Hey Terrence!

2.6K 90 57
                                    

"Hope you won't stop caring for me.. Because that makes me happy." 

    --Terrence Kelvin 

Owkaaaayy..

Sabihin na nating isa ako sa mga babae diyan na nahuhumaling sa mga fictional characters. Sa totoo nga lang, ang dami-dami kong crush na fictional characters.

Si Zachary Goode (Out Of Sight, Out Of Time), Draco Malfoy (Harry Potter), Harry Potter (Harry Potter) and Daniel X (Daniel X) and Augustus Waters ("The Fault In Our Stars" my MOST favorite book) and.. marami pa.

..well, mga characters sila sa mga libro. Yeah, as in book talaga na mabibili mo sa bookstore.

Sobrang na-hook ako sakanila.

as for mga e-book characters naman, huwag ng isa-isahin. Marami sila.

Pero masasabi ko..

May isa talagang character na.. oa man, eh.. hindi ko talaga malimutan. Alam niyo yun? Yung parang, na-STUCK na siya sa brain cells ko tulad nalang nung mga nandun sa taas.

Summer 2012 or around March or Feb? Can't remember.. basta una kong nabasa yung A Place In Time, tanda ko pa, tulog na lahat nun dito sa bahay nung nagsimula akong basahin yan. Means, gabi. Kasi balak ko talaga i-marathon lahat ng gawa ni Miss Jessica.

Honestly, akala ko eh si Arwyn at si Shay yung bida.. so yun nga.. Si Terrence pala. 

Mali ako. Nung una pa.. akala ko, boring. Well.. AKALA ko lang yun.

Who would have thought na yung akala kong boring na story eh iiyakan ko ng bongga?

Mula nung nabasa ko yan, madalas ko siyang ulit-ulitin. Parang baliw lang diba? Pero ganun siguro talaga kapag sobrang na-attach ka sa story.  

Ngayon nga eh habang tina-type ko ito, medyo swollen pa rin yung mata. Kakaiyak ko lang kasi. Dahil kay Terrence. Kakabasa ko lang ULIT ng A Place In Time. Hindi niyo naman ako masisisi diba? Ganun kasi ako, pag may gusto akong story as in pag wala na ulit akong bagong mahanap eh ayun.. basa ulit ng mga favorite stories ko.

Sinong hindi magmamahal kay Terrence? Tell me..

oa man ulit eh, super love ko si Terrence. Hindi ako nahihiya dun. Alam kong hindi lang naman ako.

Siya kasi, masungit. Honestly, I always prefer 'masungit' guy kesa sa mga out-going or yung mga friendly. Ewan. Mas attractive? Yeah.. maybe.

si Terrence, visual artist. Sa buong pamilya namin, ako lang ang hindi biniyayayaan ng talent sa pag-do-drawing. Badtrip. Kaya isa sa standards ko eh, ayun nga.. visual artist. Hindi naman standard. I guess, maling term 'yon.. pero.. basta. Oo nalang.

Hindi bulky si Terrence. I seriously don't like bulky guys. Basta! Mas attractive ang payat. Pero hindi naman yung buto't balat. -.-'' Yung tipong may muscles pero hindi halata? 

He is also tall. Tapos web master pa. Tapos.. I can say.. he's a mystery.

Akala ko din nung una asthma lang yun, pero may napapansin ako.. yung kuya ko kasi saka yung pinsan eh may asthma. So una ko siyang nabasa, tingin ko.. hindi lang basta-basta asthma yung sakit ni Terrence. So nagkaroon ako ng hunch. Yun nga.. tama.

Yung sinugod si Terrence sa hospital nung naglaro siya para sa school nila. (Yung si Jiroh pa nag-buhat? sakanya..) eh yun, naiyak ako dun.

Mababaw lang naman ako eh. Well, pagdating sa pagbabasa.

Tapos mula nung part na iyon, eh marami ng parts ang nakaka-iyak.

Tapos.. well, akala ko rin talaga ma-o-operahan siya.. NAMAN! Malay ko bang tragic ang story niya?

So yun nga.. super emote ako. Pero surprisingly, after ko mabasa yung A Place In Time eh super nag-iba yung tingin ko sa buhay. I mean, yeah.. I can say matagal na akong weird pero.. alam niyo yun? May something na hindi ko alam. BASTA!

Tahimik naman akong tao, but yeah.. after reading it, as I said, mas nag-iba pa. I mean, mas naging tahimik nga yata ako. Mas dumami yung stuffs na tinatago ko sa sarili ko.. mga ganung bagay. Pero.. I can say, mas nakatulong siya. Ewan ko ba.

So ito na..

**

Hey Terrence!,

Pathetic as it may sound, but seriously, I love you. (kekeke) maybe, fictional character ka lang~ pero ano kasi.. let's say.. I'm one of your fangirls. I hope, maging brave ako tulad mo.. kahit, half as brave lang. Ayos na yun.

I just wanted to tell you na.. kung si Shay eh may Jiroh na.. well ako, ikaw pa rin. (echus). Pero promise, kahit na, alam kong kyot si Jiroh at 'cool' din siya, eh para saakin mas cool ka.

I like you. You're one of the best character on e-book community. I like you not just because you passed my standards (echus ulit) but also because.. you.. you're Terrence.

Hindi ako naniniwala na when you love someone dapat wala kang reason, because palaging meron. Alam ko yan. Hindi pwedeng wala. Kaya pagtinanong ako kung sino pinaka-favorite at labs ko na fictional character, isa ka sa isasagot ko. Reason ko? Because YOU are Terrence. 

Maraming reason kung bakit hinahangaan kita, but I swear!! Hindi enough yun. Hindi ko ma-explain eh! Kaya.. yun nalang ang reason.. because YOU are Terrence.

I love you because you're Terrence.

Yongwonhi neol saranghae~ ♥

xoxo

  --Pat ♥ 

** 

Ang oa, oa ng post na ito. Promise. Eh sa gusto ko sabihin 'to sainyo eh? kekeke. XD 

 #TeamTerrence #TerrenceKelvin #KuyaTerrace #KuyaTCake #TK 

Grabehan lang ako magpagka-fangirl. Asus. echus. :D

 P.S. Lahat ng stories ni Miss Jessica ilang ulit ko ng nabasa. As in! And.. yeah, wala akong balak itigil yung pag-uulit-ulit na yun. meuehehehe XD

Hey Terrence!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon