Si Sarah at ang Nawawalang Gunting

48 0 0
                                    

isinulat ni Ms. Minchien

hango sa nobelang "A Little Princess"

(Sarah ang Munting Prinsesa)

ni Frances Hodgson Burnett


Mayroong isang batang babae na nagngangalang Sarah. Siya ay mahinhin, mabait at likas na matulungin. Nagmula siya sa isang maharlikang pamilya kaya naman tinatawag siyang "Princess Sarah." Iniwan siya ng kaniyang mga magulang sa isang mamahaling paaralan.

At dahil si Sarah ay likas na mabuti, kinagigiliwan siya nang marami. Kaya naman mayroong isang batang babae na talaga namang inggit na inggit sa kanya. Ito ay si Lavinia. Araw-araw, ay samu't saring pang-aapi ang ginagawa ni Lavinia kay Princess Sarah. Sinasadya nitong tapunan ng inumin ang bestida ni Sarah, itinatago ang mga mamahaling lapis o bag. Minsan pa ay palihim ni Lavinia na kinuha ang notebook ni Sarah at pinunit ito. Ganoon kasama si Lavinia.

Tumitigil lamang si Lavinia sa pang-aapi kay Sarah tuwing nariyan si Miss Minchin, ang pinaka-kinatatakutang guro sa paaralan. Lahat ay natatakot kay Miss Minchin dahil sa pagkastrikto nito.

Isang araw, sa gitna ng klase ni Miss Minchin...

"Kailangan ninyong gupitin ang makukulay na papel na ito upang makabuo ng hugis na tulad ng nasa pisara." sabi ni Miss Minchin. "Iiwan ko muna kayo." Lumabas na si Miss Minchin ng silid. Pagkalabas ay kaagad tumayo si Lavinia at sininghalan ang nananahimik na si Sarah.

"Hoy. Ilabas mo ang gunting ko!" Nagulat ang buong klase sa pagsigaw ni Lavinia kay Sarah.

"Ha? Pero wala akong kinukuha sa'yo Lavinia." pagtatanggol ni Sarah sa kanyang sarili.

"Sinungaling! Ikaw ang katabi ko. Sino pang kukuha?"

"Pero hindi talaga." sabi pa ni Sarah.

Sa halip na maniwala ay hinablot ni Lavinia ang bag ni Sarah at itinaktak ang lahat ng laman nito. Tiningnan niya ang lahat ng pumatak sa sahig ngunit wala ang kaniyang gunting.

"Anong nangyayari dito?!" Nagulat ang lahat sa biglang pagpasok ni Miss Minchin. Tila nanginig sa takot ang lahat.

Kinakabahang sumagot si Lavinia, "K-kasi po..."

"WAG KA NANG MAGPALIWANAG!!! Ngggggg..." singhal ni Miss Minchin (in Raffy Tulfo Meme Tone). "Kayong dalawa! Magbalat kayo ng patatas!"

Kaagad sumunod si Sarah at Lavinia sa utos ni Miss Minchin at nagtungo sa kusina ng paaralan.

Habang nagbabalat ng patatas ang dalawa ay patuloy pa rin si Lavinia sa pagbibintang kay Sarah.

"Kasalanan mo ito Sarah. Kung nilabas mo lang sana kaagad ang gunting ko, hindi sana tayo nagbabalat ng patatas ngayon."

"Wala talaga akong kinukuha sa'yo Lavinia, maniwala ka."

Maya-maya ay pumasok si Ermengarde sa kusina. Si Ermengarde ay isa sa matatalik na kaibigan ni Sarah.

"Oh Lavinia... Nakita ko ang gunting mo sa iyong kwarto. Naiwan mo. Sana hindi mo kaagad pinagbintangan si Sarah." sabi ni Ermengarde.

Hindi nakapagsalita sa sobrang hiya si Lavinia. Tumigil ito sa pagbabalat ng patatas at dali-daling kinuha ang gunting kay Ermengarde tsaka lumabas ng kusina.

"Umalis nalang siya nang ganon-ganon lang Sarah. Hindi man lang nya sinabi ang dapat sabihin sa'yo." sabi ni Ermengarde.

"Hayaan mo na. Salamat Ermengarde." nakangiting sabi ni Sarah at saka ipinagpatuloy ang pababalat ng patatas.

*Wakas*


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Si Sarah at ang Nawawalang GuntingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon