Promise

10 5 10
                                    

"Do you promise to marry me on the future?" tanong niya sakin, naglalaro kami ngayon ng bahay-bahay-an, ako ang mama, siya ang papa at ang regalo niyang teddy bear sakin ang aming anak-anak-an.

"I promise, I'll marry you when we get old" ngumiti ako sa kanya at itinapat sa kanya ang pinky finger ko, a gesture for keeping a promise. He also showed me his pinky finger and we sealed our promise by intertwining our pinky fingers.

"Promise mo yun ah! wala nang bawian!"

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"Ikaw ninang ng anak ko ah!" saad ni Kesha, kaibigan ko simula ng college Ako, anim na buwan na ang kaniyang tiyan at inaaya niya akong maging ninang ng baby niya at syempre hindi naman Ako makatanggi sa kanya.

"alam mo na ba ang gender ni baby?"

"Yesss! Kahapon kami nagpa-check-up ni Justice diba?" tumango ako sa kanya "at nalaman namin na it's a baby girl and a baby boy!" nagulat ako sa sinabi niya, akala ko hindi kambal ang nasa tiyan niya dahil sabi niya impossible. "It's a twin!Seline!" excitement is evident on her voice, ngumiti ako sa kanya kahit na malapit nang dumugo ang tainga ko.

"I'm happy for you, Kesha" napawi ang ngiti niya ng makitang tumutulo na yung luha ko. Lumipat siya nang pwesto at tumabi siya sa akin.

"Ba't ka ba ganyan? wag ka naman umiyak, naiiyak na din tuloy ako" sumisinghot siya habang tinatapik ang balikat ko, umiling ako sa kanya.

"wala ito, masayang-masaya lang talaga ako para sayo" nginitian ko siya at isinukli niya din sa akin ang matamis niyang ngiti, bumalik na siya sa kanyang pwesto kanina at nagsimulang kainin ang in-order niyang cheesecake kanina.

"Ikaw kailan ka ba ikakasal? Sabi mo noong first year college palang tayo ay may fiancée ka, pero lumipas na ang siyam na taon, hindi ka parin kinakasal" saad niya, ngumiti nalng ako sa kanya ng mapait.

Nagtagal pa kami doon ng halos isang oras bago dumating si Justice para sunduin  si Kesha. Ako naman ay pumunta sa isang flower shop dahil syempre bibili ako ng bulaklak. (attitude yern)

Pagkatapos nun ay pumara ako ng taxi para puntahan siya.Hindi matagal Ang byahe ko dahil walang masyadong traffic ngayon.

"Namiss na kita" sabi ko, umupo ako sa tabi niya at nilagay ko ang bulaklak na binili ko kanina sa tabi niya.

"Tinanong ako kanina ni Kesha, yung kinu-kwento ko sayong kaibigan ko, bakit daw hindi pa ako kinakasal eh may fiancée naman daw ako." nanatiling tahimik Ang paligid, palagi namang ganito tuwing pinupuntahan ko siya dito.

"Sana nandito ka pa, bakit kasi ang aga mong umalis, magpapakasal na sana tayo ngayon" tumingin ako sa gilid ko, sa puntod niya.

"Pero wala na akong magagawa, siguro sa susunod nating pagkikita, sana naman matupad na natin ang pangako natin sa isa't isa" bumunging hininga ako, nag-u-umpisa na namng tumulo ang aking mga luha "mahal na mahal kita, Steve" sa pagsabi ko nun ay biglang umihip ang hangin, napayakap ako sa sarili ko.

"alam kong ikaw yan, Steve. Hintayin mo Ako, mahal ko"

Bulong ko sa hangin. Mahigit apat na oras din akong nanatili doon at nang mag 4:30 p.m. na ay tumayo na ako "aalis na muna ako, babalik din ako para bisitahin ka" tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

"Seline? Ija is that you?" napahinto ako dahil sa pagbanggit ng pangalan ko. Humarap ako sa babaeng tumawag sa akin.

"Tita Emily" nag-bow ako sa babae na nag-ngangalang Emily, siya ang ina ni Steve. Ngumiti ito at lumapit sa akin para yakapin ako, ginantihan ko din siya ng yakap.

"Buti naabutan kita dito" saad ni Tita Emily, tumingin ako sa kanya "papaalis na nga po ako, it's nice to see you again tita" she patted my head. Umupo kaming muli at nanatili sa ganong pusesyon habang nagku-kwentuhan.

Nang sumapit ang ala-sais ay napagpasyahan naming umuwi na. Nakasakay na siya sa kotse ng iba niya ang bintana at tumingin sa akin

"You will meet someday, Ija. And I hope that you'll be happy with him" ngumiti ito sa akin at isinara na ang bintana tsaka pinaharurot ang sasakyan niya. Ngumiti ako sa kawalan

Sana nga.

Sana maging masaya na tayong dalawa, mahal ko.

••••••••••••••••••































.........

P R O M I S E  (one-shot story)Where stories live. Discover now