindi sa kanya? Kahit na pagma-may ari na ito ng kapatid niya na peste DAW sa buhay niya? Because s...