Pagtapos nilang ilagay ang mga gamit nila sa designated room ay lumabas ng magkasama sina Narda at Regina kung saan ay naghihintay sina Lexi at Elise. Nauna na kasing umalis ang boys kaya sila na lang ang natitira.
"Sabi nila Ben ay mauuna na daw sila sa palengke," pagbibigay impormasyon ni Lexi.
"Kailangan ba talagang magsabi ni Ben ng ganoon? As if naman importante sa atin kung saan sila pupunta," sabat naman ni Elise na katabi nito.
Parehong nakasandig sa sementandong bakod ang dalawa at nakatingala ng konti habang nakatingin kila Narda dahil elevated ang daan patungo sa pintuan ng 4-Narra kung saan inassign matulog ang girls.
"Huyy, tahimik. Buti nga nagpaalam yung tao na mauuna na sila kesa naman iniwan na lang tayo ng walang pasabi tsaka sinabi naman nila na hihintayin nila tayo kapag babalik na dito sa school, di ba?" saway ni Lexi sa katabi na sumimangot naman bilang sagot.
"Nagmamadali ang mga yun kasi magdo-dota pa sila sa internet cafe. At pabor sa kanila kung mahuhuli tayong pupunta sa palengke, ibig sabihin, more time for playing. Bakit ba adik ang mga yun sa Dota?" kunot-noong tanong ni Lexi.
"Kasi trip nila. Kasi doon sila masaya. Parang tulad ng pagka-adik natin sa mga ebook na binabasa natin. Isama pa nga pala ang wattpad," sagot na lang ni Elise.
Hindi na nasundan ang usapang iyon dahil tumahimik na pagkatapos si Lexi. She got the point so she knows when to stop with the conversation. Kalaunan ay nag-usap din uli sila pero tungkol na sa ibang topic. Paminsan ay kasama si Narda habang si Regina naman ay nanatiling tikom ang bibig. Iyon ang eksena nila habang naglalakad papunta sa palengke na ilang metro lang ang layo sa eskwelahan nila.
Since nagpunta sila doon para bumili ng necessities na nakalimutan nila dalhin kaya naman iyon ang inuna nila bago sila bumili ng iba pang bagay. Pagkatapos nun ay nagkaayaan o tamang sabihin na inaya nina Lexi at Elise sina Narda at Regina na bumili ng street foods.
Hindi pa pumayag nung una si Regina.
"Don't worry hindi naman madumi yung binebenta nila, if yun ang pinoproblema mo. Tsaka sinisigurado ko masarap ang luto ni Manong Cardo. Tested and proven by Narda Custodio."
Ang lapad pa ng ngiti ni Narda na may kasamang pag-thumbs up habang kaharap niya si Regina tuloy yung isa napatango na lang.
"Kapag kami ang nagsabi di kapani-paniwala pero kapag si Narda oo kaagad. Wew naman! Kami ang kaklase mo mula first year pero mas pinili paniwalaan si Narda. Yes naman sa trust," pasimpleng tukso ni Lexi kay Regina na nakakuha lang ng irap mula sa huli. Tinawanan tuloy iyon nina Elise at Narda.
"Ikaw kasi ang isa sa pinakamaloko sa section natin at kung ikukumpara kay Narda mas tama ngang maniwala si Regina sa kanya kesa sayo," dagdag pa ni Elise. Boom panis si Lexi!
Pagdating nilang apat sa harap ng stall ni Mang Cardo ay binati kaagad sila ng lalaki. "Uyy, andito ang mga suki ko. At nagdala pa kayo ng isa pang maganda," puna nito ng mapansin ang presensiya ni Regina.
"Anak ho iyan ni Mr. Vanguardia," pag-iimporma ni Elise.
"Kaya naman pala kay gandang bata. Mana sa ina't ama," puri pa ni Manong Cardo kay Regina na kulang na lang ay magtago sa likod ni Narda dahil sa pagkailang. Normal ang ganoong reaksiyon dahil ngayon niya lang nakilala ang lalaki, ngayon niya lang nakasalamuha.
Pumili na ang tatlo ng bibilhin habang si Regina naman ay naiwang nakatayo sa gilid at tahimik. Napansin iyon ni Narda kaya nilingon ito ng dalaga.
"Ayaw mo ba talagang bumili?" nag-aalalang tanong ni Narda. Siya kasi ang pumilit sa isa kaya konsensiya niya ang matatamaan kung hindi naman pala talaga gusto ni Regina na bumili ng pagkain na binibenta ni Manong Cardo.
BINABASA MO ANG
The Letters I Sent (Darlentina AU)
FanfictionNarda Custodio, the varsity player, and Regina Vanguardia, the school president, are exchanging letters with each other and having pen names, Darna and Valentina, respectively. High School AU ( Darlentina)