Spoken Poetry (1)

25 0 0
                                    

"Marupok"

Natatandaan mo ba? Yung unang araw na tayo'y nagkita? Hindi ko inakala na sa ngiti mo palang, ako'y nabihag mo na.

Hindi ko alam na ikaw pala yung taong aking nakita nung pumunta ako sa ibang paaralan para i-representa ang aming probinsya.
Ikaw yung taong nagpatibok ng aking puso kahit isang sulyap lang yon, alam kong ikaw na talaga.
Ikaw na yung taong magbibibay halaga sa pagkatao kong kulang ay aruga.

Sa pagkakataong iyon, hindi kita agad nakilala. Hinanap-hanap pa kita ngunit hindi na kita nakita pa.
Pero sa hindi inaasahan, pareho lang pala tayo ng kuwartong pinapasukan at kasamang natutulog yung iba nating kasamahan.
Hindi ko alam na ikaw pala.
Ikaw pala yung binigyan ko ng tira kong milkshake at tinanggap mo ng walang halong pag-aalala.
Para tayong nagkahalikan noon at yun ang dahilan kung bakit hindi kita makalimutan.

Natatandaan ko pa yung unang araw na nangumusta ka.
Sinagot pa kita na, "Ayos lang. Ikaw, okay ka lang din ba?"
At yun ang simula ng istoryang ating ginunita.

Binahagi natin yung mga pinagdaanan natin at para kang tanga dahil hindi mo kayang makisama dahil puro ka lang tawa at sinabi mo pangang, "wag kang mag-alala, andito lang ako para damayan ka."
Totoo yung mga sinasabi mo kaya lumago ang namuong pagsinta ko sayo.

Hanggang ngayon ikaw parin. Hindi ko lang masabi ang sigaw ng aking damdamin sapagkat ikaw ay bago palang sa'kin.
Ayaw kong madaliin ang araw dahil baka ikaw ay umayaw at iwan akong nakadungaw sa bintana at sumisigaw sa sakit dahil sa natunaw kong pusong ayaw pang bumitaw.

Bitaw. Isang salitang ayaw kong marinig sa iyong bibig dahil masakit isipin na kahit bago ka palang sa'kin, totoo yung mga salitang binitawan ko na ikaw ay aking iniibig na mahalin.

Hindi ko alam kung nagbibiro ka o sadyang bulag ka lang talaga, mahal kita sa simula palang ng ating istorya at sana pareho ang ating nadarama sa isa't isa dahil hindi ko kayang mawala ka.
Sinabi mong wag na akong umasa kasi naguguluhan ka pa at kaibigan lang talaga ang kaya mong maibigay sa ating dalawa.
Pero mapilit talaga ang puso ko. Kahit minumura mo ako at iniiwasan na,
Kahit marami na akong pulang nakikita, nagbulag-bulagan parin ako dahil alam kong kaya pa kitang baguhin at suyuin pero wag na pala.
Hindi na kita pipilitin pa. Hindi ko sinabing ayaw ko na dahil ang totoo ay gustong-gusto ko pa. Gusto kong punuin mo pa yung sakit na iyong pinadarama para maging manhid ako at makakaya ko ng bumitaw at iwan ka.

Yun bang sa araw na kung wala na ako sa piling mo, doon mo lang makikita ang aking pagsinta. Pero ayaw ko ng umasa pa.
Pinilit ko ng kalimutan ka at ayaw ko ng maging tanga dahil ang sakit talaga na doon mo lang nakita ang aking halaga nung tumigil akong kausapin at mahalin ka.
Naging totoo nga at bumalik ka.

Oo, sinabi kong ayaw ko na, wag na,bibitaw na, suko na, pero bigyan mo lang ako ng oras magpahinga baka siguro balikan pa kita kahit alam kong walang "tayo" sa umpisa.
Nanligaw ka at nakalimutan ko lahat ng mga binitawan mong masasakit na salita at sinagot kita kahit
alam kong masasaktan ako pero bahala na.
Pero sana sa pagkakataong ito, ibang sakit naman ang iyong ipadama.
Kung ikaw lang naman ang aking makasama, wala na akong maihihiling pang iba.
At sana tayo na talaga ang itinadhana sa isa't-isa dahil ayoko ng masaktan at umasa pa.

~BENPIRESSS~

Poems and RandomsWhere stories live. Discover now