[AMIA'S POV]
Tahimik silang dalawa habang nasa byahe sila pauwi sa mansyon. Walang may gustong magsalita sa kanila matapos ang tagpo kanina. Miski siya ay naubusan na ng sasabihin. Focused na focused si Hiro sa daan at mabagal ang pagmameho nito. Siya naman ay parang hindi makahinga sa awkwardness sa loob ng sasakyan.Gusto niyang magtanong. Gusto niyang linawin ang mga sinabi nito sa kanya.
Nagseselos daw ito kay Kurt. Pero bakit?
Niyakap siya nito. Bakit?
Ang dami niyang tanong. Mukhang alam niya ang sagot pero baka mali siya. Kapag sumugal siya baka masaktan siya.
Nakauwi na sila lahat sa mansyon ay wala pa ring nagsasalita. Naglakad siya papasok. Hindi na siya nagpaalam kasi nahihiya siya.
"Amia..."
"Huh?" lumingon siya kay Hiro.
"Totoo lahat ng mga sinabi ko kanina. Sige, good night. Magpahinga ka na." Bigla itong ngumiti.
Natulala na naman siya sa kagwapuhan nito. Kinagat niya ang mga labi niya. "S-Salamat. Ikaw din. Good night."
Anong sagot iyon?
Tumakbo siya sa kwarto niya. Agad siyang sumandal sa pintuan. Tinakpan niya ng isang kamay ang bibig niya. At ang isang kamay naman ay sa dibdib niyang parang may nagtatakbuhang kabayo sa lakas ng kabog.
"Hiro, pinapasakit mo namanang dibdib ko, eh...kainis ka naman eh.."
Impit na tumili siya.
[HIRO'S POV]
Napasandal si Hiro sa sasakyan niya. Nakangiti siya. Aaminin niyang kinikilig siya. Gusto niyang matawa sa sarili dahil para siyang teenager na nanliligaw. And it was full of fun! Hindi maailis ang ngiti niya hanggang sa makapasok siya ng kwarto niya.
He dialled his phone. "Hello? Yes...Red roses...I want it tomorrow morning. Sharp. Okay? Bye." Tumawag siya sa ''Honeybees'' ang official na ino-orderan nila ng bulaklak. Naghubad na siya para magshower.
Tumitig siya sa salamin. "Ang gwapo ko talaga." Sabi niya. Tinignan tignan niya ang bawat sulok ng mukha niya. Umikot-ikot para makita ang katawan niya. Wala na siyang time para mag-work out. Thanks God, perfectly toned pa rin ang muscles niya sa katawan. Nandoon pa rin ang abs.
"I will get you, Amia." kumindat pa siya.
He enjoyed his bath while thinking of wonderful things.
Napapangiti siya kapag naalala niya ang simpleng buhay nila ni Amia habang buntis pa ito sa anak nila sa Isabela. Kung papipiliin siya, mas gusto niya ng ganoong buhay. Mas tahimik at mas payapa. Kontento na siya sa ganoon.
FAST FORWARD............
[AMIA'S POV]
Maganda ang gising ni Amia. Nag-iinat siya nang may napansing boquet of roses sa table malapit sa kama niya. Kinuha niya iyon.
Good morning, Beautiful.
Ayun ang nakalagay. Napangiti siya. Tumayo siya at tinignan sa salamin ang sarili. Mukhang okay naman ang ugali niya. Hindi naman masama. Alas-sais palang ng umaga. Pumunta siya kusina. Kumunot ang noo niya sa nakita.
Si Hiro. Naka-apron ito. Kitang kita niya sa likod nito na wala itong suot na pang-itaas maliban sa apron at pajama nito. Napalunok siya. Umagang umaga ay nagkakasala niya. Pakanta kanta pa si Hiro ng hindi niya malamang kanta.
BINABASA MO ANG
MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)
RomanceMarried. Hiroki hates it. Wife. Hiroki hates it more. Children. Never in his wildest dream. Hiroki has his own life. No one can dictate him. No woman can beat him. That's why when an opportunist tried to tie him, he runaway. Fate brought Hirok...