Chapter 33

10.3K 312 6
                                    

RAQUEL
#NewLife

Sa huling pagkakataon ay muli kong pinagmasdan ang tahanan na aking lilisanin ngayon. Ang tahanan na puno ng masasaya at lungkot kong karanasan ay hindi ko na muli pang makikita, kahit kailan.

Paalam aking tahanan..

Puno ng luha ang aking mga mata nang tuluyan na akong lumakad. Sa ilang araw na huling pananatili ko dito ay ginugol ko ang oras ko sa kanila na kasama sila, kila sister at mga bata na mamimiss ko.

Medyo madilim na ang nilalakaran ko at sa ganitong oras ay wala ng may dumadaan pang mga tricycle. Hindi ko din alam kung saan na ako pupunta, wala naman akong kakilalang mga kamag-anak ko.

Patuloy ako sa aking paglalakad nang makarinig ako ng kaluskos sa aking likuran. Napalingon ako pero wala akong may maaninag dahil sa dilim ng paligid. Bigla na lang ang pagtahip ng takot sa aking dibdib.

Lord.. sana po hindi ako multohin dito at ilayo Mo po ako sa panganib..

Binilisan ko ang aking paglalakad at mas lalo akong natakot nang makarinig ng yabag sa aking likuran. Napaluha na din ako sa takot at kay bilis na ng tibok ng puso ko.

Hanggang sa tumakbo na ako sa takot na baka masamang espirito ang humahabol sa akin. Bigla na lang din akong natilihan nang makarinig ng  malakas na busina at ang papalapit na nakakasilaw na ilaw.

Bigla na lang din dumilim ang paningin ko at kasabay noon ang paglupaypay ng katawan ko.

"Raquel.."

"C-colosas—ah!" Kasabay ng kaniyang pagbaon ay ang aking pagdaing. Napaluha ako sa kirot na aking nararamdaman.

Marahan niyang hinalikan ang aking labi habang may pag-alala sa mga mata niya.

"I'm sorry, sweetie." Bulong niya na marahan pa din hinahalik-halikan ang labi ko. Ngumingiwi naman ako sa kirot sa aking gitnang hita.

"M-mamamatay na ba ako?" Nahihiya kong bulong. Kasabay noon ay ang biglang paghalakhak ni Colosas na aking kinasinghap.

Natulala ako habang pinagmamasdan ang nakakaakit niyang tawa na umecho sa buong silid. Napakurap ako nang tumingin siya sa akin na kinasalubong ng aming mga mata.

"No, sweetie. In fact, the next move I make will lead us to unending pleasure." Nakangisi niyang bulong sa aking tenga, kasabay noon ang paggalaw niya na aking kinasinghap.

"Ump!—"

"Hija! Gising! Binabangungot ka!" Bigla akong napasinghap ng malalim at sinabayan nang pagmulat ng aking mga mata.

Hingal na hingal akong nakatitig sa isang Ginang na may pag-alalang nakatunghay sa akin. Napabangon ako at umusbong ang kaba sa aking dibdib nang makita na hindi pamilyar itong silid at hinihigaan ko.

Bigla ko din nahawakan ang noo ko nang makaramdam ng konting hilo at pananakit, pati ang katawan ko.

"N-nasaan po ako?" Magalang kong tanong sa Ginang, may pag-alala din sa mukha nito nang umayos ng tayo.

"Nandito ka sa bahay ni— huwag kang mag-alala ligtas ka dito, Hija." Magaan na pagngiti niya sa akin at saka hinaplos ang aking buhok.

"Salamat po, Ma'am.." Magalang kong sabi na kinailing ng Ginang.

"Wala iyon, Hija. Ako nga pala si Cynthia, tawagin mo na lang akong Nanay Cathy." Maagap niyang sagot.

"Salamat po muli, Nay Cathy.. S-sino po pala ang nagdala sa akin dito?" Nagtataka kong tanong.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon