CHAPTER 1 "THE GIRL"

5 0 0
                                    


Class was finished. Lunch break namin, kaya pumunta ako sa canteen para bumili nang makakain ko. Naglalakad ako sa hallway nang may biglang tumabig sa akin.

"Excuse me!" sabi ng isa sa mga kaklase ko, Si Astrid.

Siya 'yong may may malaking ribbon sa ulo at laging nakataas ang isang kilay.

"Sorry." Tumingin ako sa kanya, ngunit pinasaringan niya lang ako.

Napabuntonghininga ako at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Sinubukan kong iwasan ang lahat ng mga kaklase ko para hindi na uli ako mabangga. Astrid flip her hair as she walked out. Napabuntonghininga na lang ulit ako.

"Duh, she's so baduy talaga. Ew," narinig kong bulungan ng ilang estudyante sa canteen.

Hindi naman talaga ako baduy kung tutuosin. I wore a pair of non-branded black shoes. Tapos suot ko ang uniform namin, naka-tuck in ang blouse ko sa hanggang tuhod na skirt.

They say I'm ugly because i don't wear make up. I ranked number 1 in academics for four and a half years now.

"Yeah, you're right. Why is she here anyway?" sabi ng isa pa ba tinataasan ako ng kilay.

Tiningnan ko sila na nakatingin din sa 'kin. Maya-maya pa ay bigla silang nagtawanan. Ugh. Palagi nalang bang ganito?

   Hindi ko nalang sila pinansin saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
May nakita akong babeng nakangiting tumatakbo papunta sa akin.

Napangiti ako nang yakapin niya ako. "Louisiana!"

"So how's your day? May nang-away ba sa 'yo? Sabihin mo at uupakan ko!" Humiwalay siya sa yakap saka nakangiting inakbayan ako.

"Wala naman."

"Okay, Ano? Are you free tonight?" tanong niya habang nakangisi.

"Louisiana, nasa bistro ako mamaya," sabi ko habang malungkot na nakatingin sa kanya.

"Shoot! Oo nga! Ugh! Sayang! Hindi ka na kasi nakakasama sa amin ni Khael!" aniya

"Busy kasi tayong lahat. You're busy with your cheerleading and photography thingy, habang si Khael naman ay busy sa training ng basketball . . . busy ako sa maraming bagay." Ngumiti ako saka tinaas-taas 'yong kilay ko.

Nagbuntonghininga siya, "Oo nga, no? Hayaan mo, pupunta na lang kami sa bistro mamayang gabi. We'll watch you na lang." Kumindat siya saka ako niyakap sa baywang.

"Oo nga! Mas maganda 'yon"

Papunta na kami ng canteen nang may babaeng bumunggo kay Louisiana. Nobody tripped or fell. Nabangga lang sila parehas sa braso.

"Hey! Watch it!" Louisiana hissed. Tiningnan namin 'yong babaemg nakabangga sa kanya na hindi man lang ang sorry. Nagmamdali 'yong babae papunta sa soccer field.

"Ano'ng mayro'n?" tanong ko, pero nagkibit-balikat lang si Louisiana.

Makalipas ang ilang minuto, dumami na ang mga babaeng nagtatakbuhan. "Bakit hindi 'ata tayo na-inform?"

Nagkibit-balikat ako. "Gusto mo, tingnan natin?"

"Wait. I think I know what's happening."

Dahil na rin siguro sa ingay kaya lalong dumarami ang estudyanteng nagtitipon. There wer like fan girls cheering for a boy band or something. Nang marinig ko 'yong mga isinisigaw nila ay napatango na rin ako.

"Ay, alam ko na rin." sabi ko at saka tumingin kay Louisiana.

"Well, I guess gusto na naman nilang magpapawis. Ugh, the perks of being the owners of the school," sabi ni Louisiana, kasaby ang pag irap niya.

Napabuntonghininga ako. I could hear the girls chanting names.

"OMG! I love you, Delta Team!"

"Zandrius Rile! Zandrius Rile!"

"Go, Liam!"

"Anakan mo 'ko, Malcolm!"

"Orion, Marry me!"

"Go, Zandrius!"

Lumapit ako sa kumpulan ng tao at sumilip.

The Delta Team are four powerful young boys- Liam Ezekiel Dela Cruz, Zandrius Rile Anderson, Orion Archer Lee, Malcolm Nixon Ramirez.

"Sila lang pala. Ugh. Tara na, Allyssa," yaya ni Louisiana.

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi kinikilig si Louisiana, o kung bakit hindi kami kasama sa mga nakikigulo, 'yon ay dahil wala naman kaming mapapala sa kanila. Well, guwapo sila, oo, pero hindi naman kailangang pagkaguluhan, 'di ba? Hindi naman kami papasa kapag nakigulo  kami sa kanila. Isa pa ay malapit si Louisiana sa Delta Team kahit si Khael. Siguro ay dahil na rin sa estado ng buhay nila. Mayaman ang dalawa kong kaibigan. Ako lang naman 'yong hindi.

Actually, mabait naman ang Delta Team, but there's an exception.

"Zandrius is really weird. Kahit naglalaro na siya, ang lamig pa rin ng aura niya. Ang lamig ng mga mata niya-even the way he speaks or acts. Damn this guy," sabi ni Louisiana habang nakatingin kay Zandrius.

Who's Zandrius? He's  the exception. I define him as the monster of the group. He is the leader. He's so arrogant, believe me.

Tumingin ako kay Zandrius  at nagulat nang makitang nakatingin din siya sa akin. His blue eyes were cold. He freaked me out kaya umiwas na ako ng tingin. Napakagat ako sa labi ko habang pinapakiramdaman ko ang dibdib ko. It was beating so fast.

"Tara na," yaya ko kay Louisiana. Tumango naman siya saka kami umalis.

"Oy, mga babae ko! Tara, kain tayo kina Aling Mirna!" sigaw ni Khael nang makita namin siyang naglalakad papunta sa direksiyon namin.

"Ugh, bakulaw ka talaga," I heard Louisiana murmur.

Natawa ako at umiling. I had this sudden urge to look back, so I did. In the field, I saw Zandrius again, looking at me coldly.

I was surprised. I fixed my hair and avoided his eyes.

Kissing the NightWhere stories live. Discover now