"Gracey, may notes kaba sa math? Hehe, hindi na kase ako naka notes kasi may practice kami kanina" sabi nang classmate kong si Jelai.
"Oo meron, send ko nlang sa'yo mamaya ha"
"OMG, sige-sige ang bait mo talaga kahit kailan. Huhuhu" - Jelai
." Maganda na mabait pa" dagdag pa nya.
"Sus, nagbiro ka pa, sige na, your welcome" sabi ko na may halong slight na pagka overwhelmed, sino ba namang hindi matutuwa pag tinawag na 'maganda na, mabait pa'. HAAHAHAHAH. Alam ko namang biro lang yun, pero ewan ko ba, hindi lang siguro ako sanay o pahumble na assuming lang.
It's almost 5pm, which means malapit na ang uwian. Free time kasi namin ngayun kasi walang klase kanina, dahil sa psychosocial. Tsinecheck ng mga Teachers ang mental health ng mga students, lalo na dahil sa naganap last week, nung may nagsuicide na student, tumalon mula 4th floor, reason? Unknown, it was still under investigation, we had 2 days suspension of classes because of that.
_____
"sino bang cleaners ngayun? Jusko naman, matuto naman sana tayong sumunod sa schedule 'no? saan na yung group 1? Bakit si Arjay lang yung nakikita kong naglilinis?!" pagalit na sigaw nang teacher naming si Maam Dawn, actually hindi naman sya maldita, ayaw nya lang talaga nang marumi at maalikabok na lugar, well lahat naman siguro diba.
"Uy, si Rain, gandang ganda nya talaga no?" dinig kong pabulong na sabi ni Lyca kay Iris, habang nag -aarrange ng mga silya.
Si Rain, maganda naman talaga sya, magaling ring sumayaw, syempre dance student eh, pero ewan ko ba, kahit kailan hindi ko kaya na makalimutan ang nangyari nu'ng mga nakaraang buwan. Kung saan ko natutunang magmahal at naramdamang masaktan. ASHHHH! Hay naku Grace, akala ko ba past is past na tayo ngayun?. Tanggalin mo na sya sa isip mo okay? #hindi worth it. Itatak mo yan parati sa kokote mo, makakahanap ka rin ng iba yung mas gwapo, matalino at higit sa Lahat, HINDI BABAERO!
"Huy! Grace, anong iniisip mo dyan? Lutang ka ata HAAHAHA" tanong ni Brylle.
"Ha? Wala no, nagmememorize lang, ikaw talaga" sabi ko.
"Weh?"
"Shh" sabi ko sabay lakad papalayo sa kanya. Uuwi nalang ako, wala namang ganap dito, at saka, wala rin namang ganap sa room, boring kasi absent si Maeng yung bestfriend ko. Hindi talaga kompleto ang araw ko kung wala yung babaeng yun, ewan ko ba, hindi naman kami ganito nung Grade 7, pero ngayung tumongtong na kami ng Grade 10, hindi na ata kami nagkakahiwalay, kami yung tipo nang magkakaibigan, na kahit saang sulok pwede naming tambayan na kaming dalawa lang. Okay na'ko sa ganon. Sa tingin ko kase mas Mabuti na yung isa, kaysa sa yung marami nga pero di naman tunay. Close naman kami ng mga classmates ko pero iba yung closeness na meron kami ni Maeng. May mga bagay-bagay na kami lang talaga ang nakakaintindi.
Lalabas na sana ako ng Pintuan ng may nahagip akong isang pamilyar na lalakeng nakatalikod sa akin sa corridor, quadrangle kase yung campus namin, yung building yung nagfoform nang quadrangle habang yung corridor namin ay nakaharap sa flagpole which is in the center.
Hindi ako sigurado, pero bakit ako kinakabahan, bakit sya nandito? Para saan pa? Kung kailan mayroon ng nasaktan sa aming dalawa? At saka paano sya nakapasok?
Naka black slacks at nakawhite polo, at infairness naka two-block haircut sya, the style which I always told him before, kasi bagay, and yes bagay nga. And I didn't expect him to really do that, kase sabi nya ayaw nya, hindi daw bagay, pero ginawa naman. Haha. Ang gwapo nya.
I was about to pass by, but his word stopped me. "Acel Grace, let's talk." No, hwag kang sumunod, andwaeeeeee! May mga sariling utak ata tong mga paa ko, dahil nagkusa nalang itong huminto kasabay rin ng pagtibok ng aking puso. 'Wala na akong choice' humarap ako sakanya. Batid kong may mga matang nakamasid sa aming dalawa, kaya sinabi ko sakanya na "Sumunod ka" Sumunod sya sa akin papunta sa kabilang hagdan kung saan walang tao, na parang asong pinagalitan ng amo.
Mostly kasi, sa mga ganitong oras walang dumadaan kasi hindi ito ang hagdan papalabas. Dito rin kami tumatambay ni Maeng kung may sekretong pinag uusapan o kung gusto lang naming mag-usap na kaming dalawa lang.
Humarap ako sakanya. "Anong Pag-uusapan natin, Liam?" Alam ko sa aking sarili na hindi na kailangang pag-usapan ang nangyare na, kasi malinaw na sa akin ang lahat. Pero gusto ko ring pagbigyan ang parte sa akin, na gusto syang pakinggan, kahit yun lang. Ayokong mag isip nang kung ano-ano nang hindi naririnig ang side nya. I think it's fair, na rin.