Kubo
Isang araw pagkatapos ng moving up ceremony namin ay nagkayayaan kaming lima na pumunta sa DRT para mag-celebrate.
"Ang sexy mo, Nadia. Ang puti-puti mo pa!" I gave a sweet smile at the compliment. Tulad nila Belle nakasoot rin ako ng one piece swimsuit. Backless ito at kulay yellow.
Narito kami sa Verdivia Falls at naliligo. Kaming tatlo ay narito sa tapat ng rumaragasang talon. Samantalang yung dalawa ay medyo malayo sa amin. Nakalublob ang kanilang katawan sa tubig at nakasandal sa malaking bato.
"Kuya, dito kayo!" Pagyaya ni Kate kay Travis.
Ngunit bago pa man makalapit yung dalawa sa amin ay may boses ring tumawag sa kanila "Leo!" Sigaw ni Ara mula sa kabilang side ng falls.
Napalingon si Leo sa kanyang direksyon at nakita kong nilapitan siya ni Ara.
"Narito rin pala kayo!" Masayang sabi niya.
Maya-maya pa ay di ko na narinig ang kanilang usapan ngunit tanaw ko rito sa aming pwesto ang ginagawa nilang tatlo. Nagtatawanan sila.
"Tara Nadia, doon tayo. Tingnan mo sila Leo oh, tawang-tawa kay Ara." Pagyaya sa akin ni Belle.
Kaagad naman akong umiling. "Kayo na lang, I'll stay here." I said firmly without taking my eyes off him.
"Sure ka?" Nag-aalangang tanong ni Kate.
Kaya naman kaagad akong tumango at pilit na ngumiti. I hate myself.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Gusto kong malayo siya sa akin, pero bakit ayaw kong malapit siya sa iba?
Tinalikuran ko sila at tinapat ko ang aking likod sa falls. As the series of steep drops of water hit my back, beads of tears were also forming in my eyes. I squeezed my eyes shut to burst them one by one so they won't fall on my cheeks.
The pang in my chest was growing but I mustered a strained smile. Ngunit lalo lang akong nakaramdam ng magkahalong inis at lungkot nang marinig kong tinutukso si Ara kay Leo.
"Leo, anong masasabi mo sa soot ni Ara? Sexy no?" Boses ni Belle iyon.
"Hoy, hindi naman Belle. Sakto lang." Sagot ni Ara makaraan ay humagikhik siya.
"Leo, matalino itong si Ara, maganda rin at mabait. Try nyo mag-date minsan." Pinagkakanulo nila si Leo kay Ara na ngayon ay mahinhing tumatawa sa panunukso sa kanila.
"Kung free ka sa Saturday Leo, manood tayo sa sinehan." Masayang pahayag ni Ara kaya naman naghiyawan sila Kate ngunit nanatili lamang tahimik si Leo.
"Pre ang gwapo mo, pa-kiss." Panunukso naman ni Travis sa kanya.
Kaya kaagad siyang minura ni Leo. "Tarantado!" Makaraan ay nagtawanan silang muli.
I stood still for a minute. I don't know what's happening to me. It was all mixed up and I wasn't sure how to sort it all. I should turn off this feeling to protect myself.
I stepped out of the falls and decided to dry my body. Nang naglalakad na ako palayo ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni Ara.
"Narito ka rin pala, Nadia." Wala naman siyang sinabing masama sa akin pero bakit naiinis ako sa kanya? I let out a deep breath, gave her a fake smile then looked away.
"Saan ka pupunta, Nadia?" Tanong naman ni Belle na papalapit na sa akin ngayon.
"Masakit ang puson ko." I lied. Para na rin may dahilan ako kung bakit hindi na ako babalik sa paglangoy.
"Meron ka na? May napkin ka ba?" Tanong niya. Nakalapit na siya sa akin ngayon. Tinanguan ko lamang siya.
"Tara samahan ka namin sa banyo." Alok niya. But I immediately shook my head. Hindi ko naman kasi talaga kailangang magbanyo. Kailangan ko lang lumayo.
"Sige, tawagin mo lang kami ni Kate kapag magpapasama ka ha." I smiled at her then walked away.
Nag-stay ako sa isang maliit na kubo rito. I dried my hair and wrapped my towel around my back. I took out my phone from my yellow backpack. I want to call my driver to fetch me here. Kasi gusto ko nang umuwi. Kaya lang ay siguradong magtataka sila Kate at Belle. Tatanungin nila ako kung bakit ako uuwi kaagad.
Kaya naman kinuha ko na lang ang earphones ko at sinalpak iyon sa aking cellphone at magkabilang tenga. Rinig ko pa rin kasi hanggang dito iyong tawanan at tuksuhan nila mula sa falls. Nilakasan ko ang volume ng cellphone ko hanggang tuluyan akong walang marinig na hagikhikan mula sa pwesto nila.
Pumili ako ng masayang kanta at saka nagsasa-sayaw at umikot-ikot. Nang muli akong umikot ay nakita kong nakatingin si Leo sa akin mula sa malayo. Nakaupo na sya sa tuktok ng batuhan samantalang lumalangoy pa rin yung apat.
I saw him tried hard to hide a wide smile or maybe a laughter. Mukha na siguro akong tanga ngayon habang sumasayaw rito sa kubo. Kanina pa siguro niya ako tinatawanan.
"Ara baka matunaw yang abs ni Leo, yung akin naman ang tingnan mo." Napalingon ako sa direksyon nila Travis nang marinig ko ang boses niya. Nagtawanan sila at nakita kong hinampas ni Ara ang braso ni Travis.
Hindi ko tuloy maiwasang ibalik ang tingin ko kay Leo na papunta na ngayon dito sa kubo. Nakasoot siya ng itim na swim shorts. Nakalugay at basa ang kanyang maalong buhok. Waters were dripping from his hard chest down to his ripped abdomen. May soot siyang itim na relo sa kanang pulsuhan at itim na elastic band naman sa kabila na siyang pinantatali niya sa kanyang buhok.
"Leo saan ka pupunta?" Tanong ni Travis sa kanya ngunit hindi siya sinagot nito.
"Itetext mo lang yang kahalikan mo e." Travis blurted out. Kaya kaagad siyang sinaway ni Kate.
"Kuya!" Pagkaraan ay nginuso niya si Ara na ngayon ay kausap si Belle.
Marahil ay ayaw niyang marinig ni Ara na may nakahalikan nga si Leo. And that happens to be me. Kaagad namang tinakpan ni Travis ang kanyang bibig ngunit inirapan lang siya ng kapatid.
Ilang minuto lamang ay narito na si Leo. Lumapit siya sa kung nasaan ang kanyang bag, makaraan ay binuksan niya ito para kunin ang towel niya.
"Aalis din ako kaagad." Imporma niya habang nakatalikod pa rin sa akin. Hindi ako nagsalita. Maya-maya ay humarap siya hawak pa rin ang gray na tuwalya.
He looked me in the eye. "I don't like nice girls, Nadia." He uttered then he left.
BINABASA MO ANG
Pulang Panyo
RomanceWARNING: Mature Content. Read at your own risk. Started: November 26, 2022 Completed: January 1, 2023 I dropped on my knees then held her hand. "Oh my..." She gasped, lost for words, teary-eyed. "Marry me again, Nadia. Willingly this time, love." S...