Chapter 46

348 18 1
                                    

Carmella Pov

Medyo tumagal pa ang biyahe ng makarating kami sa mansyon ng lalaking toh at ang una kong nakita sa gate na naghihintay ay ang kuya ko na nakatingin na sa kotse ni Ace kaya naman nung huminto na ang sasakyan ay agad kong nilapitan si Kuya, mukhang seryoso ang pag uusapan namin ah

"Supp??" Nagtataka kong sabi pero hindi pa man ako nakakatayo ng maayos ay bigla naman akong niyakap ni Kuya Sevy ng mahigpit, well siguro ayaw niyang may makarinig ng usapan namin hehehe minsan kasi ganto kami

"What's the matter??" Tanong ko sa kanya habang tinapik tapik ang likod niya paano ba naman kasi ang higpit ng yakap pero once in a blue moon lang niya ito gawin kaya naman medyo susulitin ko na iinggitin ko nalang si Kuya Arian pag nagkita kami sure akong magtatampo yon

"Ella wag kang magagalit ahh" May malungkot na tono sa boses ni Kuya hindi naman dahil sa pabulong niya itong sinabi kundi dahil sa pag luwag ng yakap niya sa akin

"Ano ba talaga yung nangyayari??" Naguguluhang tanong ko kay Kuya dahil naguumpisa na akong mag alala

"Kasi naman eh" Parang bading naman na sabi ni Kuya Sevy kaya naman mahina akong napatawa, pfft- bagay sa kanya

"Kuya naman eh, seryoso na ano ba kasi yon??" Pabulong ko namang sabi sa kanya kaya naman sumeryoso na siya

"Carl..... Nakabuntis ako" Seryosong saad ni Kuya Sevy na nagpatigil sa akin........

"WHAT-?!" Gulat kong sigaw, tangina paano??? Sino namang babae yon?? Tita na ba ako??

"Wala joke lang yon, eto naman masyado ka kasing seryoso eh" Natatawang sabi ni Kuya Sevy kaya naman napatitig ako sa kanya ng masama

"Ano ba kaso talaga yon?? Kuya naman eh para kasing bakla ang tagal mo" May irita sa boses kong sabi kaya naman hintay ko muna siyang kumalma bago maging seryoso ang paligid

"Eto na eto na, well the reason why I called you here........ alam mo na yon wag ko na nga sabihin" Natatawang sabi nanaman ni Kuya Sevy kaya naman hinampas ko siya ng mahina lang naman

"KUYA NAMAN EH!!" Nagrereklamo kong sigaw dahil wala akong idea sa kung ano man ang sasabihin niya which is nakakaasar

"Aray ahh, alam ko kasing alam mo na may nakasunod sa inyo ni Arian and as far as I know under sila ng isa sa mga kamag anak natin" Bulong niya sa akin kaya naman napatango ako, akala ko naman kasi imagination ko lang ang sumusunod sa akin meron na pala talaga

"Ahh kaya naman pala ang lungkot mo kasi alam mong hindi ka na makakapag hanap ng babae" Pabirong sabi ko sa kanya kaya naman masama niya akong tiningnan, hiindi naman kasi siya babaero eh mukha lang ganon pero mas mukhang babae si Kuya Arian

"Tapos na ba kayo?? Tara na hinahanap na nila tayo baka kung ano isipin nila" Napabitaw naman ako ng yakap kay Kuya Sevy at naglakad na pabalik sa kanya pero syempre nagpaalam muna ako sa kuya ko at sinabi niya pa talaga na mag ingat sila sa akin

"Ang Kj mo noh?? Wala ka sigurong kapatid kaya ganon ka" Bulong na sabi ko sa sarili ko bago pumasok sa kotse

"May kapatid ako and may practice pa tayo" Malamig na saad ni Ace kaya naman napatango nalang ako, tangina talaga yung tainga neto ang lakas ng pandinig atsaka halatang bad mood din siya nung sinabi niya na may kapatid siya kaya naman kahit kati na kati na akong malaman kung sino man iyong Montefalco na yon sana naman mabait.

Naging tahimik lang ang buong byahe at tanging ingay lang galing sa labas ang naririnig ko, siguro okay na ako sa gantong katahimikan pero ang awkward din pala tapos may time naman na nagsalubong ang mga mata namin nung traffic kaya naman mas lalong naging awkward para sa akin

"Ayy oo nga pala, akala ko ba bukas pa tayo mag pra-practice??" Biglaang tanong ko sa kanilang lahat, kasalukuyan kasi kaming nasa loob ng classroom at yung iba sa kanila inaayos na yung materyales pero seryoso lang ang expression nila

"Kinumbinse kasi ng mga nasa higher section na bukas na agad I perform kaya naman kailangan na natin ngayon makita ang kakalabasan ng ginawa" Pagpapaliwanag ni Lucas habang inaayos ang magiging damit namin

"Ang yabang kasi nila eh" Kumento naman ni Liam na sinangayunan ng iba

"Pakita nalang natin kung sino ang dapat na kalabanin nila at kung sino ang hindi dapat, atsaka kita naman na tayo na ang panalo eh" Komento naman ni Kris at halos lahat sila sumangayon

"Mag practice na, wag na natin isuot ang costume dahil kakainin lang non yung oras natin sayang lang" Pg utos ni Cayden habang hinahampas ang lamesa kaya naman napatigil kami sa ginagawa namin at pumwesto na sa kailangan naming pag pwestuhan. Hindi naman ako nahirapan sa ginagawa namin dahil alam ko naman na ang gagawin ko pero si Ace naman ay halatang hindi sanay sa mga ganto.

Makalipas ng dalawang oras ay natapos na kami, hindi ko naman masasabing perfect na ang performance namin dahil yung iba sa kanila ginagago kami kagaya ng biglang pagpapatawa kaya kahit si Cayden na nakaupo lang sa harap kasama si Lucas ay natatawa na din kasi minsan natatapilok ako kaya naman pinalabas na ni Ace ang mga wala namang ginagawa at hindi nakakatulong.

"Carm papasukin nyo naman na kami, tapos na kayo eh" Rinig kong pagmamakaawa ng iba sa kanila, hindi ko ma identify kung sino kasi busy ako sa pagkain na nasa harap ko habang ang mga loko naman sa iba ay nakasilip sa bintana at gustong pumasok, gutom na din kasi sila and wala silang magagawa kundi mag hintay dahil nasa loob ang wallet nila at cellphone so hindi sila makakabili or order ng pagkain. Plus pa na binalaan sila ni Ace na huwag sirain ang pintuan kaya naman wala silang nagawa kundi manood nalang sa bintana habang kami ay kumakain. Maya-maya naman ay pinapasok na kaming kainin ang parte namin sa pagkain kaya naman pinapasok na din sila ni Ace para kumain

"Hulog ka talaga ng pangit" Narinig kong bulong ng isa sa kanila pero hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin dahil alam ko namang hindi ko mahahanap ang loko na yon at wala din akong mapapala sa kanya. After naming kumain ay nag practice ulit kami kahit madilim na pero last practice na yon bago kami magpahing kaya naman nung natapos kami ay pumasok na ako sa mini fort ko at nanood na ng random things pero syempre naka headset ako para hindi sila magising pero nung nakarinig ako ng movements ay agad akong napatingin doon, si Ace lang pala na naka silip

"MATULOG NA." Pabulong na sabi ni Ace pero may diin pa din kaya naman tinanggal ko na ang headset sa akin at niligpit na ang higaan ko at ipinakita sa kanya na naka higa na ako kaya naman umalis na siya, nagpahinga na din ako kasi kailngan ko ng lakas ko para bukas.

The only girl in Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon