Hindi ko makalimutan yung nakilala ko kagabi,akala mo kung sinong hambog at antipatiko. Hmp! Isaksak ko sa kanya yung yung limang piso nya eh'
"Sa ganda kong 'to? Walang magkakainteres sa akin? Psh! Parang nang-iinsulto yung tono nya kagabi" Para akong sirang kinakausap yung sarili ko. "Naku kang lalaki ka Sana wag na kitang makita ulit!"
Iniling ko yung ulo ko para makalimutan yung mukha nung lalaking yun. Tinignan yung laman ng wallet ko and sad to say I'm running out of money.
Oh no! Don't tell me this is the time to get a job? Oh my! This not happening,sabagay ginusto ko 'to kaya dapat paghirapan ko.
_His POV_
"John! Anak,saan ka ba nagpunta kagabi at wala ka nang magising ako?" Tanong ni Mama habang naghihiwa ako ng gulay.
"Lumabas lang ako saglit Ma may binili lang ako saglit"
"Ng hating-gabi?"
"Oo Ma,bumili lang ako ng katol"
"Katol? Nasaan na? Eh wala ka namang sinindihang katol kagabi ha?" Pang-uusisa pa ni Mama.
Lumabas kasi akong ng di oras kagabi dahil sa babaeng yun,nakita ko kasi sa bintana na nagmamadali syang maglakad na parang takot na takot.
"Ang dami mo namang tanong Ma,hindi ako matapos-tapos sa niluluto ko eh"
"Osya! Tapusin mo na yan ha? At kapag tapos mo dyan pwede bang paki dalhan mo ng ulam yung bago nating kapit-bahay?"
"Ha? Bakit? At bakit ako?"
"Tignan mo 'to nagdadamot na naman" Sabi nya sabay hampas sa braso ko.
"Aray naman Ma! Hindi naman po ako nagdadamot,bakit kasi kaylangan pa nating dalhan ng ulam yun eh hindi naman natin kaano-ano yun atsaka bakit ako pa? Bakit hindi nalang po kayo? Hindi ko naman kilala yun"
"Eh kaya nga,mukha kasi wala syang kakilala dito kawawa naman atsaka maganda sya kaya tingin ko bagay kayo" nakangiting sabi ni Mama.
"Hay nako Mama, Kung kani-kanino nyo nanaman ako nirereto bugaw po ba kayo? Sinabi ko na po sa inyo na hindi pa ako mag-aasawa kasi aalagaan ko pa kayo"
"Anong aalagaan? Kaya ko na ang sarili ko,matanda na ako"
"Yun na nga eh! Matanda na po kayo at sakitin kaya nga dapat nandito lang lagi sa tabi nyo ang gwapo nyong anakv" Sabi ko sabay pogi sign.
"Kung ano-ano pa yang sinasabi mo,kung ayaw mo edi ako nalang ang magdadala"
"Sige na nga ako na,kumain nalang kayo dyan mamaya"
Sa hinaba-haba ng diskusyon namin ni mama talo parin ako tsk! Kahit kailan talaga 'tong si Mama oh! Pagkaluto ng ulam hinainan ko muna si Mama ng pagkain atsaka naglagay ng ulam sa lalagayan para dun sa kapit-bahay namin.
"Ma Kumain na kayo dyan ha? Ihahatid ko lang 'to doon"
"Sige Anak" aalis na sana ako ng.
"Ay John anak sandali lang!" Nagmamadaling kinuha ni Mama yung Gel at ipinahid sa ulo ko.
"Teka Ma! Para saan naman ba yan?" Reklamo ko.
"Para mukha ka namang presentable kapag nakita ka nya"
"Ma,maghahatid lang po ako ng ulam at hindi manliligaw"
"Malay mo naman diba?" Pilyang sabi ni Mama.
"Hay nako Ma bahala ka na dyan" sabi ko sabay alis bago pa kung anong ilagay ni Mama sa akin.
Pinuntahan ko na yung pintuan ng kapit-bahay namin at kumatok.
"Tao po? Si John po 'to anak ni Aling Marta dyan sa kabila" sigaw ko habang kumakatok.
Mayamaya pa ay may biglang nagbukas ng pinto at iniluwa nito ang isang magandang babae at may pamilyar na mukha.
Nagulat sya ng makita nya ako at ganun din naman ako ng makita ko sya.
"Ikaw!?" Sabay naming sabi sa isa't-isa.
Sya? Yung babae kagabi sya yung kapit-bahay namin at nirereto sa akin ni Mama! Wow ang saya nito grabe sakrastiko kong sabi sa utak ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Basta HOLDAPER,Sweet LOVER ❤
Historia CortaHer holdaper is her lover?!OMG i smell trouble!...but what if malaman mo na trinaidor ka nya mamahalin mo pa rin ba sya?o magmomove-on ka na?.. This is a story of Krishna Jewel Oxford na isang anak ng mayamang may-ari ng isang tanyag na jewelry shop...