Chapter 34: Beyond Beautiful

3.7K 57 0
                                    

[HIRO'S POV]

 

Hindi makapag-concentrate si Hiro sa trabaho niya. Ngayon ang photoshoot ni Amia at gusto niya itong puntahan. Para mabakuran niya ito kay Kurt. He had meetings now but those were not that important compared to Amia.

"Yaya, get in the car. May pupuntahan tayo." Sabi niya sa Yaya niya na buhat buhat si Baby Samuel. Sinama niya ito sa opisina dahil name-miss niya ito. Gusto rin niyang maging panatag si Amia habang nagtatrabaho ito. Malaking relief kung alam nitong binabantayan ito ng daddy nito.

Nasa sasakyanna sila. Dahan dahan ang pagmamaneho. Pulido. Nag-iingat siya dahil kasakay niya ang anak niya. Nakarating na sila sa studio. Kinarga niya si Baby Samuel at ang yaya naman nito ay dala dala ang mga gamit nito.

"Good morning, Sir Hiro." Bati sa kanya ng mga staff.

"Morning." Aniya.

"Baby n'yo po?" tanong ng isang staff pa. Cute na cute  ang mga ito sa baby niya.

"Yes." He said proudly.

"Ang cute cute naman po niya, Sir."

"Mana mana lang 'yan." Nagtawanan ang mga ito. "Nasaan nagpo-photoshoot sila Hena?"

"This way, Sir. Samahan ko na po kayo."

"Thanks."

Sumunod lamang siya. Pagkadating doon ay nagpasalamat siya sa staff na ito. Agad siyang sumilip sa nakaawang na pintuan. Mukhang busy ang mga tao. May staff na nakapansin sa kanya kaya kaagad siya nitong pinapasok. May music ang buong room kaya hindi namamalayan kung sino ang labas pasok sa loob.

Agad na nahuli ng paningin niya si Amia.

His jaw dropped as Amia striked a charming pose in front of the camera.

She was stunningly beautiful.

She posed with delicate grace. All the people inside the room were under her natural charm.

Proud na proud siya rito. Who would have thought that she will be this effective like a pro.

"Ang ganda po niya...."

"Hindi na niya kailangan ng make up para maging maganda. Natural na natural..."

Tinignan niya ang mga nagsalita. Hindi niya kailangan magselos dahil mga bakla naman ang nagsalita.

"Uuuuy nanunuod siya. I never thought that you'll be this possessive." Hena gave him a kisson cheeks. "Hi, Alexander the great." Pinanggigilan naman nito ang anak niya.

"She's doing more than fine..."

"I agree. Very genuine. What I love most about her, her willingness to do it. And I am so happy that she's enjoying it."

"I am so proud of her..."

Ngumiti ito. "You should. Pero umayos ka, Hiro. Lalaki na ang mundo ni Amia at sa nakikita ko, sisikat siya sa field na 'to. If you really want her, gumamit ka ng defense strategy. You're on her top list, Hiro. And you are one lucky bastard. All you just need to do is to maintain your spot."

"What is that supposed to mean?"

Ngumisi ito. "I can feel that she loves you....Bye na ha may aasikasuhin pa ako."

"Hena, wait!"

Hindi na niya ito nahabol. Napalakas yata ang boses niya dahil nakuha niya ang atensyon ng mga tao doon. Pati si Amia ay nakatingin sa kanya. Parang na-conscious yata ito.

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon